Game 31

878 32 9
                                    

Andra Celestine Xanford

My days became a roller coaster. Ngayon okay ako, mamaya hindi na. Halo-halo na 'yung nararamdaman ko. Ni hindi ko na nga ma identify kung masaya ba ako, kung okay ba ako, o sanay na lang akong mag pretend na maayos ako. Wala pa rin akong balita kay Hezekiah. I tried to reached his parents, pero nagalit lang ang daddy niya dahil nalaman niya na ako 'yung dahilan bakit nawala si Hezekiah. I can still clearly remember his words na sobrang tumatak sa utak ko.

"Tandaan mo, kahit anong gawin niyong dalawa, hinding-hindi ko matatanggap ang relasyon niyo dahil ikaw ang magiging dahilan upang bumagsak ang kompanyang pinaghirapan ko."

Nang sabihin 'yon ng Daddy niya ay natulala ako. Wala akong nasabi at hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko. I was so stunned and hurt to speak. Alam mo 'yon, hindi pa nga kami nangyayari ni Hezekiah e may humahadlang na. Masakit sa akin na nawala na nga sa akin si Hezekiah, tutol pa ang Daddy niya. Iniyakan ko 'yon ng ilang araw. Ang sakit lang kasi na malabo na nga kayo ng taong mahal mo, pati magulang niya hindi mo pa makuha ang loob. Hindi na ako nagkaroon ng pagkakataon na kausapin ang Mommy niya dahil pinagtabuyan na ako ng Daddy niya.


Madalas din akong kinakamusta ng mga kaibigan namin ni Hezekiah at hindi nila itinanggi na dissapointed sila sa ginawa ni Hezekiah. Pero sabi nila wala naman na silang magagawa dahil hindi naman daw natuturuan ang puso which is a fact. Kwenento nila sa akin na matagal na raw talaga silang magkakakilala. Tinanong ko sila kung bakit hindi sila nagalit sa akin since nasaktan si Denise na kaibigan nila. Ang sagot nila ay hindi naman daw porket kaibigan nila e hindi na nila titignan 'yung mali niya. Sabi nila ayaw talaga ni Hezekiah sa usapan na 'yon pero wala siyang magawa since mapilit si Denise at naiipit ang pamilya nila. Napakaraming impormasyon ang ibinabahagi nila sa akin. Ang hirap isautak lahat pero kinakaya ko dahil pakiramdam ko kailangan ko ring malaman para huminto ang utak ko kakaisip kung bakit nangyayari ang lahat nang ito.

This day was tiring. Ang dami kong kailangang ayusin sa office since may mga improvements na ipinopropose ang mga humahandle ng iba't-ibang branch. Since kaka-open lang din namin, nag dagsaan na agad ang mga tao sa hotel and that made me feel good. At least kahit na ang daming ganap, maayos pa rin naman ang kompanya ko. After work, I decided to visit Archer dahil ilang araw na rin mula noong huli kong bisita at palagi niya akong hinahanap. He wants me to stay by his side all the time, but I refused because my Lola and my company needs me. Besides, I am planning to have closure with him. I know that he's still holding on, pero ayoko na. I want to free myself from everything and have a fresh start. Sa ilang araw na nawala ako sa sarili, I realized things. I looked at the brighter side and I decided to make myself better para sa pamilyang umaasa sa akin.


When I reached that hospital, nag derederetso na ako sa kwarto niya at nakita ko na nasa loob si Tita at ipinaghihiwa ng apple si Archer.

"Good evening, Tita." Bati ko at hinalikan siya sa pisngi.

"Good evening, hija. Kumain ka na ba?" she asked and let me sit to the sofa.

"Uhm, not yet po. Dito na kasi ako dumeretso," I said.

"Gano'n ba. Can you wait for a bit?" Tita started to get her jacket, wallet, and car keys kaya nagtaka ako.

"May pupuntahan ka po ba? It's okay po. Ako na muna ang magbabantay kay Archer." Presenta ko kahit na kailangan ko na ring umalis mamaya dahil babantayan ko rin si Lola.

"No, no. I will just buy some foods for you. It's not good to skip a meal." Tita showed me a genuine smile kaya hindi ko mapigilang suklian 'yon.

"Nako, thank you po. But I'm good, tita. Kakain din po ako mamaya bago ako pumunta sa Lola ko."

LIO Book 2: Game of Fate [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon