Game 2

2.8K 83 13
                                    

Andra Celestine Xanfrod


Banas na banas ako sa unang araw ko pa lang sa isla. Hindi ko makalimutan ang ginawa ng lalaking 'yon! Gulat na gulat ako kanina tapos babastusin niya lang ako? Aba! Hindi pwede 'yun! Narito pa rin ako sa dagat, masama ang tingin sa kawalan at sinasakal ang lalaki sa isipan ko. 


"Andra, kalma. Hindi mo na kakikita ang lalaking 'yon. Nagka-taon lang talaga na nag kita kayo." Pag papakalma ko sa sarili. 


"Andra, inhale," ginawa ko ang sinabi ko at talagang ikinumpas ko pa ang kamay ko. "Exhale." 


"Ayan. Good vibes na ulit!" sabi ko at parang tangang ngumiti sa kawalan. 


"Don't let that guy ruin your first day, Andra. You're here to enjoy." Paalala ko sa sarili bago lumangoy ulit sa dagat. 


Lumangoy lang ako nang lumangoy. May nakita akong isang malaking bato sa bandang gilid kaya naisipan kong pumunta roon. 


"Ano kayang mero'n dito?" bulong ko bago umakyat sa bato at nakita kong may mga batong hagdan na dadaanan. 


Ano kayang nasa dulo ng hagdan na 'yan?


"Hmm, tutuloy ba ako?" parang tangang tanong ko sa sarili. 


"Sabagay, nandito na ako. Ituloy ko na lang." Kinamot ko ang ulo ko at patuloy na nag lakad sa batong hagdan. 


May parte na madulas dahil naaabot iyon ng tubig dagat. Habang nag lalakad ako ay hindi ko maiwasang mamangha. Ang ganda ng tanawin dito sa batong hagdan! Kitang kita ko 'yung dagat at hindi rin nakatakas sa mga mata ko ang punong nag sasayawan. Dahan dahan akong nag lakad. Nag iingat sa bawat hakbang ko dahil talagang madulas sa parteng ito. Isang kamali ko lang kasi ay mahuhulog ako sa mga nag lalakihang bato sa baba. Wala ring hawakan ang hagdan na iyon. Talagang batong hagdan lang at may part pa na walang steps. Nang sa tingin ko ay narating ko na ang dulo ay medyo hingal akong nag angat ng tingin at nakita ko ang parang maliiit na isla. 


Ang ganda! Kung gaano kaputi ang buhangin sa kinaruruunan ko kanina ay mas maputi nanaman ito! Ang linaw ng tubig! Walang dumi at ang sarap lumangoy! 


"God! This is heaven! Sobrang worth it ng nilakad ko!" pahayag ko at parang batang tumakbo papunta sa tubig. 


"Kyah! So refreshing!" sabi ko nang maabot ng tubig ang dibdib ko. "Bakit ngayon ko lang 'to nakita?" tila nag sisising saad ko. 


Walang bato sa parteng iyon. As in ang lambot ng buhangin! Ang ganda ganda nyon sa paa. Sumisid ako papailalim. Nang nasa malalim ng parte ay umahon ako. Pinag masdan ko ang pinanggalingan ko at napaawang ang labi ko dahil napakalayo pala talaga ng nilakad ko. 


"Okay. Dapat bago mag dilim ay naka balik na ako." Paalala ko sa sarili. 


Wala akong nakitang tao roon kaya ang alam ko ay mag-isa lang ako. Hindi ko inalintana na kung may mang yayari sa akin ay wala akong hihingan ng tulong dahil masyado akong nalunod sa ganda ng tanawin at tubig. Sa tingin ko ay iilan lang ang nakaka-alam at nakaka diskubre sa paerting ito. Wala kasi talaga akong nakikitang tao o kahit papunta man lang rito. I bet I'm one of the lukiest dahil nasaksihan ko ang ganitong kagandang parte ng isla. 

LIO Book 2: Game of Fate [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon