Game 13

1.3K 57 7
                                    

Andra Celestine Xanford


Before I went to the office nakipag meet na muna ako kina Amy dahil dumating si Elaine. Naghihintay sila sa akin sa Jollibee dahil 'yon ang fast food na malapit sa office. Hindi naman ako mapili sa pag-kain at gano'n din sila kaya nag decide na lang kami na doon na lang dahil mas malapit sa office ko at sabi nila para raw 'di na ako mahirapan. Besides, I am scheduled to meet the new architect kaya mas pabor nga 'to sa akin.


"Andra!" napatingin ang ibang tao sa amin dahil sa lakas ng tawag ni Amy sa pangalan ko. Tumayo pa talaga siya at kumaway kaya naman hinila siya pababa si Elaine at sinuway.


"Elaine!" agad na sabi ko at tumayo upang mayakap siya. Mahigpit na ibinalik ni Elaine ang yakap ko at tinap pa niya ang likod ko.


"Na miss kita, Andra!" sumama sa yakapan namin si Amy at napapatingin na ang ibang tao dahil ang aga aga pero ang ingay ingay namin.


"Umupo na nga tayo. Nagtitinginan na ang mga fans natin." Nagtawanan kami sa sinabi ni Elaine at naupo na sa table na napili nila.


Inorderan ako ni Amy ng breakfast dahil naka order na sila ng sakanila. Nagpa order na rin ako ng hot choco dahil nag kicrave ako at na miss ko. Puro na lang kasi ako coffee dahil nga sa palaging puyat at nasanay na rin sa coffee.


"Matagal niyo ba akong hinintay?" tanong ko nang makabalik si Elaine.


"Mga 15 minutes lang. Okay lang naman na ma late ka. Naiintindihan naman namin ang trabaho mo, Ms. CEO! Yiii!" sinundot pa ni Amy ang tagiliran ko dahil kami ang magkatabi.


"Baliw! Parang 'di mga CEO o anak ng CEO mga kaibigan niyo ah." Nag make face silang dalawa ni Elaine at sabay na natawa.


"Mga anak ng CEO mga 'yon pero ang bulok nila! Mga magulang lang ang astig at syempre, ikaw!" nagtawanan kami nang malakas at napatingin nanaman ang iba sa amin.


"Shushh! Ang mga fans!" sinubukan kong pigilan ang tawa ko pero hindi ko nagawa dahil nakakadala ang tawa ng dalawa.


"Oy! Nandyan na ang foods!" inilagay ang foods namin sa table at ibinigay naman ni Elaine ang pag-kain namin ni Amy sa amin.


"So, for good na kayo rito?" paunang seryosong tanong ko.


"I think so," kibit balikat na ani Elaine.


"Ay bakit 'di mo pa sure?" nilunok muna ni Elaine ang kinakain bago sumagot.


"Dahil baka ipatapon nanaman ako ng magaling kong ama sa ibang lugar. Alam mo na, baka sa ibang branch nanaman ako ilagay." Medyo nalungkot ako sa sinabi niya dahil may posibilidad pa rin na aalis siya.


"Kumusta ang trabaho, Andra?" Mukhang nasa seryosong usapan na kami kaya naman sinagot ko na rin sila ng seryoso.


I told them some details of the construction of our new hotel at tuwang tuwa naman sila. Sinabi ko rin kung gaano kapagod ang mag trabaho at syempre, hindi maiiwasang masermonan at hindi ko 'yon minasama. In fact ang saya ko nga eh. Masaya ako kasi alam kong may pake sila sa akin. Alam kong hindi lang ako kahit na sino sa kanila. The time that we spent in that island is really precious dahil nakilala ko sila.

LIO Book 2: Game of Fate [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon