10

7 4 2
                                    

Pag pasok ko palang sa condo, parang ngayon lang ako nagising sa totoong mundo.

"Hi ija nagluto ako, hintayin nalang muna natin so denzel para sabay sabay na tayong kumain"sabi ni tita habang humahalik sa pingi ko.

Nakatayo lang ako dito at nanigas sa kinatatayuhan ko ng makita ang sofa na tinulugan kagabi ni denzel, may mga iilang bagay din ang naayos.

Teka paano siya nakapasok?At ano to bakit nandito tong sofa?

"Ah inayos konga pala ang mga gamit niyo"sabi ni tita ng makita angrekasyon sa mukha ko.

"Ayaw moba mababalik naman natin sa dati"tanong niya pero umiling nalang ako bilang sagot.

"Ah tita pano po pala kayo naka pasok?"

"binigay ni denzel kahapon bago kami umalis anh card" Nakangiting sabi niya tumango nalang ako.

Wala pa naman si denzel kaya pumunta nako sa kwarto at naligo, lumabas ako suot na robe, at pumunta sa walk-in closet,kumuha lang ako ng brown short and cream t-shirt, paglabas ko napahinto ako ng makita si denzel na nakaupo sa dulo ng kama at tinatanggal ang sapatos.

Mabilis akong tumakbo papasok ulit sa walk-in closet ng magtama ang tingin namin.

"Nakakahiya"mahinang bulong ko at niyakap ang sarili ko ng mapansing medyo litaw ang collarbone ko.

Dali dali nakong nag bihis at mabigat ang paghingang binuksan ang pinto.

Pag labas ko wala na siya, nakasara ang pinto ng cr kaya mabilis konang sinuklayan ang buhok ko tsaka lumabas.

Nakaupo na kami ni tita sa dining at hinihintay nalang namin si denzel na lumabas,maya maya lumabas narin siya magulo pa ang buhok niya pero bagay naman niy- ang pangit niya!.

"Kain na tayo"sabi ni tita at nagsimula nanga kaming kumain.

Napatingin ako sa harapan ko at nakitang nakangisi ang gunggong, nag-init tuloy bigla ang pisnge ko kaya wala sa oras na napainom ako ng tubig.

Nakakahiya yon bat ba puro nalang kahihiyan ang natatanggap ko dito.

"Kamusta naman ang pagaaral niyo?"pambasag ni tita sa katahimikan.

"Great"

"Ayos naman po"

Sabay pa naming sagot kaya napaiwas ako ng tingin ng magtama ang tingin namin, nandon parin ang nakakalokong ngiti ng gunggong, nakakaasar na siya ah.

Ng matapos kumain ng prisinta nalang ako kay tita na ako ng ang maghugas ng plato.

"Nice body"nabigla ako ng may biglang bumulong sakin sa kalagitnahan ng paghuhugas ko ng plato.

"Prevent!"mahinang bulong ko sabay sipa sakanya.

Pero tumawa lang siya at umalis sa harapan ko dala ang mapaglarong ngiti sa labi.

Manyak! Hindi ko alam na makakapagasawa ako ng isang manyak! Huhu.

**

Nandito na kami sa kwarto at pareho kaming nakatayo sa magkabiglang gilid ng kama parehong nakatingin sa kama.

"Sa baba nalang ako matutulog"sabi ko sabay kuha ng comforter.

"Ako nalang" kuha niya sa comforter.

Ang kulit ah.

"Ako nalang nga"bawi ko ulit sabay punta sa sa kabilang side ng kama para doon ilatag ang kumot.

MemoriesWhere stories live. Discover now