Game 4

2.1K 58 117
                                    

Andra Celestine Xanford


Pag dating namin sa mismong isla ay halata ang pagod at hirap sa mukha ni Hezekiah. May mga pag kakataon kasi na bubuhatin niya ako dahil nag dudugo ang sugat ko. Ramdam na ramdam ko na rin ang sakit no'n pero pinilit kong hindi ipahalata sa kaniya dahil ang pag punta pa lang sa akin sa mismong isla ay napakahirap na. Halatang halata rin ang pag-aalala sa mukha ng lalaki dahil medyo namumutla na ang mukha niya at napapamura siya sa tuwing mapapatangin sa paa kong duguan.

"Dylan! We need help!" sigaw niya nang makitang may lalaking papunta sana sa dagat.


"Dylan! This is Ky! We need help!" sigaw niya ulit nang tila kinikilala siya nang lalaki.


Nang mapagtantong kakilala nito ay agad siyang tumakbo at nag tatakang napatingin sa akin.


"Who is she?" takang tanong niya.


"I'll tell you later. For now, help me bring her to the hospital or clinic or whatever! Basta magamot na ang sugat niya!" aligagang ani Hezekiah at tila doon lang napansin ni Dylan ang sugat ko.


"Hala! Saglit! Ako na mag bubuhat!" ani Dylan ngunit umiling si Hezekiah.


"No, I'll carry her. Just guide us and then hold her camera." Utos niya na agad namang sinunod ni Dylan.


Agad akong dinali ni Hezekiah sa Hotel at tumawag naman ang stuff ng ambulansya. Actually ayoko na sanang umabot pa sa ospital, pero itong si Hezekiah napaka OA! Kesyo baka daw maubusan ako ng dugo at mamatay kaya mag papa ospital daw! Hiyang hiya nga ako sa mga tao roon dahil halatang nag papanic si Hezekiah.


"Ayos ka lang ba? May masakit pa ba sa'yo?" nag-aalalang tanong niya matapos malinisan ang sugat at at malagyan ng dressing.


"Wala naman. Gusto ko ng bumalik sa hotel." Bakas ang inip sa boses ko.


"Magpa-admit ka muna! Baka mapano ka do'n! Wala ka pa namang kasama." Umiiling na aniya.


"Alam mo ikaw, baliw ka talaga. Hindi naman ako mapapano dahil dito. Gagaling rin naman 'to kaagad kaya ibalik mo na ako roon, ha." Napabuntong hininga si Hezekiah at walang nagawa kundi tumango.

Pag sapit ng alas dose ay nakalabas na ako. Binigyan ako ng doctor ng mga gamot at panlinis sa sugat ko para raw hindi na lumala. Tinanong ko rin siya kung pwede ba akong mag tampisaw sa dagat at sinabi niyang pwede naman daw pero kapag nag hilom na raw. Ibig sabihin mula mamaya hanggang sa maka uwi ako ay maaaring hindi na ako maka ligo sa dagat at hanggang tingin na lang ako.


"O, mukhang malungkot ka?" tanong niya habang inaalalayan akong mag lakad patungong hotel.


"'Di na ako makakaligo sa dagat." Parang batang nag susumbong na turan ko.


"Sus, 'yon lang pala! Makaka ligo ka pa naman ulit sa susunod na babalik ka rito."


Lumingon ako sa gawi niya at malamlam ang mga matang tinignan siya. "Ngayon lang ako may oras. Wala ng next time." Parang maiiyak nang sabi ko.


Nakita ko na natigilan siya dahil siguro sa boses ko o sa expresyon ko.


"Gano'n ba. E anong gagawin mo?" naaawa ang mukhang tanong niya.


"Ewan ko. Tatambay siguro sa kwarto ko kasi bukod sa wala naman akong kasama ay wala rin na akong magagawa."


LIO Book 2: Game of Fate [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon