Game 14

1.4K 38 15
                                    

Andra Celestine Xanford

"Hi Ms. Legs. It's nice to see you again." Nakangiti lang siya sa akin. Hindi kailan man nawala 'yung ngiti niya.

I am shock! Very shock! Hindi ko alam kung anong gagawin at e rereact ko kasi, ha?! Nandito si Hezekiah sa harapan ko?! At ano? Siya ang bagong architect namin?!

"Hindi ka yata natutuwang makita ako eh!" at doon pa lang nagbago ang reaksyon niya. He pouted at tila nag papaawa.

"Ayaw mo akong makita?" the old Hezekiah is still there. Kung ano 'yung nakilala ko sa isla, gano'n pa rin siya hanggang ngayon.

"Andra?" tawag niya pero hindi ko yata kayang mag salita. Nakatulala lang ako sa kaniya, iniisip kung anong dapat kong sabihin.

"Na pipi ka ba? Luh? Seryoso ba?!" at doon na nga ako naka bawi sa gulat ko. Agad ko siyang hinampas sa braso at natawa naman siya.

"Baliw ka!" ang tanging nasabi ko lang.

"Ayun! Hindi naman pala pipi, sobrang nagwapuhan lang sa akin!" at tawang tawa talaga siya ha!

"Ang hangin mo naman, Hezekiah." Pag rereklamo ko.

"I'm just telling the truth!" at talagang ang lakas ng bunganga niya! Pakiramdam ko naririnig na kami ng sekretarya ko sa labas kahit na sound proof naman ang office ko.

"Pwede na bang umupo, Ms. Legs?" sinamaan ko siya ng tingin dahil sa itinawag niya sa akin.

"Ay shit, s-sorry! 'Di na mauulit!" agad na hingi niya ng tawad nang ma realize siguro ang itinawag sa akin.

"I'm sorry." He sincerely apologize.

"It's fine. No worries, Hez."

My heart is still racing. Pakiramdam ko ay pinagpapawisan ang kamay ko dahil sa presensya niya. Hindi naman siya nakaka intimidate para sa akin. Parang nagkaroon na rin ako ng ideya kung bakit gano'n ang nararamdaman ko. Lahat nang paghahanda ko at effort kong mag-ayos ngayon ay parang kagagawan lahat ni Tadhana. The atmosphere is so light. Hindi kagaya kay Archer na ang bigat bigat at ang hirap gumalaw. Presensya lang ni Hezekiah ay nakakagaan na ng pakiramdam.

Kaya siguro hindi ko na napigilan.

Iwinaksi ko ang kung ano man ang naiisip ko at pinaupo na siya dahil baka umiyak kapag hindi ko pa pinaupo. Knowing him, hindi mag dadalawang isip na umacting 'yan para lang mapag bigyan. Napaka-isip bata talaga minsan!

Pero gusto ko naman.

Nag-init ang pisngi ko sa sariling naisip at naiiilang na umiwas ng tingin sa kaniya. Nakatingin lang sa akin si Hezekiah, nakangiti at hindi ko malaman kung ano ang iniisip. Ginagawa ko ang lahat ng makakaya ko para maiwasan ang mga tingin niya dahil nahihiya ako sa mga naiisip ko. Siya naman ay nakatingin lang sa akin at hinihintay na mag tama ang mga mata namin.

"Did you ate the lunch that I gave you the following weeks?"

Agad akong napatingin sa kaniya at nagtama na nga ang paningin namin. Tila na amaze siya na nakatingin na ako sa kaniya. Ako naman, nalilito na dahil sa pinag sasabi niya.

"W-what?" hindi makapaniwalang tanong ko.

"The lunch?" patanong ding sagot niya.

"Sa'yo galing 'yon?!" napataas ang boses ko.

Aba! Sino bang hindi magugulat diba?! Sa loob ng ilang linggo, sinubukan kong hanapin ang nagpapadala pero hindi ko mahagilap! Halos antayin at kuyugin ko ang nag dedeliver para malaman lang ni pangalan, pero wala akong napala. Tapos ngayon, sasabihin niyang siya at parang normal lang 'yon sa kaniya!

LIO Book 2: Game of Fate [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon