Game 21

1K 35 16
                                    

Andra Celestine Xanford

"My fiancé." Napaatras ako sa sinabi ni Hezekiah. Nawalan ng lakas ang mga tuhod ko at kung walang pader sa gilid ko ay napa-upo na ako.

"Andra," he tried to hold me, pero inilayo ko ang kamay ko.


"W-why..." hindi makapaniwalang tanong ko.


"I'm sorry." Napailing ako sa sinabi niya at sunod sunod na nag laglagan ang mga luha ko. Sobrang sikip na ng dibdib ko at parang sasabog na ito sa sakit.


Why do I need to feel this pain again?


"Ginago mo ako!" puno ng hinanakit na sigaw ko.


"I'm sorry." Hezekiah started to cry pero napatawa lang ako ng mapait.


"Bakit ka umiiyak? Para magpa-awa?!" galit na galit na ani ko.


"Andra, it's not like that." Sinubukan niya ulit akong hawakan pero lumayo.


"'Wag kang lumapit sa 'kin, manloloko ka!" Tumalikod ako at lumuluhang tumakbo palayo sa kaniya.


Agad akong nag tungo sa parking lot at nagmaneho na puno ng luha ang mga mata. My vision were blurry. Halos wala akong makita, but I keep driving. I just want to be away from him. Parang pakiramdam ko sinasakal ako. Bumalik lahat ng ala ala naming dalawa. Simula noong nagkita kami hanggang sa mga encounters namin.


How his friends acted weird at kung papaano niyang putulin ang mga kaibigan niya kapag may sasabihin sila. Naalala ko rin kung papaano siyang ilayo sa akin at ang mga makahulugan nilang tingin. Lahat 'yon, ngayon ko lang na realize. Akala ko wala lang 'yon. Akala ko normal lang 'yon, hindi pala. They're trying to stop him from commiting sin. Sinusubukan nila siyang ilayo nang hindi ipinapahalata sa akin. They made me look like a dumb.


"Ahhh!" sigaw ko at hinampas ang manibila ko.


"Damn this pain!" sigaw ko ulit bago mas binilisan ang pag-mamaneho.


Pumasok sa isip ko 'yong litartong pinost niya. 'Yung babaeng familiar sa akin ay si Denise. Simula pa lang pala ay magkakilala na sila. May posibilidad na ang tagal tagal na nila. At malapit akong naging dahilan upang masira 'yon.


Para akong hinahunting ng nakaraan ko. 'Yung mga pagkakamali ko, 'yung panloloko sa akin, lahat bumabalik. Kung anong naramdaman ko noon, kung paano akong nag struggle. Umiiyak akong umuwi sa condo ko at nanginginig ang mga kamay na binuksan ang pintuan ko at tuloy tuloy na pumasok sa kwarto ko.


Dahil na rin siguro sa alak ay nakuha kong manira ng gamit. Lahat ng binigay niya sa akin ay itinapon-tapon ko. 'Yung ibang frames ay sinira ko. Lahat ng galit at sakit ay ibinunton ko sa mga gamit ko. Napadaan ako sa salamin ko at nakita ko ang 'itsura ko. I look devastated. Gulo gulo ang buhok, kalat kalat ang makeup. 'Yung ako na sobrang linis sa katawan ay nag mukhang dugyot. May dugo rin sa kamay ko dahil sa mga bubog na nahahawakan ko. Nakita ko kung papaanong lumandas ang mga luha sa mga mata ko. Naaawa ako sa sarili ko at nagagalit dahil nagpa talo nanaman ako sa pisting laro ng tadhana.


Nang mahimasmasan ay sinubukan kong maligo at umiyak nanaman ako sa banyo. Kahit anong iyak ko ay hindi gumagaan ang pakiramdam ko. Para akong sinasaksak ng iba't ibang matatalim na bagay. Parang ang hirap hirap ng huminga.


Matapos kong maligo ay nagtungo ako sa kusina ko alas dos na ng madaling araw pero hindi ako nakakaramdam ng antok. Kumuha ako ng beer at tinungga iyon. Nakatulala lang ako sa glass window na nasa kusina ko at pinag mamasdan ang mga ilaw. Parang bumalik ulit ako sa buhay kong puno ng dilim. Parang wala nanaman akong maaninag na liwanag. Ang hirap, sobrang hirap.


LIO Book 2: Game of Fate [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon