Game 30

1K 35 20
                                    

Andra Celestine Xanford

Days have past, I still tried to call him, pero wala. I was so occupied to the point na hindi ko na alam ang ginagawa ko. Kuya Lance need to go back to his company kaya tinake-over ko na ulit ang kompanya. Everything was a mess again. Akala ko tapos na. Akala ko magiging maayos na. Pero puro nanaman ako akala. I tried to focus to work, pero hindi umeepekto. Sa umaga dadaan ako kay Lola tapos pupunta sa trabaho. Sobrang stress sa trabaho tapos pagkatapos, pupunta ako kay Archer dahil palagi akong tinatawag ni Tita na hindi ko naman matanggihan. After kay Archer, maliligo lang ako sa bahay tapos matutulog ako sa Ospital dahil kailangang umuwi ni Daddy upang magpahinga. Sa ospital ko na ginagawa ang trabaho ko dahil wala akong choice at ayoko namang iwan ang lola ko. Palagi akong natutulog ng alas tres at gigising ng alas sais upang tulungan si Lola sa mga kailangan niya.


Araw-araw gano'n ang routine ko. Nakakapagod, nakaka-drain pero wala akong choice. Minsan 'di na ako pumapasok sa trabaho dahil nagmumokmok ako sa condo ko o 'di kaya ay natutulog o umiiyak. I was so broken. Hindi ko matanggap na wala na si Hezekiah. Hindi ko matanggap na hindi ko man lang siya nakita o narinig, dinagdagan pa ng sitwasyon ni Lola. Sobrang hirap. Dahil sa sitwasyon ko, pati ibang tao nadadamay. Naaawa na rin ako sa sekretarya ko dahil halos siya ang sumasalo ng lahat. I was sorry to her, pero wala pa rin akong magawa.

"Ma'am, you need to sign this. Kailangan na po natin ito para sa opening ng hotel." Tinignan ko ang mga papel na natambak sa table ko at napahilamos na lang sa mukha ko dahil sa dami no'n.

"Please fix this according to the level of need. Kung ano 'yung pinakakailangan 'yun ang uunahin ko na," utos ko at agad namang tumalima si Toni.

Binabasa ko ang report ng finance team dahil may nawawala nanamang pera. Sobrang nakaka-stress. Palagi na lang nawawalan ng pera ang kompanya!

"Toni, call the leader of the finance team." Kunot ang noong utos ko dahil may nakita akong kakaiba sa ipinasa nila.

"Yes, ma'am." Narinig ko ang mabilis na galaw ni Toni.

"Ma'am?" tawag ni Mr. Rex, ang leader ng finance team.

"Ano 'tong mga 'to? Bakit naglabas kayo ng pera without informing me?" seryosong tanong ko.

"Ma'am?"  iniangat ko ang tingin ko sa kaniya at kita ko ang kaguluhan sa mukha niya.

"Look at this." Inilapag ko ang report nila sa table ko at dali-dali niya 'yung binasa.

"M-ma'am, I didn't approve any of these. Wala po akong alam dito." Tanggi niya.

"Wala kang alam? Bakit wala kang alam?! You are the leader of that team tapos sasabihin mo sa aking hindi mo alam?! Are you not doing your job?! Paano magagawa itong report ng hindi dumadaan sa'yo?!" napaigtad ang empleyado ko sa naging sigaw ko at nanginginig na ibinaba ang papel.

"Find out who took out this money! I need an answer immediately! Kapag hindi mo nahanap, you and your team will suffer, you get it?!"

"Y-yes ma'am."

"Get out." Itinuro ko ang pintuan at halos maiyak na lumabas ang team leader.

Napahilamos na lang ako sa mukha ko sa sobrang stress at sinimulan na ang iba pang ginagawa. Hindi na ako kumain ng kahit na ano pa dahil bukod sa wala akong gana ay wala na rin akong oras na ilalaan para roon. Alas kwatro na pero kalahati pa lang ang natatapos ko. The meeting is chaos dahil nagtuturuan ang mga tao ko. Sabi nila wala raw silang alam sa nailabas na pera o kahit na ano man. I hired a private investigator dahil mukhang may traydor nanaman sa loob ng kompanya ko.


LIO Book 2: Game of Fate [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon