Game 32

966 32 21
                                    

Andra Celestine Xanford

Tila nabunutan ako ng isang malaking tinik sa dibdib ko. I thought tita will be angry. I expected that she'd hate me for wanting a selfish decision. After that talk, I cried to her shoulders. I said sorry many times, because I felt like I failed her. But even if I felt like that, she assured me that it's fine. Na okay lang na piliin kop ang sarili ko at ang kalayaan ko. She told me na napalapit na rin siya sa akin kaya she want what's the best for me. Tita is like a mother to me. She never treated me like others. Pinaramdam niya sa akin 'yung iba't ibang klaseng emosyon, and I am really glad that I met her.

"Andra!" nakita kong itinaas ni Amy ang kamay niya upang makita ko siya. Ngumiti ako kay Amy at naglakad papalapit sa kaniya.

"I miss you!" she said and hugged me tight.

"I missed you too! Sobrang busy kasi sa work."

"Kaya nga eh! Gusto ko nga sanang mag leave kaso 'wag na lang! Kung mag le-leave kayo, 'saka na lang din ako mag le-leave!" she said, smiling like an idiot.

"Sus! Nagpaparinig ka nanaman. We will go there once I cleared my schedule. Busy pa sa kompanya." Amy just chuckled at clang her hands in my arm.

Nasa seven eleven kami ngayon dahil inaya niya akong bumili ng inumin. Sabi niya pagod daw siya sa trabaho at gusto raw niyang ilabas ang sama ng loob niya kaya tinawag niya ako.

"Anong gusto mong inumin?" sabi niya habang namimili kami ng pag-kain.

"Juice na lang sa'kin. Maaga ako bukas eh." Tumango si Amy at kumuha ng malaking cup noodles.

"Sakto 'to, malamig eh." Humagikgik si Amy at gano'n din ako.

Nang makuha namin lahat ng gusto naming kainin ay nagbayad kami sa counter tapos nilagyan namin ng mainit na tubig 'yung cup noodles namin.

"Sa labas tayo." Nag lakad kami palabas ni Amy at naupo sa isa sa mga tables sa labas.

Maganda ang set up sa labas. May mga lights at malamig ang simoy ng hangin sa labas kaya masarap mag kwentuhan. Iilan lang kami sa labas. Wala masyadong tao kaya ayos lang na mag kwentuhan kami. Napakaraming sinasabi ni Amy. Kesho bwesit daw 'yung boss niya, nakakainit daw ng ulo 'yung bida bida niyang katrabaho. Tawang-tawa ako sa kaniya dahil sobrang worked up niya talaga.

"Tapos alam mo ba!"

"Ano?"

"Alam mo ba, shutanginang bida bida, sinabi ba naman na natulog lang ako habang ginagawa 'yung pinagawa sa aming dalawa! Aba! Napakagago! E halos ako nga gumawa no'n lah—" naputol ang sinasabi ni Amy nang may boses na biglang tumawag sa akin galing sa likuran ko.

The voice was familiar. Sa sobrang pamilyar ay kumikirot 'yung puso ko. Sa sobrang pamilyar may mga pangyayari at sakit na nanumbalik, pero hindi ko ikakailang mas nangingibabaw ang pangungulila sa puso ko.

"Andra..." the familiar called voice me. Natanggal 'yung ngiti sa labi ko at dahan dahang nilingon ang likod ko.

"Andra..." her voice broke. I saw how her tears formed in her eyes. Dahan dahan akong tumayo sa upuan ko at hinarap siya.

"Rachel..." sabi ko, hindi pa rin makapaniwala sa nakikita.

"W-why are you here?"

"C-can we talk?" she asked me with her pleading eyes.

Tinansya ko muna ang pakiramdam ko bago ako sumagot sa tanong niya.

"O-Of course! But I am with my friend right now." Tinuro ko si Amy at kita ko naman ang discomfort sa mata niya.

LIO Book 2: Game of Fate [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon