Game 24

1K 36 28
                                    

Andra Celestine Xanford

That night, I went home. Hindi ko kinaya ang nangyari at nagdahilan na lang na may emergency sa bahay. Pumunta ako roon ng medyo maayos, pero umuwi ako ng wala ulit sa sarili. Everything became a mess again. Hindi ulit ako makakain, hindi makapag trabaho at hindi kayang harapin ulit si Archer. Dahil bukod sa nahihiya ako ay alam ko na rin sa sarili kong hindi ko talaga siyang kayang mahalin.

Nasa office ako, pinipilit ang sariling gawin ang mga responsibilidad ko. Umaayos na ang lahat. The company is recovering from it's dilemma, pero heto pa rin ako at hindi pa maayos. The rating become high again. 'Yung perang nawala ay hindi pa naibabalik, pero tinatrabaho naman na namin. Everything is already falling into pieces, 'yung sarili ko na lang talaga ang hindi ko maayos.

Nang sumapit ang lunch ay nagtataka ako dahil hindi ako pinadalhan ni Archer. Simula kasi noong naging okay sila ay araw-araw itong nagpapadala, tila nanliligaw at pinapaamo ako. Ipinagkibit-balikat ko ang nangyari at nagpa bili na lang ng pag-kain ko. Nang madala ng sekretarya ko ay agad na akong kumain dahil gusto kong maka-uwi ng maaga. Pagod ako at pagod din ang utak ko. Gusto kong magpahinga dahil pakiramdam ko ay drain na drain ako sa mga nangyayari.

Pumirma ako sa mga papeles at binasa ang mga kailangang basahin kahit na walang gana. Pero dahil sa kagustuhang maka-uwi ng maaga ay nagawa ko. 4 pm nang lumabas ako sa office. Dumaan muna ako sa grocery store dahil ubos na ang stock ko sa bahay. Binilhan ko na rin sila Daddy ng mga healthy foods dahil 'yon ang kailangan nila. I planned to go home this weekend dahil na mi-miss ko na sila. I need my family.

Kumuha lang ako ng mga delata, mga junk foods, healthy foods. Gulay, karne at iba pang pag-kain. Nang magbayad ako sa counter ay nagpahabol pa ako ng isang bote ng wine kahit na may wine pa naman ako sa bahay. Gusto ko kasing matikman 'yon kaya naisipan ko na lang bilhin, at uminom hanggang sa maka tulog ako.

Pag-uwi ko ay hirap na hirap akong dinala ang binili sa taas. Sa weekend ko na dadalhin ang binili ko para kina daddy dahil hindi ko na kayang magmaneho papunta sa kanila. I'm too tired to go home at medyo malayo-layo 'yon dito sa condo. Nang mabuksan ko ang pintuan ay nagulat ako nang si Archer ang tumambad sa akin.

"A-Archer!" gulat na tawag ko. Archer shift his gaze to my face at kinabahan ako dahil malamig ang tingin niya at halatang naka-inom.

"Bakit h-hindi mo sinabing dadalaw ka." Kunwari hindi kinakabahang sabi ko. Binigyan ko kasi ng susi si Archer noong panahong pinag buhatan niya ako ng kamay upang tigilan niya ako.


"Saglit lang ah, a-aayosin ko lang ito." Tipid akong ngumiti sa kaniya at nang maisara ang pinto ay nagulat ako nang bigla niyang kunin ang isang plastic bag na hawak ko at itapon 'yon sa sahig.

"Archer!" gulat na untag ko at napabaling ang mukha ko sa kabila nang malakas niya akong sampalin.

"Sinungaling ka." Nangilabot ako sa boses na ginamit niya dahil sobrang baba no'n at walang ka emo-emosyon.

"Archer..." nanginginig ang boses na tawag ko.

Nakatanggap nanaman ako ng isang sampal at may nalasahan na akong dugo sa bibig ko.

"Niloko mo ako!" sigaw niya at napaigtad ako.

"Archer, please calm down. H-hindi ko alam ang sinasabi m—" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil sinuntok niya sa may bandang kili-kili.

"Ahhh! Archer!" sigaw ko dahil sobrang sakit no'n. Agad akong napaiyak dahil sinuntok nanaman niya ang sikmura ko. Napaluhod ako sa sakit at hirap na hirap na hinabol ang hininga.

LIO Book 2: Game of Fate [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon