16

3 2 0
                                    

Naglalakad ako sa hallway ng matanaw ko si ethan kumaway siya sakin at ngumiti.

"Kamusta na" nakangiting tanong niya.

"Okay naman ikaw?"

Naging maayos na ang pakikitungo ko sakanya simula nung araw na sinasabi sakanya lahat ng problema ko.

"Free kaba mamaya, samahan mo sana ako sa enchanted kingdom"

Papayag na sana ako pero nagulat ako ng may umakbay saakin.

"Hindi" nagulat ako sa biglang sagot ni denzel.

Napatingin naman ako sakanya aaminin ko gwapo naman talaga siya ea bagay na bagay pa sakanya yung uniform niya.

"May dinner tayo mamaya kasama sina mommy" sabi niya sabay tingin sakin.

Napatingin naman ako kay nick na masama ang tingin kay denzel.

"Ah sorry next time nalang" ngiti ko kay nick.

"Hatid na kita"

"Ako na" nagulat nanaman ako sa sinabi ni denzel.

Ngumiti nalang ako kay ethan bilang paghingi ng tawad naintindihan naman niya yon kaya umalis nalang siya.

Tinignan ko si denzel na naka akbay parin saakin, hindi ko alam kung bakit ginawa niya to, ang alam ko kasi ayaw niyang ipagkalat na may fiance na siya kaya hindi ko pinagsasabi pero, alam naman na ni ethan hindi lang alam ni denzel na sinabi kona sakanya kaya hindi naman niya kailangan magpanggap sa harap niya.

Napatingin ako sa paligid ng maramdamang may nakatingin saakin.

Nakita ko naman si bell na nakatingin mula sa malayo nakangisi siya pero hindi ko alam kung bakit, kaya hindi ko nalang pinansin.

"Tara na" sumunod nalang ako kay denzel na nagumpisa ng maglakad inalis na niya ang akbay saakin.

Hinatid nga niya ko sa room ko gaya ng sabi niya, kaya pinagtinginan kami ng mga ka roommate ko.

"Boy friend mo?" Tanong ng isa kong kaklase pero ngumiti nalang ako sakanya at hindi siya sinagot.

Mabuti nalang wala ng nagtanong pa tungol don, ilang minuto lang dumatin nadin ang prof namin at nag umpisa ng mag discuss, hindi pumasok si elle, kinabahan tuloy ako kaya nung lunch napag desisyunan ko siyang tawagan dahil hindi naman pala absent yon eh.

"Hello?" Dinig ko sa kabilang linya.

"Elle? Bat hindi ka pumasok ayos kalang?" Nagaalalang tanong ko.

"Hmm nilagnat lang ako pero baka mapasok narin ako bukas" matamlay na sabi niya.

"Oh sige uminom ka ng gamot ah, getwell"

"Sige thank you"

Lumabas nako ng restroom pagkatpos siyang tawagin at pumunta na sa cafeteria para kumain.

Pero hindi pa ko nakakarating sa cafeteria ng may humatak sa kamay ko.

"Ano nanaman?" Naiinis na sabi ko kay bell.

Ngumisi naman siya sakin.

"Sino yon boyfriend mo?" Napakunot naman ang noo ko.

MemoriesWhere stories live. Discover now