CHAPTER TWENTY ONE::

6.2K 106 3
                                    

CHAPTER TWENTY ONE::

Ian's POV

"Anak!naku ang apo ko,dito akina na muna,kakarkagahin ko." tuwang-tuwa na kinuha ng ina si baby Cassidy.

"Kuya ang taba na niya tapos ang cute cute.."puna ni Liit ng makita ang anak niya.

"Liit wag mong hawakan sa kamay kasi isinusubo ni baby ang kamay niya." saway niya sa kapatid.

"Anak bakit naman ngayon lang kayo bumisita ng apo ko?"tanong nito habang hinahalikan ang anak.

"Nay sa damit po ninyo halikan o di kaya sa paa,Baka magkarashes ang mukha ng anak ko." maagap niyang sabi sa ina.

"Kuya  ang selan mo po!" nakasimangot na Puna ni Liit.

"Liit tama ang kuya mo,hindi ko lang mapigilan kasi naman ang nakakagigil ang apo ko!anak ilang buwan na ito?"tanong pa nito.

"Anim na buwan po inay." maikling sagot niya.

"Eh di kuya anim na buwan ka na ring nagtitiis sa asawa mo!" parang inis na pahayag ng kapatid.

"Liit!wag kang magsalita ng ganyan!" saway ng kanyang ina.

"Sorry kuya." sabi ni Liit."Kuya pabalik din ba kayo ngayon sa Maynila?"Pag-iiba nito.

"Ayos lang Liit totoo naman." pagak siyang tumawa."Nagtitiis lang ako para sa anak ko."dagdag pa niya."Balak kong bukas na kami bumalik ng Maynila."

"Liit pauwiin mo ang mga kapatid mo naroon sa bahay nina Loreli." utos nito sa kapatid.

"Opp nay,alam mo kuya kung siguro si ate Loreli ang napangasawa mo Baka masaya kayo ngayon."wika ng kapatid.

"Ikaw talagang bata ka!puntahan mo na ang mga kapatid mo." kunway galit na sabi ng ina at nagtatakbo itong palabas ng bahay.

"Anak halika,dito muna tayo sa sala maupo,wala pa namang bumibili dito sa tindahan."sumunod siya sa ina at naupo sa katapat na upuan nito.

"Ian kumusta naman kayo ng asawa mo?" tanong nito habang nilalaro ang anak niya.

"Wala naman po nay pagbabago Gaya pa rin ng dati,sanay na nga po ako sa ugali niya." idinaan na lamang niya sa pagtawa ang mga sinabi at patamad na sumandal sa upuan.

"Kailangan mong magtiis anak para sa anak mo at isa pa mabait naman pala ang mga balae ko,akala ko noong una hindi kayo magkakasundo ng tatay ni Cassandra." napapangiting sabi nito.

"Ako na nga po ang nahihiya nay,ayaw nila akong magtrabaho dahil walang mag-aasikaso sa anak namin.Lahat ng pangangailangan sa bahay sa kanila nanggagaling,ipinagbukas nila ako ng account sa bangko nay.Nakakahiya yung bahay na tinitirhan namin sila ang bumili,lahat ng gastos sa kasal ko sila din ang sumagot,regalo daw nila ang mga iyon."saka siya huminga ng malalim."Kapag nagtrabaho naman ako,walang mag-aalaga sa anak namin."

"Naiintindihan ko ang saloobin mo anak,syempre ikaw ang lalaki at Padre de pamilya,pero naiintindihan ko ang mga biyanan mo,hindi nila magawang mapasunod ang anak nila kaya ikaw ang inaasahan nilang gagawa na dapat ay asawa mo ang may responsibilidad."paliwanag ng ina.

"Kung di dahil sa anak ko nay hindi ako magtitiis ng ganito,kaya lang po inay hindi na ako nakapagbibigay sa inyo ng pera,nahihiya akong bawasan ang perang ibinigay nila para ibigay sa inyo."pahayag niya.

"Tama Ian,dahil bilang magulang isasakripisyo mo ang lahat para sa anak mo.At isa pa wag mo kaming alalahanin napagkakasya ko ang kinikita sa mga panggastos araw-araw ang kinikita sa tindahan."nakangiting sagot nito."Nakatulog na ang apo ko,napagod siguro sa biyahe teka dadalhin ko muna sa kwarto namin."

"Sige po nay,pupuntahan ko si Boyet sa bahay nila." paalam niya at lumabas ng bahay.

"Pare long time no see.."sinalubong siya ng kaibigan na nagbibigay ng pagkain sa mga alagang manok.

"Kumusta?ngayon lang ako nakauwi dito sa atin." wika niya at naupo sa upuang kahoy sa labas ng bahay ng mga ito.

