Game 26

969 26 10
                                    

Kyree Hezekiah Alcantara

"Kyree!" I heard her angelic voice in my back so I turned to see her.

"Den," I said and she run to hug me.

Denise and I are friends since I can remember. Our parents is really close. Sabi nila daddy dapat pag tungtung namin ng tamang taon ay papakasalan ko siya. I didn't refused dahil bakit pa? What's the sense of refusing kung matagal na nilang naplano. At isa pa, bata pa ako noon. Akala ko normal lang na may babae ng nakatadhana sa'yo.

"Laro tayo sa dagat!" kinuha ni Denise ang kamay ko at hinila ako sa dalampasigan malapit sa bahay nila.

Madalas kaming mag laro ni Denise sa bahay nila dahil gusto rin nila mommy na nandito ako palagi.

"Uwi na tayo," 'aya ko nang mapagod kakalaro. Denise nod her head kaya nagtatakbo nanaman kami pabalik sa bahay nila.

Maghapon ako kina Denise kaya naman pag-uwi ko ay pagod na pagod ako. I immediately went to my room and fell asleep. I was in a deep sleep when I suddenly heard shouts downstairs. Dahil sa kuryosidad ay bumaba ako at tinignan kung ano 'yon. I saw my mom and dad, fighting over something that I don't know.

"Shut up, Sherly!" sigaw ni Daddy na ikinapitlag ko.

"Why would I? Huh?! How could you do this to us!" naiiyak na sigaw ni mommy. Sumilip ako sa gilid ng pader upang makita sila sa baba.

"Wala nga. Kaibigan ko lang siya!"

"Kaibigan?! First love mo 'yun at iba ang tinginan at hawakan niyo! Sa tingin mo ba bulag ako!" I saw how my Mom's tears stream down her cheeks kaya naman ay umiiyak akong bumaba at yumakap sa kaniya.

"Mommy!" umiiyak na saad ko dahil nasasaktan ako sa nakikita ko.

"Kyree, to your room." Utos ni dad pero iniiling ko ang ulo ko.

"Kyree!"

"'Wag mong sisigawan ang anak ko!" mas lalo akong naiyak sa mga naririnig ko.

"Kyree, to your room, now!"

"Ano ba!" nagugulat ako sa mga sigawan nila kaya naman ay mas lalo akong naiyak.

"Tama na po." Humihikbing wika ko kaya naman ay napatigil sila at tila natauhan.

"Baby," mom held my tiny face and wipe my tears.

"Hush. I'm sorry." Umiiyak pa rin ako kaya naman ay inakay na niya ako sa kwarto ko.

"Mommy, why are you and dad fighting?" humihikbing saad ko.

"It's nothing, baby. 'Wag mo ng alalahanin 'yon, okay. It was just a misunderstanding." Dahil sa batang edad ay naniwala ako.


Almost everyday, I can hear them fighting. Sobrabg naninibago ako dahil hindi naman sila ganito noon. They were happy and always smiling and hugging each other before. Ngayon lang at hindi ko alam kung ano ang dahilan. They become cold towards each other. And as I grew older, nararamdaman at napapansin ko na 'yon. Noong bata ako ay hindi ko pa napapansin, pero ngayon pansin na pansin ko na.

I was in high school when my dad left the island to manage our business in Manila. Parang wala lang 'yon kay mommy. She didn't complain or stop dad. Hanggang sa pag-alis ni dad ay wala akong narinig kay mommy. Weeks have past at napapansin ko na bumibisita sa amin si Tito Rony, kapatid ni papa. He will always bring foods and fruits for my mom and mine. Of course, at first I was grateful dahil nakita kong nag ki-care siya. Pero habang tumatagal ay nagiging creepy at weird na. One time, I caught him taking pictures of my mom. When I asked him, he just said some excuses.

LIO Book 2: Game of Fate [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon