Andra Celestine Xanford
That night, si Ynigo ang nag hatid sa aming lahat sa sari sarili naming condo. He carried us, he took care of us. Alam kong hilong hilo ako noon, pero alam ko kung anong nangyari. Sobrang linaw, na hanggang ngayon ay naninikip ang dibdib ko. Ilang araw nang hindi nagpaparamdam si Hezekiah. Ni isang text, o tawag man lang ay wala. I tried to look for him sa site pero wala pa rin. Sabi ng mga trabahante ay pumupunta raw siya pero aalis din kaagad kapag tapos na ang kailnangan niyang gawin.
I tried to set up a meeting for us, pero iba ang ipinadala niya. Sabi ng ipinadala niya na busy siya kaya siya na lang ang gagawa. Parang 'yung mga oras na parang hindi ako napapagod at parang naka higa ako sa ulap ay nawala. Napalitan lahat 'yon ng sakit, pag-aalala at kaguluhan. Hindi ko alam kung anong nangyari. Hindi ko alam kung sino ang tumawag sa kaniya, kung bakit nag mamadali siya at hindi man lang makuhang mag text o tumawag sa akin. Kahit isang paliwanag lang sana ay okay na, kaso wala. He left me dumbfounded.
Sobrang pagod na pagod ako. Nag sunod sunod ang problema dahil nawawalan pa rin ng pera ang kompanya. Noong isang linggo, fifty thousand nanaman ang nawala. We are now monitoring everything. Lahat ng perang lumalabas at pumapasok ay triple na ang pag momonitor. Hindi ko pweding palampasin na lang ang gano'ng halaga dahil baka sa susunod ay milyon na ang mawawala. May mga complaints din galing sa ibang branch kaya sobrang stressing. I need to keep sane kahit na sobrang nakakapagod at nakaka drain na.
Nang makarating ako sa building ng condo ko ay agad na akong dumeretso sa condo ko. I am walking with my head down, kaya hindi ko makita kung sino ang nakaka salubong ko. Nang alam kong nasa harapan na ako ng condo ay natigilan ako dahil may nakita akong pares ng sapatos. Agad na pumasok sa isip ko si Hezekiah. Iniangat ko ang ulo ko, hoping that I will see and hug him tonight, pero nabigo ako.
Isang nakangising Archer ang bumungad sa akin. My heart started to pound so loud. Halos wala na akong marinig. Unti unti akong umatras pero nakangisi siyang lumalapit sa akin. Kitang kita ko ang galit sa mga mata niya. Naaamoy ko rin ang alak sa kaniya kaya alam kong delikado ako.
"Bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag at text ko?" he asked while slowly walking towards me.
"I-i'm busy. M-maraming problema sa kompanya." Pagpapalusot ko.
"Liar."
"It's true, Archer." Tila nainis siya sa sinabi ko kaya mabilis siyang lumapit at hindi na ako naka takbo. Hinawakan ni Archer ang braso ko. Sobrang higpit niyon. Pakiramdam ko ay mababalian na ako sa sobrang higpit ng hawak niya.
"Archer... masakit." Halos hindi ko na mabigkas.
"Sino nag sabi sa'yong hindi na ako nanliligaw? Huh?" Nakita ko ang apoy ng galit sa mga mata niya kaya sobrang kinabahan na ako.
"Sisigaw ako. Bitawan mo ako!" sabi ko pero tumawa lang siya.
"Subukan mo."
I was about to shout nang bigla niya akong suntukin sa sikmura ko. Hinawakan ni Archer ng mahigpit ang braso ko at sapilitan akong hinila. Hindi na ako maka hinga dahil napakasakit ng sinuntok niya.
"Open the door." Utos niya pero umiling ako.
"Open the freaking door, Andra!" sigaw niya kaya nanginig na ako sa takot. Sinubukan kong umiling pero hinawakan na niya ang pisngi ko ng sobrang higpit.
"Open it." Dahan dahang naglandasan ang mga luha ko sa mga mata ko. I am so hopeless.
Hezekiah...
![](https://img.wattpad.com/cover/262558364-288-k470589.jpg)
BINABASA MO ANG
LIO Book 2: Game of Fate [Completed]
RomanceLUST IN OCEAN BOOK 2! WARNING! SPG|MATURE CONTENT! Is there really a man that destined for me? After years, I was still a player. Fate loves playing with me. I wonder, when will fate stop playing with me? Will fate plans to give me happiness? This g...