MADAM or CASSANDRA'S POV
"Kami na ang bahala sa apo namin." nakangiting sabi ng mommy niya habang hinahalikan ang anak nila ng napangasawa.
"Hijo ikaw na ang bahala sa asawa mo,kasama sa wedding gift namin ang honeymoon ninyo."tinapik pa nito sa isang balikat ang lalaki.
"Dad,we don't need this kind of arrgh.." hindi niya magawang bigkasin ang salitang honeymoon,isipin pa lamang niya na makakasama na naman ang lalaking ito ay nanayo na ang mga balahibo niya sa pandidiri.
"Mam pwede po bang mahawakan ko muna ang anak ko?" wika ng lalaki.
"Mommy..Hijo,masanay ka na tawagin ako ng mommy.Marunong ka ba magbuhat ng baby?" nakangiting tanong nito.
"Hindi pa po mo-mommy,di bale pag-aaralan ko po pagbalik namin titingnan ko na lang muna siya ngayon." nahihiyang sagot nito.
"Siya si baby Cassidy,sayo pala hijo namana ng apo namin ang ilong niya." Puna ng mommy niya.
Nakataas ang isang kilay niya habang pinagmamasdan ang lalaki habang tinitigan ang anak nila at hinawakan ang munting kamay nito.
"Hello anak ako ang papa mo ang cute cute mo alam mo ba yon anak."tuwang-tuwa na sabi nito na akala mo ay naiintindihan ng sanggol.
"Anak napakagandang sanggol ng apo ko."nakita niyang lumapit din ng husto ang nanay ng lalaki na nabundol niya noon,pero hindi siya humingi ng tawad dito dahil binayaran niya ang kalahati sa nagastos nito sa hospital,kaya wala siyang dapat ikahiya o ipag-alala.
"Mas malaki ang pagkakahawig namin ng apo ko,tingnan ninyo magkapareho kami ng mga mata at lips." may pagmamalaki na sabi ng daddy niya na ikinataas lalo ng kilay niya.
"Let's go malelate na tayo sa flight papuntang Palawan.''hayag niya saka naglakad patungo sa sasakyan na naghihintay sa kanila upang maghatid sa airport.
"Walang modo talaga iyang anak mo,hindi man lang nagpaalam sa atin o kahit dito sa anak niya." naulinigan pa niyang sabi ng ama niya pero wala siyang pakialam at naupo ng maayos sa loob ng sasakyan.Ipinikit niya ang mga mata upang maidlip,kanina pa siya nahihilo dahil sa alak na ininom bago ang kanyang kasal.
________
"Sa-saan ka pupunta?Malalim na ang gabi magpahinga ka na lang muna." napalingon siya sa sinabi ng lalaki.
Nilingon niya ito."Mr.Valdespina wag kang assuming hindi porke kasal na tayo ay may karapatan ka ng pigilan ako sa mga gusto kong gawin."
"Ang sa akin lang naman mukhang pagod na ang itsura mo." paliwanag nito.
Inirapan niya ito at nagpatuloy sa paglalakad palabas ng hotel suite.Nang makalabas siya ng hotel ay agad siyang naghanap ng bar at doon itinuloy ang naudlot na paglalasing kanina bago ang kasal.
Hindi na niya namalayan kung gaano na siya katagal sa loob ng bar at walang tigil sa sunod-sunod na pagtungga sa bote ng alak.
"Alex babe,I'm still love you.Ano bang kulang sakin babe,lahat handa kong gawin para sayo." umiiyak na sabi niya habang nakayuko sa mesa hawak sa isang kamay ang bote ng alak.
"Nagawa ko lang naman ang magpabuntis sa iba dahil Mahal na Mahal Kita babe.Sana marealized mo na ako ang babaeng karapat-dapat sayo at hindi si Sapna." patuloy niya sa pagitan ng kanyang pagtangis.
"Give me another bottle of liquor!"pasigaw na utos niya sa bartender.
" Mam what kind of liquor ?"tanong nito.
"Whatever!just make sure malalasing ako." sigaw pa niya.
"Cassandra?''nag-angat siya ng makilala ang tinig ng lalaking tumawag sa pangalan niya.
"Alex?!" parang nawala ang kalasingan niya ng makita itong nakatayo sa harapan niya.Tumayo agad siya kahit nahihilo upang sugurin ito ng yakap.
"Dahan-dahan."mabilis siyang hinawakan ni Alex sa kanyang kamay upang mapigilan ang tuluyang pagtumba niya.
" Babe,sabi ko na nga ba hindi mo ako matitiis."umiiyak na namang sabi niya,kanina lamang ay iniisip niya ang lalaki pero ngayon heto, nahahawakan at nakakausap ito.
Lumayo siya ng bahagya dito at hinaplos ang mukha ni Alex."Ikaw lang ang Mahal ko babe and thank you coz your here."patuloy sa pagpatak ang mga luha niya at hinalikan niya ito sa labi ng may pananabik.
Walang pag-aalinlangang gumanti rin ito ng halik sa kanya at kapwa sila walang pakialam sa mga taong nasa loob ng bar na iyo.Ang mahalaga ay maipadama nila sa bawat isa ang labis na pagkasabik.Hindi na niya namalayan kung paano sila nakarating sa isang silid at buong puso na nagpaubaya sa taong pinakamamahal niya.Walang pagsidlan ang kaligayahang nadarama niya ng mga sandaling iyon.
Loveuall::miss A.
Please vote and share....
BINABASA MO ANG
my INNOCENT MAN #watty2018
Ficción GeneralDesperadang kumuha ng bayarang lalaki si Cassandra sa kagustuhang magbuntis, hindi dahil gusto niyang magkaroon ng anak kung 'di makuha ang lalaking kinahuhumalingan. Nagtagumpay ang plano niyang magdalang tao but to her surprise hindi niya ang nak...