"Ikaw ang kumusta pare,kumusta ang pagiging tatay,kasama mo ba ang anak mo?" tanong nito

"Oo nasa bahay natutulog at oo masaya maging ama Boyet." nakangiting sagot niya"Ikaw doon ka pa din ba sa dati nagtatrabaho?" tanong niya sa kaibigan na itinuloy ang ginagawa.

"Kakatapos lang namin pare,pero may bago kaming gagawing bahay sa San Juan." sagot nito."Pare maiba ako,nagkausap na ba kayo nung ex mo si Loreli?"

"Hindi na simula ng magbreak kami,pero ilang beses siyang nagtangka na makipag-usap sakin ako na  ang umiwas."sagot niya.

"Hindi ko alam kung nabanggit na sayo ng nanay mo,pero ng ikasal ka siguro mga dalawang linggo pa ang lumipas isinugod si Loreli sa ospital pare."sabi nito.

"anong nangyari dahil ba sa sakit?" nag-aalalang tanong niya.

"Hindi sakit Ian,ala eh naglaslas ng pulso!buti na lang naagapan na maisugod sa ospital." sagot nito na dahilan upang lalo siyang maawa sa ex girlfriend."Pare mahal na mahal ka talaga ni Loreli,siguro hanggang ngayon hindi pa rin siya nakakamove on."

Tanging buntong hininga ang nagawa niya sa mga nalaman mula sa kaibigan.Hindi niya akalaing magagawa iyon ni Loreli dahil sa sobrang pagmamahal sa kanya.

_______

"Anak nariyan sa sala si Loreli,nakikiusap kung maaari ka daw bang makausap kahit sandali." sabi ng nanay niya ng pumasok sa kwarto niya.

Huminga siya ng malalim bago nagsalita."Inay wala naman kaming dapat na pag-usapan,pakisabi na nagpapatulog ako sa anak ko."sagot niya habang pinapainom ng gatas ang anak.

"Ako na muna ang bahala sa apo ko,pagbigyan mo na si Loreli anak hindi ko naman sinasabing balikan mo siya ang akin lang eh maipaunawa mo sa kanya na hindi na pwedeng ibalik sa inyo ang lahat." pakiusap ng ina kaya napilitan siyang lumabas ng kwarto upang puntahan ang babae.

"Be-be ko." tumayo agad si Loreli ng makita siyang papalapit.

"Gu-gusto mo daw akong makausap Loreli." sabi niya at naupo sa katapat nito.

"Kumusta ka na?" tanong nito muling naupo.

"Mabuti ikaw kumusta ka na?" tanong niya pero hindi na nito kailangang dumagot dahil ng pagmasdan niya ang babae ay malaki ang ibinagsak ng katawan nito,humpak na mga pisngi at nanlalalim ang mga mata.

"Heto pilit na kinakalimutan ka." bahagya itong ngumiti."ka-kahit mahi-rap,piit kong kinakaya."at tuluyan ng bumagsak ang mga luhang kanina pa nito pinipigilan.

Awang-awa siya sa dating nobya na walang ibang ginawa kundi ang mahalin siya.Bakas sa itsura nito ang labis na paghihirap ng damdamin.

"Ian,bebe ko pwede ba kitang mayakap kahit ngayon lang."patuloy ang pagdaloy ng mga luha sa pisngi nito at agad na lumapit upamg yakapin siya."Mahal na mahal pa rin kita hanggang ngayon,pero wala akong magawa para mabawi ka sa napangasawa mo,dahil alam kong mas matimbang ang anak mo kesa sakin."

"Loreli darating ang panahon na makakalimutan mo rin ako at humihingi ako ng tawad sayo dahil iniwan kita." awang-awa na paliwanag niya dito.

"Napakatagal naman Ian na makalimutan kita,ang sakit sakit na kasi sa tuwing naalala ko na wala ng pag-asa na bumalik ka sakin.Hirap na hirap na ako lalo na kapag naiisip ko na ang babaeng iniidilo ko ay ang babaeng pinakasalan mo at nagkaroon kayo ng anak." humahagulhol sa pag-iyak na sabi ni Loreli habang mahigpit sa kanyang nakayakap.

"Well,well what a nice view?!"dahilan upang maglayo sila ni Loreli ng may nagsalita at nakita niya ang nakasandal na asawa sa pintuan.

" Cassandra mali ang inisip mo-."paliwanag niya sa bagong dating.

"I don't need your fucking explanation!." malakas na sabi nito sa kanya."And you b*tch!"baling nito kay Loreli."He is one of my property now,so back off a wh*re!galit na galit na idinuro nito si Loreli at hinila palabas ng bahay."Wag kang magtatangkang pigilan ako!kung ayaw mo na hindi makita ang anak ko kahit kelan!"ng pipigilan sana niya ito sa ginagawa kay Loreli.

Loveuall;;miss A.

my INNOCENT MAN #watty2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon