Andra Celestine Xanford
Nang marinig 'yon mula sa mommy ni Archer ay agad na akong pumunta sa Hospital. Sobrang kabadong-kabado ako habang nag mamaneho. Hindi ko maiwasang hindi sisihin ang sarili dahil alam kong ginawa niya 'yon dahil sa break-up namin. Dapat pala hindi ako naging kampanti nang sabihin ni Tita na okay lang si Archer. Dapat pala chineck ko ulit dahil kilala ko siya at alam ko ang mga kaya niyang gawin. I was too careless. Ayokong may mawalang buhay nanaman nang dahil sa akin. I can't let someone die again because of my carelessness.
"Where's the room of Archer Andrius Lee?" tanong ko sa nursing station nang maka-abot ako sa Hospital.
"Nasa ICU pa po siya ma'am. Kakatapos lang nang operasyon niya." Dahan-dahan akong tumango sa nurse at lakad takbo ang ginawa ko upang marating ang ICU. Nang makarating ay agad kong nilapitan si Tita at tinanong ang nangyari.
"Tita, what happened?" I asked.
"Andra!" agad na yumakap sa akin si Tita at walang humpay na umiyak.
"Tita..." Inalo ko si Tita dahil hindi na siya tumigil kakaiyak. I felt so guilty dahil kung hindi sa akin, walang mangyayaring ganito.
"What happened po?" tanong ko nang kumalma na si Tita. Nakaupo kami sa upuan sa harapan ng ICU.
"He got into accident. H-he was so drunk at sobrang bilis daw niya mag-drive. Kahit na naka stop light ay dumeretso siya kaya naman ay nahagip siya ng truck. I don't know why he became so reckless e hindi naman gano'n ang anak ko." Muling umiyak si Tita sa balikat ko at mas lalo akong nakonsenya.
He didn't try to take his life, but he became reckless at nag lasing pa. Kung hindi raw siya agad naitakbo ay maaaring namatay siya. Malakas daw ang impact nang pagkakabangga sa kaniya at maraming na damage sa katawan niya. Putol ang ibang buto niya at na fracture ang ulo niya. Nagpaalam ako kay Tita na titignan si Archer at pumayag naman siya dahil hinihintay niya ring dumating si Tito since galing pa siyang trabaho. Nang nakasuot na ako nang dapat suotin ay pumasok na ako sa loob at nakita ko ang mga tubong nakakabit kay Archer. Mas lalo akong nakonsenya dahil sa nakikitang kalagayan niya. He look so weak and pale. Parang ubos ang dugo niya dahil ang putla nang mukha niya. There are bruises in his arms and cuts in his face. Parang hindi ko kayang tignan si Archer, sobrang nakakaawa ang kalagayan niya.
Naglakad ako papalapit sa kaniya at umupo sa upuan sa tabi ng kama niya. Hinawakan ko ang kamay niya at dahan-dahang bumagsak ang mga luha ko.
"I'm sorry, Arch." Pag-hingi ko nang tawad dahil sobrang nagi-guilty ako sa nangyari.
"I'm sorry for not checking on you again. Kung sana naging responsible ako, sana wala ka rito." Humikbi ako at pinunasan ang luha dahil lumalabo na ang paningin ko.
"Please wake up. Let's fix our friendship. I know you're a good guy."
Nanatili ako nang ilang minuto pa sa silid bago ako lumabas at nagpaalam na kila Tita dahil kailangan ko pang alagaan sila Lola. Gusto ko, bago man lang ako umalis ay makasama ko sila at malaanan ng oras. Alam kong matatagalan kami ni Hezekiah sa pupunatahan namin kaya gusto ko munang sulutin ang oras na kasama ang pamilya ko. Pag-uwi ko sa bahay ay tulog na silang lahat. Tahimik akong naligo at nahiga sa kama ko at hindi na dumaan ang matagal na oras dahil nakatulog na rin ako kaagad dahil na rin sa pagod at sobrang pag-iisip.
BINABASA MO ANG
LIO Book 2: Game of Fate [Completed]
RomanceLUST IN OCEAN BOOK 2! WARNING! SPG|MATURE CONTENT! Is there really a man that destined for me? After years, I was still a player. Fate loves playing with me. I wonder, when will fate stop playing with me? Will fate plans to give me happiness? This g...