8

11 8 3
                                    

Nagising ako ng 8:30 am, pagkatapos maligo ginamot konadin ang mga paso ko at binigyan ng ointment, yung isa medyo malaki kaya binigyan ko ng bandage.

Paglabas ko ng kwarto dumeretso ako papuntang kusina at kumuha nalang ako ng bread na pinalamanan ko ng strawberry jam.

Pumunta ako sa sala habang ngumunguya ng tinapay binuksan ko ang tv at nanood nalang ng kdramang pinapanood ko.

"OMG!" malakas na tili ko ng nandon na sa part na lumabas sa cabinet yung multo then si jang man wol niyakap si Koo chan sung at-

"Hoy bat mo pinatay ah!"inis na sabi ko pagkatapos patayin nitong asungot na bagong gising na naka gray shirt and white shorts ang tv ahh! Anong karapatan niyang gawin yon!?.

"Umagang umaga ang ingay ingay mo!"

"Anong maingay and fyi nine am na ng umaga kaya dapat lang magluto kana dahil nagugutom nako!" Inis na sigaw ko sakanya sabay hablot ng remote sa kamay niya tss panira to.

Bumalik siya sa kwarto niya kaya pinagpatuloy ko nalang ang panonod ko, pero maya maya lumabas din siya nakaligo na siguro siya kasi hindi na sya mukang bagong gising at may mga butil pa ng tubig na pumapatak sa buhok niya.

Nakita kong tumungo siya sa kusina at nanghalungkat sa ref kaya diko nalang pinansin, tinuloy konalang ang panonood ng hotel del luna.

Ilang minuto ang lumipas ng makaamoy ako ng mabango, kaya pinatay kona ang tv at pumunta na sa kusina dahil ramdam kona ang gutom.

"Anong niluto mo?" Tanong ko habang hinahanda niya ang mga plato sa mesa.

Hindi siya sumagot at inalis lang ang takip ng ulam, tumambad saakin ang tocino itlog at chicken nuggets pati narin ang fried rice, marunong pala siyang magluto ah.

Umupo nako at sumandok ng fried rice kumuha din ako ng nuggets and tocino.

"May lason yan"sabi niya.

"Edi pareho tayong mamamatay" natatawang sabi ko kasi sumubo narin naman siya ea.

Pagkatapos kumain hinugasan kona ang mga pinagkainan at pumasok sa kwarto para i check ang phone ko.

                         Group chat
                          "Panget"

Shei
Kamusta first day?

Vim
Baka inadvance niyo na ang honeymoon ah!

Elle
Wait lang hindi pako ready maging ninang!

Frey
Hoy hindi panga sakal eh

Frey
I mean kasal HAHAHAHAHAHA

                                                             Claire
          Lakas niyong mag trip ea noh?

                                                             Claire Pero eto naninibagi pero ayos lang naman.

Shei
Medyo busy pa ngayon kaya nextime nalang siguro ako makakapasyal Claire.

Elle
Same

Frey
Mee too

Vim
Hindi naman ako busy pero sasabay nalang ako sakanila pag pwede na sila.

                                                            Claire
                Ano ba kayo okay lang yon.

MemoriesWhere stories live. Discover now