CHAPTER TWENTY EIGHT

6.9K 125 4
                                    

CASSANDRA's POV

"Madaammm mabuti dumating-omgggg...what is the meaning of this?!!" tumitiling sabi ni Deo kaya napilitan siyang nagmulat ng mga mata at binato ito ng unan

"You are fucking bullish*t!why are you here?hindi ka ba maalam kumatok?" sigaw niya habang nakahiga pa rin sa kama

"Eh madam palagi naman akong umeenter dito sa room mo,kalurki ka madam hihihi sige babush,wait Kita sa ibaba" makahulugan itong ngumiti sa kanya"hi fafa Ian,di ako nagkamali ang yummy mo talaga pak na pak ang muscles!"sabi pa nito sa asawa niya na naalimpungatan dahil sa kanila.

"Ku-musta?" atubiling sabi nito na nakayakap pa rin sa bewang niya

"Get outttt!!!" sigaw niya sa baklang manager habang mahigpit na nakahawak sa kumot na tumatakip sa kanilang mag-asawa

"Oo na madam wag kang HB!!halika ka na Liezl,sabi ko sayo eh kumatok muna tayo kasi napagod sila sa pagjugjugan hihihi" narinig pa niyang sabi ng papaalis na manager at PA

"Where are you going?" takang tanong niya ng tumayo si Ian at nagbihis ng damit,nag-iwas siya ng tingin at naiilang na makita ang hubad na katawan ng lalaki na kahit alam niyang hindi ito nagpupunta sa gym ay hindi maikakailang maganda ang hubog ng katawan nito

"Shit Cassandra!parang di ka sanay na makakita ng nakahubad na lalaki lalo na kapag Nasa photoshoot ka!" Sita ng utak niya

"May naalala akong gagawin sa ibaba,gusto mong sumama?"sagot nito

" Natural!naghihintay sa ibaba yung mga asungot!"inis na sabi niya dahil nasira ang gising niya

"Ito ang mga damit mo magbihis ka na" iniabot nito ang mga dinampot na damit na nagkalat sa ibabaw ng kama

"Hindi ko na isusuot yan,maliligo ako" itinapis niya ang kumot na parang towel at naglakad patungo sa banyo"Bakit ka nakasunod?"tinaasan niya ito ng isang kilay

"A-ano babantayan Kita habang naliligo Baka madulas ka mahirap na,mabuti na ang nag-iingat" nauutal na paliwanag nito

Napatapik siya sa noo dahil lalong pinag-iinit ang kanyang ulo at sobrang over acting ng lalaki

"Kaya ko ang sarili ko okay?" nagtitimping sagot niya dito

"Pabayaan mo na akong samahan ka,ginagawa ko ito para sa anak natin,halika na" hindi nito pinansin ang pagtutol niya at hinawakan pa siya sa isang braso saka inalalayan papunta sa banyo

"You know what Mr.Valdespina ginagawa mo akong inutil!" reklamo niya ng makapasok sila sa shower area"O!wag mong sabihin sakin na papanoorin mo akong magshower!"nakapamewang na sabi niya ng di ito umaalis sa loob

"Palabas din ako,iabot mo sakin yang kumot para maibalik ko sa kwarto mo,hihintayin Kita dito sa labas ng shower area

" Sige na bilisan mo!"at ng makalabas ito saka niya ibinigay ang kumot na ginamit

"Matagal ka pa ba dyan Cassandra?Baka sipunin ka mahigit kalahating oras ka na yatang naliligo" naulinigan niyang tanong ng lalaki  at nakairap na tumingin sa pintuan na animo ay nakikita niya ang asawa

"Matatapos na!kumuha ka ng bathrobe sa dresser ko at tuwalya"napilitang tapusin ang paliligo kahit ang totoo ay matagal siya sa loob ng banyo

"Cassandra ito na ang hinihingi mo" kumakatok na sabi nito"Mag-ingat ka sa pagkilos dyan sa loob,basa ang sahig"dagdag pa nito ng bahagya niyang ibukas ang pinto at kunin ang bathrobe

"Isuot mo ulit itong tsinelas para di ka malamigan" inilagay nito sa tapat ng pintuan ang hinubad na panloob na sapin

"Tsk,kulit!sinabi ng kaya kong mag-isa" nanggigigil na bulong niya saka isinuot ang tsinelas

"Ipinaghanda na Kita ng isusuot,ito ang pinili ko maginhawa sa katawan" iniabot nito ang isang maternity dress na ginamit niya noong ipinagbubuntis si Cassidy

"Ayoko niyan!gusto kong isuot ang damit mo,dalhin mo dito lahat ng gamit mo ako ang pipili ng gusto ko" utos niya di niya alama Basta mas gusto niyang isuot ang damit nito lalo na ang amoy na para bang ang bango gayong amoy panlaba lang naman at walang kakaiba

"Ito na lang nakakahiya lahat ng damit ko mumurahin tapos karamiha-sige hintayin mo ako sandali kukunin ko sa kwarto namin ni Cassidy" dali-dali itong nagpaalam ng titigan niya ng nakamamatay na tingin kung nakakapatay lang ang tumingin ng masama matagal ng patay ang lalaki

"Susunod din pala!kung anu-ano pa ang sinabi tsk" nagsuot muna siya ng underwear habang Wala ang lalaki

"Mamaya ko dadalhin ang iba,siguro naman may magugustuhan ka dito" dala ang ilang piraso ng mga t-shirt

"Wala na bang iba" maasim ang mukha na sabi niya habang tinitingnan ang hawak nito

"Kakaunti lang ang damit ko, ang naiwan doon ay lumang-luma na,pinili ko itong medyo maayos" nahihiyang sagot nito

"Akina yang kulay red at tumalikod ka" isinuot agad niya ang damit na iniabot nito na nagmukhang dress ng maisuot  dahil sa laki nito,sa taas niyang five feet and six inches ay nagmumukha siyang maliit kapag kasama ang asawa na sa tantiya niya ay six feet ang taas na binagayan ng katamtamang katawan

"Lets go" aya niya

"Sandali lang,lalabas ka ng nakaganyan?" takang tanong nito

"Why may problema ba?" pagtataray niya

"magsuot ka ng short,kitang-kita ang legs mo sa damit ko" pigil nito sa kanya ng palabas na siya

"Sanay ako magsuot ng ganito mas maikli pa ang sinusuot ko dati,wag kang oa Wala namang ibang tao dito sa bahay Sina Deo at Liezl lang naman" iretableng paliwanag niya

"Kahit na bakla ang manager mo, lalaki pa rin yun,sandali ako ang kukuha ng short mo na di masikip iyon kasi ang bilin ni Inay" sabi nito habang naghahanap ng short niya sa dresser

"Napakakulit mo kanina ka pa!ibigay mo na sakin yang kinuha mo, para makababa na tayo" inagaw niya sa kamay ng lalaki ang cotton na short shorts saka nagmamadaling isinuot

"Cassandra wag kang palagi nakasimangot Baka maipaglihi mo sa sama ng loob ang anak natin,sige ka kapag pumangit ang magiging baby mo" lumapit ito at nakangiting hinaplos ang kanyang makinis na mukha ng kamay nitong magaspang palatandaan na mabigat ang naging trabaho ng asawa noon

"Hindi totoo ang sinasabi mo!" inilayo niya ng bahgya ang mukha sa lalaki mula sa pagkakahawak nito

"Paano mo nasabi palagi ka bang nakasimangot noong pinagbubuntis ang panganay nating anak?"tanong nito at muli siyang hinawakan sa mukha.

At parang kahapon lamang nangyari ang mga alaala habang siya ay nagbubuntis noon.Walang araw na hindi siya nakasigaw at sobrang stress dahil kay Sapna at sa anak nito lalo na ng iwan siya ni Alex para sumunod sa Pakistan sa asawa nito

"Pangako,aalagaan ko kayo ng magiging anak natin,kayo ng mga anak natin" naramdaman niya ang pagpahid  ng luha sa mukha gamit ang mga kamay ng asawa,na di namalayang namamalisbis sa kanyang pisngi dahil sa alaalang iyon"wag ka ng umiyak makakasama para sa baby natin" hinalikan nito ang mukha niya na may mga luha pa rin at patuloy sa pag-agos"kung anuman ang mga pinagdaanan mo noong nagbubuntis ka hinding-hindi mo mararanasan ngayon dahil narito ako Cassandra"itinaas nito ang mukha niya upang titigan siya sa mga mata"hinding-hindi ko kayo pababayaan, kahit naiinis ka sakin at sobrang magagalitin mo,pinagpapasensyahan Kita at pilit inuunawa"

Nanatili siyang walang imik habang patuloy ang paghalik sa kanya ng asawa hanggang sa dumako ang mga halik nito sa kanyang nakaawang na labi at nagtagpo iyon.Nakadama siya ng pagkapanatag ng kalooban dahil sa halik na pinagsasaluhan nila

Loveuall::miss A.

Please vote and share

my INNOCENT MAN #watty2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon