Game 34

787 30 3
                                    

WARNING! SPG! MATURE CONTENT!

Andra Celestine Xanford

At ginawa nga namin ang dati naming gawain. Actually, hindi ako nakikipag one-night stand sa kahit na kanino lang. Momol is enough na sa akin. Kapag alam kong lumalalim na ay tumitigil na ako. Ewan ko ba. Bigla na lang papasok sa isip ko si Hezekiah. I won't deny the fact that I am still waiting for him. That I am still hoping na ako pa rin, na hindi pa siya kasal. I want him to be my forever. Pero hindi ko alam kung gano'n din ba siya.

"Andra! Drink some more!" lasing na ani Rachel at sinalinan nanaman ang baso ko.

We are all drunk. Hilong-hilo na ako dahil sa alak na iniinom at hindi ko na rin makontrol ang sarili ko. Ininom ko ang binigay ni Rachel at naghiyawan kaming apat. Alas dose na ng madaling araw kaya napaka wild na ng crowd. People are dancing wildly at idagdag mo pa na magaling ang dj. Nangunguna ang Bar na ito sa lahat dito sa Pilipinas dahil sa ganda ng kagamitan, Dj, at iba pang gamit na nasa loob nito.

"Oy! I have a prospect," nakangising ani Amy at inayos ang sarili.

"Shit! Sana all! Should I make my move too?" hindi papatalong ani Rachel.


"Stop!" pigil niya sabay action pa ng stop sign. "Kami muna! Hahakutin mo nanaman lahat ng pogi eh!" Reklamo ni Elaine at nag evil laugh lang si Rachel.

"Ganiyan talaga kapag magaganda. Pero I will not let them enter my precious cave!" nagtawanan kaming lahat at nakita naming tumayo si Amy at pinanood namin siyang naglakad papunta sa target niya. She tried so hard to walk straight dahil lasing na rin siya. Nakita namin na ngumingiti na ang lalaki sa kaniya at hinahawakan na ang bewang niya.

"Speed!" hiyawan namin nang makita namin ang pakunwaring bulong ni Amy sa lalaki sabay halik sa pisngi nito.

"I guess, kailangan ko na ring gumalaw at humanap ng target. May nakita ako kanina, hahanapin ko lang." Tumayo si Elaine sa couch at inayos ang kaniyang suot na damit.

"Rachel," aniya at itinuro ang kaibigan. "Dito ka muna, okay. Hayaan mo muna kaming mauna! Nauubos ang lalaki dahil sa inyong dalawa ni Andra! Ikaw din, Andra! Manatili muna kayo rito, maliwanag!" lasing na aniya kaya naman ay natatawa kaming tumango ni Rachel at pinanood siyang maglakad sa dagat ng tao upang hanapin ang lalaking tinutukoy niya.

Rachel and I keep drinking dahil mukhang walang balak mag gagagala itong kasama ko. Ewan ko ba. Bigla na lang umiyak at sinabing gusto niyang bumalik sa Kainuyan. Abnormal din eh. Pero I understand her naman. What happened to her is not a joke. Sobrang nakaka-trauma. Rachel is a brave woman and I salute her for that.

"CR tayo. Mag re-retouch lang ako tapos sayaw tayo." Ininom ko muna ang nasa shot glass ko bago ako tumayo at kinuha ang dala kong purse.

"Careful," bulong ko sa kaibigan dahil halos sumobsob na siya.

"God. Ang daming tao. Ano bang meron!" reklamo niya nang makarating kami sa Comfort room.

"'Di ka pa nasanay," I said and put my purse on the sink.

"Gusto kong mag hilamos. Dala mo ba ang makeup mo?" she asked at tumango ako.

"Kaso nasa sasakyan."

"Should we go out and just redo our make up their? Gusto kong mahimasmasan, grabe! Hilong-hilo ako! I want to freshen up!" aniya at pinaypayan ang sarili.

"Rachel, baka nakakalimutan mo, this is my bar at ang katabi nito ay ang hotel ko."

Yes, this is now the bar that I've planned years ago. I worked hard para lang ma convinced ang mga board members na gawin ito. Noong panahon kasi na 'yon nagkaroon ng problema sa market ng bars at maraming nalulugi. They don't want to risk, but I made sure na makakagawa ako ng presentation na kaaya-aya at kapani-paniwala dahil gusto ko talaga ito. X's Love Shot Bar is my dream bar. Lahat ng ideas ko ay inilaan ko rito. Everything became worth it. After a month lang, biglang nag boom ang bar. People are coming to vlog my bar and everything! I was so overwhelmed kasi imagine, in just a month, biglang nag boom ang bar mo and until now ay maayos pa rin ang takbo. Agad akong nakapag patayo ng iba pang branch nito at patok na patok sa mga tao. Ibinase ko ang theme according sa place, sa trend and all. I look into different aspects para wala akong ma miss.

LIO Book 2: Game of Fate [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon