CHAPTER SIX;::

7.6K 133 3
                                    

Ian's POV

Nang mapansin niyang nakatulog na ang babae ay nagpasya siyang magbihis.Binuhat niya ang malambot na katawan nito at dinala niya sa kwarto.Medyo nahirapan siyang makarating dahil walang ilaw dito, pero nagawa niyang maihiga ito ng maayos sa kama.Nilagyan niya ng kumot ang hubad na katawan ng babae.

Napapailing siya habang pinagmamasdan ang mukha ng babae na animo ay nakikita niya ito,pero Hindi naman.Hindi na din siya nag-abalang buksan pa ang ilaw upang masilayan ang tunay na itsura nito.

Huminga siya ng malalim ng maalala ang lahat,napakabilis ng pangyayari kanina lang ay nagbibiyahe siya paluwas ng Maynila at sa isang iglap nangyari ang lahat ng Ito. Hindi niya pinangarap ang ganito,gusto niya na ang tanging makakasiping ay ang taong mahal niya.Hindi niya magawang magalit sa babae dahil kung Hindi siya nangangailangan ng pera ay tiyak na wala siya sa ganitong sitwasyon.

Tatayo na sana siya ng bigla siyang yakapin ng babae at ikinagulat niya na may binanggit itong pangalan pero di niya naintindihan.

"Don't leave me please." Saad nito na kung di siya nagkakamali ay umiiyak ang babae.

Napagkamalan siguro siyang boyfriend nito.Pero kung mayroon itong boyfriend,bakit Hindi na lamang ito magpakasal ng sa gayon ay magkakaroon ito ng mga anak.Pumasok sa isip niya na baka baog ang boyfriend nito.

Iniisip niya ngayon pa lamang,paano kung magbunga ang pagtatalik nila na ito naman talaga ang kagustuhan ng babae.Tiyak na Hindi siya papayagan ng babae na makita ang magiging anak nila,Kaya nga siya nito babayaran.Pinilit niyang iwaksi ang posibilidad na nangyayari sa hina harap,saka na niya iisipin iyon.

Tinangka niyang alisin ang mga kamay nito na nakapulupot sa kanyang leeg.Pero di niya nagawa dahil lalo pa nitong hinigpitan ang pagkakayakap.

"Uhhmm...dito ka lang." Mahinang sabi ng babae.

Wala siyang nagawa kundi ang mahiga sa katabi nito habang yakap siya ng babae.Nararamdaman niyang mahal na mahal nito ang lalaking tinutukoy.Napakasuwerte ng taong iyon dahil mayroon ditong nagmamahal katulad ng babae.Hindi niya namalayan na nakatulog na din siya ng mga Sandaling iyon.

____

Nagising siyang wala na ang babae sa tabi niya.Napansin niyang may nakatupi na isang papel sa kama.

"I don't care kahit saan ka pumunta,bumalik ka dito mamayang gabi."ayon sa sulat ng babae.

Hanggang sa sulat ay napakaarogante nito at napailing siya.

Nagtungo siya sa banyo at mabilis na naligo.Huli na ng naisip niya na wala siyang dalang damit ng may makita siyang nakapatong sa side table na isang polo shirt at maong pants.Inisip niyang baka sinadya iyon ng babae na bilhan siya ng damit na pampalit.Matapos makapagbihis ay agad siyang lumabas ng kwarto.

Nagtaka siya ng may makita siyang dalawang lalaki nakatayo sa labas ng pintuan.Nagtataka man ay nagpatuloy siya sa paglalakad patungo sa elevator.

"Sir ipinagbilin ka po sa amin ni madam." Sabi sa kanya ng isang lalaki na nahinuha niyang security guard.

Napansin kasi niya na sumunod ang mga ito sa kanya ng pumasok siya sa elevator.

Itatanong pa sana niya kung sino ang tinutukoy nitong madam ng maalala niyang ang babae lamang ang maaaring gumawa nito.Pinababantayan siya nito dahil baka di na siya bumalik.

"Ibang klase,sigurista..ano ba itong napasukan ko?" Wika niya sa sarili at nanatiling tahimik sa loob ng elevator.

"Sir,dito po tayo." Sabi naman ng isa at nagtungo sila sa parking area.

Ipinagbukas pa siya ng isang lalaki ng kotse habang ang isa naman ay binuhay na ang makita ng sasakyan.

"Sir,saan po tayo?" Magalang na tanong sa kanya ng driver.

"Sa Batangas po manong."sagot niya.

Nang makarating sa ospital ay pinigilan niya ang dalawang kasama niya na sumama sa kanya sa loob.Hindi siya sanay ng may sumusunod sa kanya.

" Sir, pasensya ka na pero kami ang mawawalan ng trabaho kapag di namin sinunod ang mahigpit na bilin ni madam na wag kayong pabayaan na mawala sa paningin namin."mahabang paliwanag sa kanya ng isa sa mga nagbabantay sa kanya.

Wala siyang nagawa kundi ang maawa sa mga ito,naiintindihan niyang ginagawa lamang nila ang trabaho.

"Sige,pero hanggang doon lang kayo sa labas ng kwarto ng nanay ko." Sagot niya.

Tumango ang mga ito at sumunod na sa kanya papasok ng ospital.

"Kuya,bakit ngayon ka lang?" Bungad agad sa kanya ng kapatid na naabutan niyang kumakain prutas.

"Di ba sinabi ko sayo kahapon na may aasikasuhin ako." Sagot niya sa kapatid. "Kumusta na si Inay?" Tanong niya.

"Tulad pa din ng dati kuya Hindi pa nagkakamalay." Malungkot na sagot ng kapatid.

"Ay,ngapala kuya galing dito si Tito Tony kanina, eto ngat nagdala pa ng prutas." Kwento ng kapatid.

Saka lamang niya naalala ang pera na iniwan ng babae kasama ng sulat.

"Wow,kuya saan nangagaling yan?andami niyan ah." Nanlalaki ang mga mayang puna ni Liit ng kuhanin niya sa bulsa ang pera.

"Kuhanin mo ito,para kapag may kailangan dito ay mayroon kang hawak na pera." Sabay abot sa kapatid ng ilang lilibuhin.

"Kuya,aalis ka ulit?" Takang tanong ng kapatid sa kanya.

"Oo,may nakuha kasi akong trabaho kaya baka bukas na ako makakabalik."pagsisinungaling niya dito.

" Sige kuya mag-iingat ka,ako ng bahala dito Kay Inay. "Wika ng kapatid.

"Kailangan ko ng umalis,uuwi pa ako sa bahay."maya-maya ay paalam niya sa kapatid.

Bago umuwi sa bahay nila ay dumaan muna siya sa grocery at bumili ng pagkain para sa dalawa pa niyang kapatid.

" kuya,andami naman nito,para sa atin ba ang lahat ng ito?."tuwang-tuwa na bulalas ng kapatid niyang si totoy.

"Oo,sige kumain na kayo dyan."nakangiting sagot niya sa mga kapatid.

Kapag nakikita niya kung gaano kasaya ang mga kapatid niya ay nawawala ang bigat na nararamdaman niya.Basta kung para sa pamilya niya lahat ay kaya niyang gawin.

Loveuall;: miss A.

Please visit my page;:: ASSUMER21 miss A. World

my INNOCENT MAN #watty2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon