Ian's POV
"Hindi mo dapat ginawa kay Loreli iyon,mali ang iniisip mo."mahinahong paliwanag niya kay Cassandra ng makaalis si Loreli.
"Go!try to follow her!totohanin ko ang sinabi ko." sumisigaw na sabi ng asawa sa kanya."And I don't care if you love her,pero pag-aari na Kita ngayon at ang pinakaayoko ay masabihan ako ng publiko na sa ganda kong ito ay ipinagpalit mo ako!nalimutan mo na bang may iniingatan akong pangalan at ayokong masira iyon dahil sayo."
"Anong nangyayari?" nag-aalalang napasugod ang ina niya,karga ang anak nila."Ca-cassandara mabuti dumating ka,kanina pa umiiyak itong anak ninyo ang mabuti pa kargahin mo,hinahanap siguro ang amoy mo."
"Inay,ako na po ang magpapatulog sa anak namin." maagap niyang sabi dahil alam niyang tatanggihan ito ni Cassandra na humihingal pa rin sa galit.
"Uuwi na ako!" sa halip na kuhanin nito ang anak nila ay naglakad na ito palabas ng bahay.
"Cassandra anak,dito ka na matulog malalim na ang gabi para lumuwas ng Maynila." pigil ng kanyang ina.
"Nay hayaan na po natin siya na umalis." bulong niya sa ina pero hindi siya nito pinansin at lumapit kay Cassandra.
"Kung anuman ang nangyari,ako ang may kasalanan anak,ako ang nagpumilit sa asawa mo na kausapin si Loreli,hindi para lokohin ka kundi linawin ang lahat kay Loreli na tapos na ang lahat sa kanila.''nakita niyang naniningkit ang mga mata ni Cassandra sa mga narinig at masama ang tingin na sinulyapan siya.
"Halika ka na tingnan mo itong anak mo kanina pa humihikab pero hindi pa natutulog,ang mabuti pa sumama ka sa akin sa kwarto." hinawakan nito sa isang braso ang asawa at isinama patungo sa kwarto niya na labis niyang ikinagulat."Ian ikaw na ang magsara ng tindahan,sasamahan ko ang mag-ina mo sa kwarto."baling sa kanya ng nanay niya.
"Ho?!opo nay." at mabilis siyang sumunod sa iniutos ng ina para magsara ng tindahan nila.
Nang matapos sa isara ang tindahan pati na din ang kanilang pintuan ay bumalik siya sa loob pero nanatili lang siyang nakaupo sa sala.
"Anak puntahan mo na ang asawa mo sa kwarto,ikukuha ko siya ng pwedeng maisuot na pantulog." untag sa kanya ng ina.
"Inay sana hindi po ninyo pinigilan si Cassandra na umalis,alam nyo naman kung ano ang sitwasyon namin,aawayin lang ako ng asawa ko." problemadong sabi niya.
"Nakakaawa naman kung hahayaan natin siyang umalis." paliwanag nito.
"Pero nay-"
"Puntahan mo na ang mag-ina mo,ito ang tatandaan mo anak kahit gaano pa kasama ng ugali ng napangasawa mo kailangan mo siyang pakitunguhan ng mabuti.Alalahanin mong siya pa rin ang ina ng anak mo,sige na pumasok ka na doon."maawtoridada na utos ng ina sa kanya saka siya iniwan.
Napilitan siyang sumunod sa sinabi ng ina,sa isang banda ay tama ito.Umiiwas lang siya hanggat maaari kay Cassandra dahil sa ugali nito.Atubili siyang sumilip sa kwarto,nakita niyang nakahiga ito katabi ng kanilang anak.Hindi agad siya napansin ng asawa dahil nakatalikod ito sa pintuan.Nakakapagtaka na hindi ito nakipagtalo sa kanyang ina,malayo sa Cassandra na kilala niya.
"Pumasok ka na." napalingon siya ng bumulong ang kanyang ina sa kanyang likuran kaya napilitan na rin siyang pumasok sa loob."Cassandra pwede mo itong suotin na pantulog,hindi ko pa nagagamit ang daster na ito."mahinang sabi nito sa asawa ng lapitan ng kanyang ina.
Tahimik nitong kinuha ang damit na iniabot ng nanay niya at marahang umupo sa higaan.
"O sya Ian,ikaw na ang bahala sa mag-ina mo." paalam nito at iniwan sila."Naalala ko anak pakainin mo ng hapunan ang asawa mo Baka hindi pa siya kunakain."muling sumilip ito sa pintuan saka tuluyang umalis.
"Anong tinatanga-tanga mo dyan!gusto kong kumain." sabi nito sa kanya.
"Halika sumunod ka sakin."sinulayapan muna niya ang natutulog na anak bago lumabas ng kwarto at nagtungo sa kusina nila.
"Pagkain ba 'to?" kunot noong tanong nito habang nakatingin sa inihain niyang kanin at ulam.
"Oo." nagtatakang sagot niya.
"Paa ng manok?kailan pa kinakain ang ganyan at paano kainin?" nandidiring turo nito sa adobong paa ng manok na nasa mangkok.
"Matagal na,adidas ang tawag namin dyan at saka masarap ito tikman mo.''umupo siya sa katabi nito at kumuha ng isang piraso at ipinakita dito kung paano kainin.
"Yuck!no.hindi na ako kakain."tatayo na sana ito ng pigilan niya sa isang kamay.
"Baka sabihin ni inay hindi Kita pinakain ng hapunan nakakahiya especialty niya itong adobong adidas."paliwanag niya.
"Tss,what the heck!adidas?!brand ng sapatos!ang tawag ninyo diyan sa..eww." tukoy nito sa kinakain niya pero muling naupo.
"Subukan mo munang tikman." kumbinsi niya at binigyan ng isang piraso.
"Baka may poison ito!mapapatay Kita." banta pa nito bago tinikman ng kaunti ang ibinigay niya.
Hindi maipinta ang mukha nito habang nginunguya ang ulam.
"Kung hindi mo talaga gusto,kukuha ako ng pwedeng iulam mo sa tindahan,ipagluluto Kita ng corn-"
"Ipaglagay mo ako sa plato ko ng kaunting kanin and this, what did you call it?a-di-das?" utos nito sa kanya habang kinakain ang hawak na isang paa ng manok.
"Baka kabagan ka Cassandra marami ka ng nakakain,hindi ka sanay sa ganitong pagkain." pigil niya dito ng humingi pa ng adobong adidas matapos maubos ang inihain niya kanina.Pero masama lang siya nitong tiningnan kaya wala din siyang nagawa at ikinuha ito sa kawali ng ulam.Di niya akalain na magugustuhan ito ng asawa na kanina ay nandididri pa itong hawakan.
"Where is the bathroom maliligo ako." tanong nito sa kanya,matapos kumain at habang nasa kwarto.
"Bakit malapit sa kitchen ang bathroom ninyo?kung alam ko lang hindi na ako kumain,kadiri.." reklamo nito ng samahan niya.
Napapailing siyang muling bumalik sa kwarto para bantayan ang natutulog nilang anak.
"Where is the towel?" maya-maya ay narinig niyang sigaw ng babae kaya dali-dali siyang kumilos.
"Cassandra ito ang towel."kinatok niya ang pintuan ng cr.
"Ganito ba kayong mahihirap!napakaliit ng banyo,wala ng shower-ahhh.....coakcroch!" sumisigaw nitong sabi at napalabas ng cr na hindi pa nakakapagbihis ng damit at yumakap sa kanya ang basa nitong katawan."Bwis*t!bakit may ipis?"mangiyak-ngiyak na tanong nito habang mahigpit na nakayakap sa kanya.
"Dito ka lang kukunin ko ang damit mo sa cr." sabi niya at kumalas mula sa pagkakayakap nito."Maglagay ka muna ng towel sa katawan baka lumabas si nanay sa kwarto niya."kinuha niya ang hawak nitong tuwalya at itinakip sa katawan na nanginginig pa rin sa takot.
"Are you sure walang ipis dito sa kusina ninyo?" nanginginig pa rin sa takot na tanong nito habang tinitingnan ang paligid.
"Wala.Maupo ka muna dito,kukuhanin ko sandali ang damit mo." sabi niya at nagmamadaling kinuha ang naiwanan na damit.Hindi niya malaman sa sarili kung maaawa o matatawa sa asawa na ubod ng sama ng ugali pero sa ipis pang pala takot.
Sa kwarto na ito nagpatuloy nagbihis habang siya naman ang naligo sa cr.
"Wala ba kayong guest room dito,para doon na ako matutulog"inis na sabi ni Cassandra habang nakahiga ito sa katabi ng anak nila.
Wala kaming guest room." sagot niya habang nagpupunas ng basa niyang buhok.
"Ano ba yan!magsisiksikan pala tayo dito sa napakaliit mong higaan,wala pang aircon." reklamo nito habang nakatingin sa wall fan.
"Anong nakakatawa?at saka wag kang masyadong dumikit sakin mainit." sabi nito ng lumingon sa kanya.
"Natutuwa lang ako para sa anak natin,madalas kasi nagigising siya." sagot niya."Siguro gusto ka niyang kalapit matulog."
"Anong malay niya,eh wala pang alam yan."kontra nito sa sinabi niya.
Loveuall::miss A.
Guys tulungan u naman po ako mapromote ang story ko please share po para mas madami makapagbasa,tnx
BINABASA MO ANG
my INNOCENT MAN #watty2018
General FictionDesperadang kumuha ng bayarang lalaki si Cassandra sa kagustuhang magbuntis, hindi dahil gusto niyang magkaroon ng anak kung 'di makuha ang lalaking kinahuhumalingan. Nagtagumpay ang plano niyang magdalang tao but to her surprise hindi niya ang nak...