34

4K 114 97
                                    


Please subscribe sa aking YouTube channel- assumer21 channel


"Letse! Adora, where the hell are you?!" Sigaw ni Cassandra habang karga si Tyrone Evan na bigla na lamang umiyak ng pagkalakas-lakas. Lalo pa yatang umatungal ng iyak ang anak dahil sa sigaw niya.

"Ma'am Cassandra, pinaliguan ko pa po kasi si Cassidy kaya natagalan akong makabalik dito sa kuwarto n'yo." Bakas ang pagkataranta ni Adora habang karga din ang panganay niyang anak.

Parang gusto nang sumabog  utak niya dahil sa sobrang stress na dulot nang pag-aasikaso sa kaniyang mga anak. Unang araw pa lamang ni Ian sa trabaho sa kompanya ng kaniyang ama at the same time ay kumukuha din ang asawa ng kursong business management sa isa sa pinakasikat na business school dito sa Makati. Hindi pa tuluyang nagreresign ang ama pero itinuturo na nito sa asawa ang pangangasiwa sa negosyo. Sa totoo lang masaya siya sa mga nangyayari kay Ian dahil hindi ito habang buhay na magtitiis sa mga trabahong hindi sila kayang buhaying mag-iina. Baka sa luho pa lang niya ay kulang pa ang kikitain ng asawa sa construction company bilang laborer. Kaya lang parang gusto na agad niyang bawiin ang pagpayag at pauwiin na ngayon din ang asawa!

Matalim ang mga tingin na binalingan niya ang katulong lalo na nang mapansing pangit ang suot na damit ni Cassidy. "Ilang beses ko bang sasabihin sayo na huwag mo nang ipapasuot kay Cassidy ang dress na 'yan! Ang pangit, hindi nababagay sa anak ko ang ganyang design. Sinabihan na kitang itapon mo na yan, sino ba naman kasing nagregalo sa anak ko ng ganyang damit walang class!"

" Pasensya na ma'am dahil sa pagmamadali ko kanina, nakalimutan ko. Papalitan ko na lang po ulit,"

" Mamaya mo na palitan ng damit si Cassidy, nakikita mo nang umiiyak si Evan. Huwag kasing tatanga-tanga sa mga instructions ko." Sermon pa rin niya. " Hayaan mo munang maglaro si Cassidy at itong si Evan ang asikasuhin mo." Parang nangangati na ibinigay niya si Evan kay Adora na mabilis na ibinaba si Cassidy at binigyan ng laruan. Hindi niya gawain ang ganito dahil si Ian ang gumagawa ng mga ito. Hindi naman niya maipaubaya lahat sa katulong dahil naranasan niya ang pakiramdam kung paano ang palaging mag-isa at tanging yaya lamang ang kasama palagi.

Bago pa lamang siya hihiga sa kama nang bigla ding umiyak si Cassidy at itinapon ang teddy bear na hawak.

"Shit!" Inis na nilapitan niya ang anak na maging ang buhok ay sinasabunutan na rin. Ganito talaga ito kapag may tantrums. "Cassidy, stop! Gusto mo bang makalbo?!" Parang gusto niyang ipadyak ang mga paa at sabunutan na rin ang sariling buhok dahil sa hindi malamang gagawin kung paano patitigilin ang anak.

" Daddy, daddy," umiiyak pa ring sagot ng anak at gumulong pa sa sahig!

"Adora, alisin mo nga muna dito sa kuwarto si Evan at ibalik mo na lang kapag tumigil na sa kakaiyak! Nakakabingi na ang mga iyak nilang dalawa!"

" Ma'am, san ko po dadalhin?"

" Ang tanga ng tanong mo. Bahala ka ang lawak-lawak ng bahay, tapos namomoroblema ka kung san dadalhin ang anak ko? Lumayas ka sa harapan ko. Baka gusto mong masesante kita!"

Nang makaalis ang natatarantang katulong ay inis na binuhat niya si Cassidy at nagdial sa cellphone upang makipagvideo call kay Ian, upang matigil sa pag-iyak ang anak na kanina pa niya naririnig na bukambibig ng panganay na anak. Marahil hindi rin sanay ang anak na wala ang ama nito. Gaya niyang hindi rin sanay na mag-alaga ng mga anak.

"Pangga, mamaya ka na tumawag-"

"Don't you dare, Ian," nanlilisik ang mga matang putol niya sa iba pang sasabihin ng asawa. Nakita niya sa background na nasa loob ito ng opisina ng ama habang nakaupo sa tapat ng mesa ng ama.. "Kanina ka pa hinahanap nitong anak mo." Iniharap niya ang cellphone sa anak habang karga niya at umiiyak pa rin. Si Evan din hindi ko alam ang gagawin kung paano patitigilin sa pag-iyak."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 12, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

my INNOCENT MAN #watty2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon