6

21 14 2
                                    

Para akong magnanakaw na hindi gumagawa ng ingay.

"Claire" Nanigas ang buong katawan ko ng marinig ang boses ni daddy na tinawag ang pangalan ko. Patay.

Marahan akong ngumiti kay daddy ng makalapit ako.

"Amoy alak ka" Bulong niya.

"Ah she's my daughter Valentina Claire" Napatingin naman ako sa mga kasama niya na nakaupo sa hapag kainan.

"Hi ija, Cassandra nga pala, pero tita nalang" Hindi ko alam ang gagawin ko kaya tinanggap ko nalang ang kamay niya at nakipag shake hands.

"Alfred just call me tito" nakipag shake hands din ako sa katabi niyang lalake. Mukang magkaedad lang sila mga 40s siguro.

" Denzel Finn Zieller" Sabay lahad ng kamay niya.

Omg bakit nandito to, ibig sabihin nakita niya lahat ng kahihiyan ko kanina? Wahhh nakakahiya huhu.

"Claire" Natauhan naman ako sa bulong ni daddy.

"Ah Valentina Claire Howard" pikit ang ngitung ibinigay ko sakanya at nakipag shake hands, unfairness ang lambot ng kamay.

Pero nakakahiya talaga, ano ba kasing ginagawa niya dito?

"Let's eat" Sabi ni daddy so hindi pa sila kumakain? Hinintay pa talaga nila ko.

"Siguro nagtataka ka kung bakit kami nandito ija" Pambasag nung tito alfred sa kahimikan.

Ngumiti nalang ako ng marahan at tumango.

"Nandito kami para sabihin sabihin sayo ang napag kasunduhan namin ng daddy mo" kinakaban naman ako dito ano ba kasi yon dapat direct to the point na e, para tuloy biglang nawala ang pagkailo ko.

"Claire, meet your fiance denzel"

Nabukunan naman ako sa sinabi ni daddy kaya mabilis akong uminom ng tubig. Naiilo lang siguro ako kaya kung ano ano ng naririnig ko

"Ano nga po ulit yon dad?" Baka naiilo lang talaga ako. Sana nga.

"Si denzel ang fiance mo"  Ahh fiance. Wait fiance si denzel? siya pano? Ilang beses akong kumurap iniisip na baka panaginip lang to. So tama nga ang dinig ko.

"F-fiance?" Naguguluhan ako.

"Oo napag desisyunan nanamin na ikasal kayo pag ka graduate nyo"dagdag ni daddy.

Wahh hindi to totoo nananaginip lang ako peke to gisingin nyoko.

"Ayos lang naman sayo iyon diba ija?" Nakangiting tanong ni tito alfred.

Nakatulala lang ako sa kawalan at hindi na alam ang nangyayari ano yon umalis lang ako tas pag uwi ko may finance nako sino ba namang hindi mabibigla don.

"Ija? ayos lang ba sayo iyon?"

Napailing ako sa tanong ni tita, pero ng tignan ko si daddy bakas ang pagka dismaya sa reaksyon niya.

"A-ah o-opo" wala sa sariling sabi ko.

Napatingin naman ako kay denzel at nakitang nakatingin lang sya sakin pero hindi ko mabasa ang reaksyon ng mukha nya.

"Great! so pag ka graduate nyo dun na gaganapin ang kasal pero pagusapan nalang natin sa ibang araw ang date" masayang sabi ni daddy.

Hindi ko inaakala na pati ang bagay nato si daddy padin ang mag de desisyon, hindi ko inakalang hindi man lang nya inisip kung anong magiging reaksyon ko kung papayag bako, kung nandito si mommy hindi siguro to mangyayari.

MemoriesWhere stories live. Discover now