9

13 9 2
                                    

"kamusta naman kayo?" Tanong ni tita.

Magkatabi ngayon sila ni tito na kaharap ni denzel at kaharap ko naman si tita nasa dulo naman si daddy sa kabila ko.

"Mabuti naman po ang sarap din pong magluto ni denzel" sabi ko sabay ngiti ng pilit.

"Ah ganun ba dapat pala anak pagluto motong si Claire araw araw" nanunuksong sabi ni tita kay denzel kaya nagtawanan sila nakitawa nalang din ako.

"Wala nga siyang tinitira sa mga niluluto ko" pagsisinungaling naman ni gungong.

Nagulat naman ako ng damihan niya pa ang pagkain na nasa plato ko, kaya sinipa ko siya sa ilalim ng mesa, pero ngumiti lang siya ng platik saakin.

"Love" malambing na sabi ko.

Mukang nagulat pa siya sakin pero napakunot din ng itapat ko ang kutsara sa bibig niya na puno ng pagkain.

Napatingin siya kay Daddy pati sa parents niya, at ngumit ng peke bago ko i subo sakanya ang kutsara, Halos wala ng space sa bibig niya ng nguyain niya yon.

"Tyanga pala dito muna ko ng isang linggo ah"

Nabulunan kaming pareho ni denzel ng sabihin yon ni tita.

"Bakit mom?" Tanong ni denzel pagkatapos uminom ng tubig.

"Bakit ayaw moba?" Kunwaring nagtatampo na sabi ni tita.

"Of course not gusto konga yon para makasama ko kayo" pilit na ngiti ang binigay ni denzel sa mommy niya.

"May business trip kasi ang daddy mo kaya naisip kong dito na muna ako, okay lang ba sayo iyong ija?"
Tanong ni tita saakin.

"Opo tita" nakangiting sagot ko ngumiti nalang din siya saakin.

"By the way pumunta kami dito para tignan ang kalagayan niyo and mukang maayos naman kayo" Sabi ni tito.

Maayos kami kasi nandiyan kayo.

"Of course dad" ngumiti nalang din ako.

Nag kwentuhan pa kami pagtapos kumain at hinatid narin namin sila ni denzel sa labas pagkatapos.

"Pano niyan?" Natatarantang tanong ko.

"Ilipat mona ang mga gamit mo ngayon sa kwarto"sagot niya

"Sira ka naba hindi pwede yon!"

"May choice paba tayo? gawin monalang isang linggo lang naman yon"

"Eh ayoko!"

"Look mabubuking tayo kung hindi mo gagawin ang sinasabi ko"

Wala nakong nagawa kundi ilipat ang mga gamit ko sa kwarto niya malaki naman yon kaya nag kasya din naman.

"Sa couch nako matutulog" Sabi ko habang dala dala ang unan ko papunta doon.

"Ako na dito kanalang" hahangal na sana ko pero nakita kong binuhat na niya ang unan niya at pumunta sa couch kaya wala nakong naguwa kundi ang mahiga sa kama.

Kinabukasan, maaga akong nagising para hindi malate sa school malayo kasi dito ang university kesa sa bahay namin ni papa pero may sasakyan naman kaya okay lang.

Nilugay kolang ang buhok ko at tsaka lumbas na ng kwarto, naabutan kong may breakfast na sa table kaya kumain nalang ako, ilang segundo lang lumabas narin si denzel na nakabihis na ng uniform, kumuha narin siya ng pagkain at nagsimulang kumain.

MemoriesWhere stories live. Discover now