Game 1

3.8K 83 36
                                    

Andra Celestine Xanford 


"Happy birthday day to you." Napalingon ako sa pintuan ng kwarto ko dahil doon nanggagaling ang boses. 


Bumangon ako sa kama ko at pinanood silang kumanta. "Happy birthday day to you," pagpapatuloy na kanta nila Daddy, Lola at mga katulong namin. 


"Happy birthday, happy birthday, happy birthday to you. Happy birthday, Andra!" masiglang bati nilang lahat sa akin. 


"Awee. Thank you po!" mula sa pusong pasasalamat ko sa kanilang lahat. 


"Blow your candle and make a wish na, anak." Inilapit ni daddy sa akin 'yung cake at pumikit naman ako bago hinihipan ang kandila. 


"Anong hiniling mo, apo?" nakangiting tanong ni Lola. 


"Secretong malupit! Baka hindi matupad." Pag bibiro ko at natawa naman sila. 


"O siya, bumangon ka na riyan at hinahanap ka ng kuya Lance mo." 


"He's here?!" nanlalaki ang mga matang tanong ko at tumango naman sila ni Lola. 


"Kaya bilisan mo diyan at bumaba ka na. He's waiting for you downstairs." Agad akong umalis sa kama ko at dali daling pumasok sa banyo ko. Narinig ko pa ang tawanan nilang lahat kaya medyo nahiya ako pero hindi ko na inalala 'yon. 


Sinimulan ko nang linisin ang katawan ko at gawin ang mga dapat kong gawin. Kuya Lance are one of my cousins. Close kami ni Kuya. Para kasing siya 'yung pinakakapatid ko sa lahat ng pinsan ko. Today is Monday, November 7. It's the day that I was born and I wish that she's here. I wish that my mom is here. But I know it's impossible. 


"Kuya!" masayang tawag ko sa kanya at agad siyang tumayo sa kinauupuan niya at tumakbo naman ako payakap sa kaniya. 


"Our Andra is now 26!" anunsiyo niya at nginitian ko lang siya nang malawak. 


"Breakfast?" 'aya ko at tumango siya. 


"So, what's your plan?" tanong ni Kuya habang nasa hapag kaming apat. 


"Hmm, the usual. I'll go to my office, do my work and then go home to have a dinner with you," kaswal na sabi ko. 


Simula noong ako na ang naging CEO ng kompanya namin ay puro dinner na lang ang nag silbing birthday celebration ko. Hindi ko na rin naman hiniling na magkaroon ng magarbong celebrasyon dahil gusto ko kami kami lang rin. 


"What a boring birthday," ani kuya at umirap pa sa kawalan. 


"Eh sa may trabaho ako eh!" depensa ko naman. 


"Hmmm," kunwaring nag-iisip na aniya. 


"What if I'll act as a CEO for a week and then you'll do what you want?" tinignan ako ni Kuya habang itinataas taas pa ang kilay niya. 

LIO Book 2: Game of Fate [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon