Ian's POV
"Inay,may pasalubong po Kami sa inyo." masayang bungad in Loreli sa loob ng bahay nila.
"Ate ano po yan?" tanong agad ni totoy sa kasama niya.
"Sandali,dito tayo sa mesa,Liit pakikuha ng isang pinggan."utos into sa kapatid niya.
"Sige po ate Loreli." excited na sabi in Liit.
Iniwan niya ang mga ito at nagtungo siya sa tindahan.
"Inay,Mano po."kinuha niya ang isang kamay ng ina.
" Kaawaan ka ng Diyos anak,mukhang pinagkakaguluhan ng mga kapatid mo ang dalang pasalubong in Loreli."napapatawang Puna ng ina.
"Opo Inay,naroon sila sa kusina."pilit ang ngiti na sagot niya at naupo sa katabi ng ina.
" May problema ba anak?"kunot-noong tanong ng ina at hinawakan siya sa isang balikat.
Huminga siya ng malalim bago sinagot ang tanong nito.
"Inay,nakita ko po siya at nabuhay muli ang galit sa dibdib ko sa kanya." nakakuyom ang mga kamaong pahayag niya.
"Teka anak Ian,hindi ko maintindihan,sino ba ang tinutukoy mo?ang tatay mo ba?pabayaan na natin siya anak."sabay hagod sa likod niya.
"Hindi po siya Inay." umiiling na sagot niya dito.
"Sino?wala naman akong alam na kaaway mo." nagtatakang sabi nito sa kanya.
"Inay,nakita ko po kanina ang babae na muntik ng maging dahilan ng- pagkawala-ninyo."nahihirapang sagot niya.
Rumehistro ang matinding pagkagulat sa mukha ng kanyang ina.
"Anak,Kung ako ang tatanungin mo tungkol sa bagay na iyan.Tama ang sinabi niya na ako naman talaga ang may kasalanan,lasing ako noon."maya-maya ay paliwanag nito." At isa pa anak,Kung Hindi dahil sa nangyari Hindi ako matatauhan mula sa mga pinaggagawa ko noon."dagdag pa nito.
"Ibig sabihin po ba nay,magpasalamat pa tayo sa kanya dahil binundol kayo ng babaeng iyo?" naguguluhang tanong niya.
"Hindi naman sa ganoon anak,siya lamang ang naging kasangkapan para matauhan ako."
Napabuntong hininga siya ng tumingin sa ina." Pero inay,may kasalanan pa din siya dahil ang babaeng iyon ang nagging dahilan Kung bakit-kung bakit ako-"hindi niya maituloy-tuloy ang gustong iparating sa ina dahil wala itong alam Kung ano ba talaga ang ikinagagalit niya.Kung Hindi kasi naaksidente ang ina ay Hindi niya kailangan magpakababa ng pagkatao niya para sa pera.
"Anong ibig mong sabihin anak?" nagtatakang tanong nito sa kanya.
"Inay,tikman po ninyo itong kinain namin ni Ian kanina."masiglang sabi ni Loreli na kadarating lamang.
"Salamat nag-abala ka pa." sabi ng ina at kinuha ang ibinigay ng nobya niya."Masarap ito ah,Anong tawag dito anak?"tanong nito habang may laman ang bibig at pinagpapasalamat niya dahil nakalimutan na nito ang itinatanong kanina.
"Shawarma po inay." nakangiting sagot ni Loreli.
"Ikaw na ang maupo dito sa tabi ni inay." sabi niya at agad na tumayo.
"Hindi na bebe ko kailangan ko na ding umuwi,malamang kanina pa ako hinihintay ni mama."sabi nito.
" Ganoon ba,halika na ihahatid na Kita pauwi."sagot niya.
"Inay,uuwi na po muna ako,kailangan ko po kasing tulungan magluto si mama ng hapunan may bisita po kaming paparating mamaya."wika nito sa ina.
" Sige anak,salamat ulit dito sa pasalubong mo."tugon ng ina.
"Walang anuman po,sige po tuloy na po Kami."nakangiting sabi ng nobya.
"Nag,ihahatid ko po muna si Loreli." paalam din niya sa ina.
"Sige anak."mabilis na sagot nito.
" Halika na."pag-yayaya niya sa nobya at magkahawak-kamay silang lumabas ng bahay.
"Napakasweet naman ng bebe ko,ayon lang naman ang bahay namin talagang ihahatid pa ako."nakangiting turo nito sa bahay ng nobya.
" Dapat lang naman na ihatid Kita dahil ako ang boyfriend mo."paliwanag niya.
"Sige na po bebe ko,pinapatunayan mo lang talaga sa akin na Mahal na Mahal na mahal mo ako." nakangusong wika nito.
Napatawa siya sa kakulitan ng nobya.
"Ayan masaya ka na ulit,di tulad kanina para kang nalugi." nakangiti pa ding sabi ni Loreli.
"Pumasok na tayo sa loob." naiiling na sabi niya.
Nang maihatid niya sa loob ng bahay ang girlfriend ay agad din siyang nagpaalam sa magulang nito.Masasabi niyang maayos ang realasyon nila ni Loreli,pareho ang mga pamilya nila ay sang-ayon at masaya para sa kanilang dalawa.
"Inay,kanino pong sasakyan yung nasa tapat ng bahay natin?costumer-"hindi na niya naituloy ang iba pang sasabihin ng mapansin niyang may dalawang matanda na nakaupo sa sala nila kaharap ang kanyang ina.
"Anak,mabuti at narito ka na,ikaw ang hinahanap nila." tugon ni ina.
"Ma-magandang hapon po."gulat na sabi niya at naupo sa katabi ng inay niya." Ano pong maipaglilingkod ko sa inyo?"
"Ikaw ba si Ian Harvey Valdespina?" may diin sa pagbanggit ng pangalan niya.
"Yes sir." sagot niya habang nakatingin sa kaharap niya.
Halatang mayaman ang mga ito base na din sa pananamit at hula niya ay pag-aari ng di inaasahang bisita ang kotse na nasa labas ng bahay nila.
"Im James and this is Elena she is my wife." pakilala ng lalaki sa kanila.
"May sadya daw po kayo sa akin,nakakahiya mang aminin pero Hindi ko po kayo kilala."nag-aalalangan na sabi niya sa mag-asawa.
" We are the same Mr.Valdespina,ngayon ka lang din namin nakita.Pumarito Kami upang sabihin sayo na pakasalan mo ang anak namin sa ayaw at sa gusto mo."seryosong pahayag ng matandang lalaki na labis niyang ikinagulat lalo na ng kanyang ina.
"Ian,anong sinasabi nila?anong pakasalan?si Loreli ang nobya mo hindi ba?" naguguluhang tanong nito sa kanya.
Naguguluhan siyang tumingin sa ina at muling tumingin sa mga bisita na parehong seryoso ang ekspresyon ng mukha.
"Sir,mam baka po nagkakamali kayo ng taong hinahanap,Baka po kapangalan ko lang ang taong iyon." sagot niya sa mga ito.
"Hindi ako maaring magkamali Mr.Valdespina."may kinuha ito sa may likuran at agad na tinutukan siya ng baril." Kung hindi mo pakakasalan ang anak ko dito ka sa baril ko makipag-usap."nanlilisik ang mga matang pagbabanta nito sa kanya at sa tingin niya ay seryoso ito sa mga sinabi.
Loveuall:;;:miss A.
Please subscribe to my YouTube channel: assumer21
Please vote and share
BINABASA MO ANG
my INNOCENT MAN #watty2018
Fiksi UmumDesperadang kumuha ng bayarang lalaki si Cassandra sa kagustuhang magbuntis, hindi dahil gusto niyang magkaroon ng anak kung 'di makuha ang lalaking kinahuhumalingan. Nagtagumpay ang plano niyang magdalang tao but to her surprise hindi niya ang nak...