Game 18

1K 35 11
                                    

Andra Celestine Xanford

"I like you too, Hez. I really do. "

The cold wind blows and I can see his smiles along with the refreshing wind. Napangita ako at dahan dahang lumapit sa kaniya.

"I like you." Pag-uulit ko at nakangiti siyang napayoko.

"Damn." Dinig kong bulong niya bago ako hinila at niyakap.

"I like you too. I like you a lot."

Napahiwalay kami sa yakap ni Hezekiah nang may marinig kaming kaluskos at tila may nahulog na gamit sa kung saan.

"Maybe it's one of your employees?" aniya at napatango na lang ako at sabay kaming natawa. Hinagkan ulit ako ni Hezekiah at hinalikan sa noo.

After that day, hindi man kami ay alam kong may special na puwang kami sa puso ng isa't isa. Pinakiusapan ako ni Hezekiah na kung pwede ay itago lang muna namin ang aminang nangyari at ang nasa isip ko naman ay aamin na lang kapag talagang may kami na. Palagi akong inaaya ni Hezekiah na mag dinner at minsan ay sa mall kami. He would buy my things and I will do the same. Siya ang pipili sa mga gamit ko at gano'n din ako sa kaniya. We always share small things with each other na ikinatutuwa ko naman. I've never done this before kaya sobrang na ooverwhelmed ako sa pakiramdam. Parang pakiramdam ko napaka importante kong tao dahil kahit na maliliit na bagay ay pinapahalagahan at naaalala niya.

Parang nananaginip lang ako lahat. Para akong nasa ulap dahil sobrang sarap talaga sa pakiramdam! Pakiramdam ko nga hindi na ako napapagod! Halos araw araw akong puyat, but there's still smile on my lips dahil bago matulog at pag gising ay mababasa ko ang messages niya or maririnig ko ang boses niya.

Hezekiah:

Good morning! Eat your breakfast at ipapadala ko mamaya sa 'yo ang lunch mo. Enjoy your day, okay.

Nakangiti nanaman akong nag tipa ng sasabihin. Para talaga akong teenager ulit! Kaunting sasabihin at gagawin lang, kinililig na ako. Siguro sa sobrang tagal ko na ring walang nakaka relasyon kaya ganito na lang akong umakto.

Kung patungkol naman kay Archer ay nag simula nanaman siyang magpa ramdam, pero hindi ko pinapansin. Sinabi ko rin sa sekretarya ko na kapag darating siya ay 'wag papapasukin agad agad at kung may meeting man ay palaging sa labas kami mag-uusap. I don't want to be associate with him anymore. Wala lang akong choice dahil nga siya ang engineer ng hotel namin. I even tried to block his number, pero gumamit siya ng ibang number para ma contact ako ulit. I am trying my best not to be bothered by him dahil masaya na ako at ayoko ng gulo.

Hindi pa rin namin sinasabi sa iba ang sa amin ni Hezekiah dahil mas magandang private na lang muna ang aminan namin.

"Ma'am, I need you to sign this." Inabot sa akin ng sekretarya ko ang kailangan kong pirmahan at binasa ko muna ito bagp pinirmahan.

"What's my schedule this afternoon?" tanong ko.

"You have a meeting with Mrs. Johnson at 2 pm and site visit by 4 pm." Tumango ako sa sinabi niya at uminom sa kapeng ipinabili ko.

"Can you give this to the finance department? Tell them that we'll be having a meeting tomorrow. I need to discuss important matters with them." Seryosong sabi ko at nag paalam naman ang sekretarya ko bago lumabas.

I received a message from one of our branch na may nawawalang pera raw. Hindi naman gano'n kalaki 'yon, but still, I don't want to tolerate it. I need them to give me the evaluation of the months finances. 100 thousand ang nawala at hindi ko alam kung saan napunta 'yon.

LIO Book 2: Game of Fate [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon