CHAPTER FIFTEEN;::

6.7K 125 13
                                    

Ian's POV

"Ngayon ko lang nalaman na mayroon ka palang nerbyos,kanina ko pa napapansin na maya't-maya ang pagpunas mo dyan sa mukha mo." bulong ng kanyang best man na si Boyet.

"Sino ba naman ang hindi mag-aalala,kalahating oras na yata siyang late

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Sino ba naman ang hindi mag-aalala,kalahating oras na yata siyang late.Kapag di siya dumating hindi ko na makikita ang anak ko at alam mo iyon Boyet." mahinang paliwanag niya sa kaibigan.

"Alam mo naman ang mga babae matagal mag-ayos,kaya pare relax ka lang dyan." sabay tapik sa isang balikat niya.

Iginala niya ang paningin at nakita niya ang reaksyon ng mga bisita ang pagkabagot.Hindi niya kilala ang lahat ng naroon, tanging ang kanyng pamilya lamang at si Boyet ang bisita na kaniyang kilala.Hindi rin maitago ang pagkainip sa mukha ng ama ng pakakasalan niya dahil sa madalas na pagtingin nito sa orasang pambisig.

"Ayan na siguro pare nag-umpisa ng tumugtog ang piano at yung mga abay tinatawag,teka lang tinatawag na ako nung organizer." natatarantang paalam ng kaibigan.

Lalo siyang pinagpawisan,nadagdagan pa ng biglaang pagkabog ng dibdib niya.Tumikhim siya upang mabawasan ang nerbyos na nararamdaman at bahagya din niyang inayos ang suot na tuxedo kahit hindi naman talaga magulo.

Nag-umpisa ng maglakad sa isle ang lahat ng abay kasama ang tatlo niyang kapatid at si Boyet,matapos  magmartsa ang lahat pati ang mga  ninong at ninang na pawang di niya kilala lahat.

Nagsimulang pumailanlang sa kanilang pandinig ang panibagong awitin na tinutugtog sa piano ng isang kilalang pianista ayon kay Liit.

"Ayii....kuya....Perpect ang title a kinanta ni Ed Sheeran..nakakakilig..." hindi nakatiis na bigkas ni Liit na nasa may di kalayuan.

Sinenyasan niya itong wag maingay,pero hindi na siya pinansin ng kapatid,nakita niyang biglang natuon ang atensyon nito at ng lahat, sa entrance ng venue.Kunot-noo siyang sinundan ang tiningnan ng mga bisita.

May isang babae na nakasuot ng eleganteng damit pangkasal,kahit hindi niya nakikita ang mukha nito dahil nakatakip ng veil,para itong dyosa na mabagal na naglalakad sa gitna ng isle.Hindi siya kumukurap habang pinagmamasdan ang papalapit na bride sa kinaroroonan niya kasama ang ama nito.

"Man,my only daughter, CASSANDRA LETICIA BROOKS,I'll expect you to take care and love her." at iniabot ng matanda ang kamay ng babae sa kanya na agad din niyang hinawakan.

"Yes Sir James." bahagya pa siyang yumuko dito.

Sa kauna-unahang pagkakataon at ngumiti ito sa kanya."From now on tawagin mo na akong daddy,you are my son."tinapik siya nito sa balikat

my INNOCENT MAN #watty2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon