22

5 1 0
                                    

Tatlong buwan nadin simula ng ma comatose si Claire, anim na buwan narin ang batang nasa sinapupunan ni bellamy na bunga ng pagtataksil nila no denzel

Pero sa tatlong buwan nayon ni minsan hindi ako nawalan ng pag asa na hindi magigising si Claire, alam kong ganun din si tito.

Alam na ni tito, ang nangyari, si denzel na mismo ang umamin sakanya, galit na galit si tito wala naring kasal ang magaganap.

Alam kong masisiyahan si Claire kung malalaman niya to, alam kong maalis narin ang sakit na dala dala niya, pero may parte saakin na, na hindi siya masaya ano man sa dalawa ang mamgyari, makasal man siya kay denzel, masasaktan siya, hindi siya makasal masasaktan padin siya, pero mas pipiliin kona ang pangalawa ang hindi siya makasal, masaktan man siya pero makakabangon naman siya, makakalimutan niya din ang sakit, pero hindi ang ala-ala.

Hanggang ngayon isa lang ang hinihiling ko yun ay ang magising na siya sa bangungot nato, kung pwede kolang siyang dalhin sa mundo, sa mundong wala ng sakit, galit, inis, sa mundong puro kasiyahan lang, ginawa kona, hindi ko kayang tignan siya araw araw na nakahiga at tanging makina lang ang bumubuhay sakanya, mahirap mahirap para sakin, kapatid kona siya e, kapatid na, hindi man kami magkadugo, pero ang pagmamahal ko sakanya kapatid na.

Naalala ko tuloy nung una kamung magka kilala pareho kaming masungit, maldita, mataray, kaya hindu ko ine expect na makakasundo ko siya ng ganito magiging kasangga sa lahat ng bagay.

**

flashback

"Ouch!" Natumba ako ng may maka bunggo sakin natapon tuloy ang mga libro ko.

"Bat kasi hindi tumitingin sa dinadaanan"

Tinignan ko ang babaeng nagsabi non, siya nanga ang naka bunggo sakin eh.

"Are you dumb?!" Sigaw ko sakanya pagkatapos pulutin ang mga libro ko.

"What? Tignan monga ikaw ang naka bunggo sakin look oh puno na ng juice ang uniform ko!" Galit na sigaw niya.

Napatingin naman ako sa uniform niya na puno na ng orange juice.

"Natapon ang mga libro ko dahil sayo!" Matapang kong sagot.

"Mapupulot moyan pero pano yung uniform ko? Malalabhan ba agad to?" Masungit na tanong niya habang pinupunasan ang uniform niya.

Medyo na guilty naman ako kasi napulot kona ang mga libro ko tapos siya hindi padin okay yung uniform niya.

"Eh wala kabang extra?" Tanong ko.

"Magpapakahirap bagong punasan to kung meron?" Sarkastikong sagot niya.

"Papahiramin napang kita"kahit labag sa loob ko.

"Wag na baka maawa pako sa kung ano mang meron ka"

Ay wow ah ako nanga tong nagmamagandang loob siya pa tong mataray.

"Ah sorry ah kagandahan lang kasi meron ako kaya dun kalang maaawa mukang kailangan mo ata talaga yon" taas noong sagot ko.

"Excuse me?" Mataray na sabi niya.

"Pero papahiramin nalang kita ng uniform just wait here"

Hindi kona hinintay ang sagot niya at pumunta na sa locker.

I was in my first year highschool, at wala pakong kaibigan, ayoko namang makipag kaibigan sa stranger ng basta basta.

Kinuha kona ang extra uniform ko at binalikan siya, mabuti naman naghintay nga siya.

"Oh" habot ko ng uniform

Tinanggap niya naman yon.

"Hum, thank you" mukang labag pa sa loob niya ah.

"Restroom lang ako" sabi niya at lalagpasan na niya sana ako.

Pero sumama ako sakanya dahil wala panga akong kakilala dito.

"Tulungan na kita" nahihiyang sabi ko habang sumusunod sakanya.

Tinulungan ko siya hanggang restroom.

"Thank you ah babalik ko nalang to, and sorry din pala kanina" nakangiting sabi niya.

Mukang sincere naman siya sa sinabi niya.

"Okay lang hindi din naman ako tumitingin sa dinadaanan ko" nakangiting sabi ko.

"Hum, pwedeng ano" napayuko pako dahil sa hiya.

"Ano?" Pagtatanong naman niya habang nakakunot ang noo niya.

"Ano kasi wala pakong kaibigan, so kung gusto mo ikaw nalang" tumingin ako sakanya at nag smile.

"Oo naman, so friends?" Tanong niya sabay tapat ng kamay nita sa harapan ko.

"Friends" tinaggap ko naman yon.

End of flashback

Ganoon ang simula ng pagkakaibigan namin, hindi maganda sa una, pero tumagal naman hangang huli.

Nakilala din namin ang isat isa at mabait naman talaga siya, pero ang sungit niya sa mga hindi niya kakilala, kahit papaano friendly naman ako pero siya hindi talaga, kahit mabiyak pa ang lupa hinding hindi siya mag fi-first move.

Pero masaya ako at tinanggap niya ko biglang kaibigan, noong saktan nga siya ni ethan halos mapatay kona si ethan nung nakita ko siya mabuti nalang pinigilan niya ko, para daw akong bampira na sabik sa dugo non, ewan koba ang taray,sungit,maldita niya pero nahuhulog siya sa mga taong lolokohin lang siya.

**

"Umuwi kana muna ija ako nalang muna ang magbabantay" napatigil ako sa pagiisip ng pumasok si tito sa kwarto.

Nilipat na ng hospital si Claire dahil nga baka kaya hindi lang siya nagigising dahil may mali sa paghahalaga sakanya don, kaya pinalipat siya ni tito, hindi narin nakakadalaw si denzel dito, pinagbawalan siya ni tito, tanginang kami lang nila vim, shey frey, ang nakakadalaw sakanya.

"Sige po, pero babali-" napatigil ako ng marinig ang tunog ng ventilator.

"Tumawag ka ng doctor elle bilisan mo!" Sigaw ni tuto na mabilis kong sinunod.

"Doc, tulung, doc!" Paulit ulit kong sigaw, may doctor naman na mabilis na umasikaso kay Claire.

Bigla nalang kasing dumireto yung line nung ventilator.

"Lord please iligtas niyo po siya" paulit ulit na bulong ko.

"Ahh!" Napatingin naman ako kay tito ng suntukin niya ang pader, dahilan ng pagdugo ng kamay niya.

"Kasalanan koto, kung hindi ako pumayag na ikasal siya don, wala sana siya diyan ngayon" umiiyak na sabi niya.

Araw araw ata sinisisi ni tito ang sarili niya simula nung malaman niya na noong araw ng graduation namin ay ang araw kung kailan nalaman ni Claire ang tungkol sa pagtataksil ni denzel, na naging dahilan ng aksidente.

"Hinding hindi kita mapapatawad oag may nangyari sa anak ko!" Mariin na bulong ni tito.

Ako din, sisiguraduhin kong pagbabayan niyo to pag may nangyaring masama sakanya.

Napatayo kaming pareho ni tito ng kumabas ang doctor.

"Doc, doc kamusta na oh ang anak ko?" Umiiyak na tanong ni tito.

Napaupo nalang ako ng marinig ang sinabi ng doctor,

**

MemoriesWhere stories live. Discover now