Game 15

1.4K 40 17
                                        

Andra Celistine Xanford

Dahil naka pirma na si Hezekiah sa contrata ay mas napapadalas ang meetings namin. Kailangan naming pag-usapan ang patungkol sa hotel na gagawin. Na meet ko na rin ang team niya at mag kakaroon kami ng meeting ngayon para sa mga details at kung ano-ano ang dapat gawin at baguhin sa designs na e pepresent niya. Hezekiah is serious when it comes to his work. Hindi nakakapagtaka na sikat siyang architect dahil sa gaganda ng mga gawa niya at sa pagiging propesyonal niya kapag oras ng trabaho. He's also good to his co-workers kaya walang problema ang mga nakakasama niya sa kaniya. I search to the internet kung ano ang mga nagawa niya, and I was shocked to see all of his achievemnts and works na sobrang pinupuri ng mga tao.

From Hezekiah:

I'm on my way to your office:)

Simula rin noong nagkita kami ulit ay palagi na niya akong inaupdate. He always text me where he is, what is he doing and other stuffs that is related to his life. Madalas ay nag rereply ako pero minsan ay hindi. I am fighting my mind dahil minsan ay nabibigyan ko ng malisya ang mga inaakto niya. Nireremind ko ang sarili ko na gesture lang 'yon ng isang mabuting kaibigan para hindi ako makonsensya at makapag-isip ako ng maayos.

Patungkol naman kay Archer ay walang improvement sa feelings ko. He often visits me here, pero hindi ko 'yon nagugustuhan at nauuwi kami sa away at mga isang linggo pa bago magkakaayos. Archer's pride is so high, kaya pinapatigil ko na rin siya, but he's stubborn. I tried to stop him so many times, pero palagi niyang sinasabi na he will change his ways at liligawan niya ako hanggang sa mapa-oo niya ako.

Nang  pakiramdam ko ay malapit na siya ay nag ayos na ako dahil gusto kong palaging mukhang presentable sa mukha niya. Gusto ko na maayos ako at hindi makikitaan ng kahit na ano. Sakto ng matapos akong mag-ayos ay 'saka naman sinabi ng sekretarya ko na nariyan na si Hezekiah. As he entered my office, his manly perfume filled my nose at sobrang nakakaliyo 'yon sa bango. I almost lost my sanity dahil isa sa mga kahinaan ko ay ang mabangong lalaki.

Okay, Andra. Get a grip. 'Wag kang malandi, please! Si Hezekiah lang 'yan come on!

Hezekiah is carrying his laptop on his left hand, habang sa kabila naman ay paper bag na sigurado akong pag-kain ang laman dahil walang nagpadala ng pag-kain sa akin ngayon.

"Kain ka munang lunch bago tayo mag trabaho." He cutely smiled at me at ibinaba ang laptop sa couch ko.

Inilapag ni Hezekiah ang paper bag sa center table at inilabas ang laman no'n. Nagpakuha naman ako ng plato, kutsara, at tinidor sa secretary ko dahil wala siyang dala. He told me na hindi pa rin siya kumakain kaya naman ay nag sabay na kami. Hezekiah prepared everything. Siya ang nag serve ng foods at siya na rin ang nag lagay ng kanin at ulam sa plato ko.

"How's your day?" he asked while putting food on his plate.

"It's fine. How 'bout yours?" tanong ko naman habang pinapanood pa rin siyang mag lagay ng pag-kain sa plato ko at sa plato niya.

"It's good. I had a meeting with my team."

Pagkatapos niyang e serve at lagyan ang mga plato namin ay nag simula na rin kaming kumain. Hezekiah is smiling from ear to ear at hindi ko alam kung bakit.

"Tinupad ko na 'yung sinabi ko sa'yo noon sa isla ha." Napakunot ang noo ko sa sinabi niya dahil hindi ko alam kung anong tinutukoy niya.

"Pinag sasabi mo?" I asked, confused.

"'Yung discount! Binigyan kita ng ten percent discount!" nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya at hindi na napigilan ang sarili kong napatawa.

LIO Book 2: Game of Fate [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon