Game 8

1.6K 55 19
                                    

Andra Celestine Xanford


Sabog ang lahat nang sabay sabay kaming kumain bago ako umalis. Naka handa na lahat ng gamit ko. Pagkalabas ko kagabi sa kwarto ni Hezekiah ay hindi ako makatulog kaya naman pinili ko na lang na ayusin ang mga gamit ko kesa isipin ang mga nangyari noong gabing 'yon.


Kahit na hindi ako nalasing ay sabog rin ako dahil nga napuyat ako at hindi ako makatulog ng maayos. Masakit ang ulo nilang mag kakaibigan. Grabe naman kasi silang uminom, pagbaba ko kagabi tulog na silang lahat sa huhangin kaya kinailangan kong magpatulong sa staffs ng hotel para buhatin sila at alalayan sa mga kwarto nila.


"Shuta. 'Di na talaga ako iinom!" ani Elaine habang hawak hawak ang ulo niya.



"'Te, ilang beses mo na 'yang sinabi, kita mo't umiinom ka pa rin." Natawa ang mga lalaki sa sinabi ni Amy at ako ay napangiti lang.



"Ang sakit ng ulo ko putspa. Iba ang tama ng ininom natin! Hindi ko maalala 'yung ibang pinag gagagawa natin!" reklamo naman ni Dylan.



Puno ng reklamo ang breakfast namin. Pa'no ba naman kasi, naubos nila lahat ng binili namin ni Hezekiah. Sobrang daming alak no'n! Iba't ibat klase. Maaaring mahina ang internet dito sa isla, pero hindi sila papahuli sa mga bilihin gaya na lamang ng alak.



"Andra, promise mo sa'kin na kapag nag kita ulit tayo bonding tayo ha." Naka pout na ani Amy. Nginitian ko si Amy at tinanguan.



"Pengeng products mo te. Napaka pretty mo! Kapag nagkita tayo ulit sisingilin ko 'yan!" tinapik ni Amy si Elaine sa braso at umangal naman siya.



"Aray! Bakit ba?!" hinimas himas ni Elaine ang braso niya at sinamaan ng tingin si Amy.



"'Di ka na nahiya! Hihingi ka pa ng skin care! Bili ka na lang kasi!" tinawanan namin silang dalawa dahil nag tatalo na sila kung walang hiya ba si Elaine o hindi.



"Guys, tama na. Umayos kayo. Uuwi na nga 'yang tao mag aaway pa kayo sa harap niya," suway ni John na animo tatay.



"E si Amy kasi!"



"Anong ako, ikaw kaya!"



"Tama na, tama na. Lilibre ko kayo ng lahat nang gusto niyo kapag nag kita tayo. Kapag ha! Let faith bring us back to each other." Kinindatan ko sila pareho at napatili naman silang dalawa.



"Lord, bakit mo ako ginawang babae! Ang ganda ni Mareng Andra!" parang baliw na sigaw ni Amy.

LIO Book 2: Game of Fate [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon