Claire P.O.V
Hindi ko din inakalang tatlong buwan akong tulog, pero parang nagising lang ako ng isang araw dahil, yung sakit sariwa parin sakin ang lahat.
Ilang araw din akong nagpahinga dito sa bahay, nag iipon ng lakas ng loob, lakas ng loob para sa araw kung saan magwawakas ang lahat kung pwede lang na i skip nalang ang araw nayon ginawa kona, pero hindi.
Tapos na ang therapy ko nakakalakad at nakakagalaw nadin ako ng maayos ngayon, bumalik na sa sa normal ang lakas ng katawan ko, pero hindi ang puso ko.
Im physically healthy, but im mentally drained.
**
Alam kong ayaw pang pag usapan ni daddy ang bagay nayon, pero gusto kong malaman eh, gusto kong malaman kung ano ang ginawa niya, kung ano ang ginawa ni denzel, sinabi saakin ni quinn na alam na ni daddy ang ginawa ni denzel pero wala na siyang sinabi bukod doon.
Kaya hinihintay ko ngayon dito sa sala si daddy, para sana itanong ang mga bagay na bumabagabag saakin.
Tumayo ako ng makita kong dumating na si daddy.
"Dad" niyakap ko siya.
"Sweetheart" ngumiti siya saakin.
"Dad may gusto po sana akong itanong" kinakabang tanong ko.
Nakita ko naman kung paano naging seryoso ang reaksyon niya.
Umupo siya at ganon din ang ginawa ko.
"Ano yon?"
Batid kong akam naman niya ang nga tanong na gusto kong masagot.
"Alam naba niyang gising nako?" Panimula ko.
"Hindi,"
"Hindi na po tuloy yung kasal diba?"
Sabihin man nilang matuloy tututol padin naman ako.
"Yes of course, hinding hindi kananila makukuha sakin"
Tumango naman ako ng dahan dahan sabay yuko, kinakaban sa susunod na tanong ko.
"Nasan po si denzel?" Kumakabog ang puso na tanong ko.
Hindi siya agad nakasagot.
"Gusto ko po siyang makausap dad please" pagmamakaawa ko.
"Pero ija" pagtanggi niya
"Please dad" pagmamakaawa ko.
"Sige"
"Ang alam ko sa condo padin siya nakatira hanggang ngayon"
"Salamat dad" sabay yakap sakanya.
May mga gusto lang akong linawin.
"Basta lagi mong tandahan, nandito lang ako palagi para sayo anak, hinding hindi kita papabayaan kahit anong, mangyari tandahan moyan, mahal na mahal kita"
Hindi ko alam pero parang mas kinabahan ako ngayon sa mga sinabi niya, para kasing may pinapahiwatig siya ea.
"Dad, mahal na mahal ko din po kayo, you're the best father for me dad, i love you" malambing na sabi ko, sabay yakap sakanya.
"I love you too matulog kana" patuloy niya.
"Goodnight dad"
"Hmm, goodnight, sweet heart,"
**
Kinabukasan hinanda kona ang sarili ko para sa araw nato, masakit man pero kailangang gawin.
Tinignan ko ang singsing na nasa maliit na kahon, ang daming ala alang bumalik sakin, pero ang mga yon ay mananatili nalang na ala ala, binalik kona sa kahon ang sing sing at lumabas na ng kwarto.
Wala na si daddy, maaga siyang pumasok sa work.
Magsisimula nadin akong mag trabaho sa company in a few weeks.
Lumabas nako ng bahay at sumakay sa bago kong sasakyan, mas maingat nakong magmaneho ngayon, actually ayaw nanga kong bilhin ng sasakyan ni daddy pero kinulit ko siya, sinabi ko naman na magiingat na talaga ako dahik ayokong maulit yung nangyari.
**
Mabibigat ang lakad na ginagawa ko pagkalabas ng elevator, parang dala ko ang mundo sa bawat akbang na ginagawa ko.
Sa muling pagkakataon pinagmasdan ko ang condo kung saan nagsimula ang lahat, ang condong nakasaksi sa lahat ng sakit.
Dahan dahan kong pinindot ang doorbell.
Huminga ako ng malalim ng bumukas iyon.
"C-claire?" Naiiyak na ani ng lalaking nasa harapan ko na minsan at patuloy kong minamahal.
"Claire!" Muntik nakong matumba ng biglahan niya kong yakapin.
"Sorry, sorry sa lahat, sorry ngayon kolang nalaman na gising kana pala sorry, sorry" sa bawat sorry na lumalabas sa bibig niya, parang tinutusok ng libo libong karayom ang puso.
Dahan dahan kong inalis ang pagkakayakap niya sakin.
"Claire sorry patawarin moko" lumuhod siya sa harapan ko.
"Natakot lang ako noon natakot lang ako na, na baka iwan moko"
"Tumayo ka, hindi ako nandito para pakinggan ang sasabihin mo, dahil...dahil matagal na kitang pinatawad, matagal ko na kayong pinatawad."
Kahit masakit, kailangan.
Agad naman siyang tumayo ng marinig ang sinabi ko.
"S-salamat Claire hindi mo alam kung gaano ako kasaya ngayon, mahal na mahal parin kita Claire" umiiyak na sabi niya.
Sa mga oras nato gusto ng bumigay ng mga luha ko pero pinipigilan ko, ayokonang maging mahina sa harapan, niya.
"Kung mahal mo ko,gagawin mo ang sasabihin ko"
Napahinto naman siya ng marinig ang sinabi ko.
"S-sige kahit ano"
"Pakasalan mo si bellamy"
Hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas ng loob para sabihin ang mga katagang yon.
"C-claire naman, mahal na mahal kita Claire wag naman ganito, papanindigan ko naman yung bata Claire"
"Naranasan ko kung ano ang pakiramdam ng di buo ang pamilya, denzel...at ayokonang may bata na namang makakaranas non" mahinahong sabi ko.
"Per-"
"Kung mahal mo talaga ako gagawin moyan, panindigan mo yan denzel, kung mahal moko"
Tuluyan ng nadurog ang puso ko ng dahan dahan siyang tumango.
"Pero may isang pabor lang ako" sabi niya habang pinupanasan ang luha niya.
"A-ano?"
"Pwedeng bang yakapin kita, kahit sa huling pagkakataon?"
Tuluyan ng bumigay ang mga luha ko ng bitawan niya ang salitang yon.
Tumango ako at, hinintay ang paglapit niya.
Dahan dahan niya kong niyakap, kasabay ng pag yakap niya ang siyang pag bitaw ng puso kong matagal na kumapit para sakanya.
"I love you, i always do" mahina niyang bulong.
"The story continues, but our chapter is done, so make a another chapter but this time without me, farewell my love" dahan dahan kong binitawan ang yakap ko sakanya, at mabagal na naglakad palayo.
Ngayong araw, ngayon dapat ang simula ng lahat, pero hindi ko inakalang ngayon matatapos ang lahat.
Ngayong araw sana ang araw kung kailan magiging isa kami, ngayong araw sana ang kasal namin pero, pero hindi nayon mangyayari, pero masaya parin ako na, na kahit saglit lang nakasama ako siya, hindi ako nagsisising nakilala ko siya, dahil ang makilala siya ay ang pinakamasayang nangyari sa buhay ko.
**
YOU ARE READING
Memories
RomanceI am Valentina Claire Howard the beautiful rich attitude girl who fell in love with my fiance, the girl who's afraid to love. Is it wrong to fall in love? Is it wrong to be loved? [Complete] Marami pang error at hindi pa din ito edited.