CASSANDRA's/MADAM's POV
"Aanhin mo itong ipinabili mong paa ng manok?" tanong ng asawa habang inihahanda ang mga lulutuin.
Tumigil siya sa paghakbang patungo sa cr at nilingon ang lalaki."Magluto ka ng kakainin ko ngayon at itabi mo ang matitira."at muling nagpatuloy sa paglalakad."Hey itigil mo muna yan,tingnan mo Kung may ipis dito bago ako gimamit ng banyo ninyo."
Magmula ng makakita siya kagabi ng ipis,bago siya gumamit ng cr ay pinatitingnan muna niya kay Ian mabuti na ang sigurado.
"Okay na tiningnan ko walang ipis,pwede ka ng pumasok."at lumabas na ito doon.
Napakaliit ng banyo nila,may maliit na toilet bowl,tig isang timba at tabo.Hindi rin tiles ang sahig kaya maitim na ang semento dahil sa kalumaan nito.Wala lang siyang mapagpilian kesa naman sa labas siya magbanyo.Hindi rin maayos ang pintuan na tanging kurtina lang ang tumatakip kaya kapag humangin ng malakas ay makikita na ang nasa loob.
"I forgot my toilet paper,kuhanin mo sa kwarto nasa bag ko." utos niya sa asawa na alam niyang nasa may di kalayuan.Isa pa sa nakakakapandiri ang banyo ay katabi ng kusina sa halip sa kwarto ito nakalagay.
"Cassandra Hindi ko alam Kung paano pero nakita ko ngayon lang pinaglalaruan ni totoy doon sa labas ng bahay yung tissue paper." sabi ng asawa.
"What the-"
"Ibibili Kita sandali sa tindahan ni Tony walang tinda si nanay ng tissue,mabilis lang ako." narinig niya ang yabag nito palayo.
Marahas siyang napabuga ng hangin."Pakialamerong bata!"inis na sabi niya at walang nagawa kundi ang maghintay kay Ian.
.
.
.
.
.
"Ate Cassandra paborito mo po pala ang Adidas." puna ni len-len sa kanya habang kumakain silang magkakasabay ng tanghalian."No.this is not my favorite food." mabikis niyang sagot habang hawak ng isang kamay ang paa ng manok.
"Ahh..akala ko po kase paborito mo parang sarap na sarap ka tapos di ka kumakain ng kainin,pinapapak mo lang yan." nakatawang sabi ng bata.
"Akala ko din po ate Cassandra paborito mo ang adidas di mo kinakain itong ibang ulam na niluto ni kuya." sabat ni Totoy ang nakialam sa gamit niya pero humingi na ito ng sorry.Kung di lang siya nahihiya sa nanay nito nabulyawan na niya ang bata kanina.
"Len-len,totoy kumain na lang kayo wag ng maraming tanong.''narinig niyang saway ni Ian sa mga kapatid na nakaupo sa katabi niya.
"Ikuha mo pa ako ng kinakain ko." utos niya dito ng maubos ang nasa Plato niya.
"Inilagay ko na lahat sa pinggan mo kaya wala na sa kawali." nakabusangot siyang lumingon sa lalaki."Kasi akala ko kasya na sayo ang inadobo ko na bente piraso."
Padabog siyang tumayo at nagtungo sa lababo para maghugas ng kamay ng marinig ang sinabi ni Ian.
"You bought five kilos pero tinipid mo ako,Hindi pa ako nabubusog!"singhal niya dito saka dali-daling nagtungo sa kwarto.
"Kumain na kayo doon sa kusina ako na ang magbabantay kay Cassidy." utos niya sa nanay ni Ian na Hindi sumabay kumain sa kanila dahil nagpapatulog sa anak.
"Maiwan na kita,buti nakutulog agad ang apo ko."nakangiting sabi nito habang walang sawang pinagmamasdan ang anak niya."Maiba ako Cassandra pwede ba akong humingi ng pabor sayo."sabi nito habang nakaupo sa gilid ng higaan.
Gusto niyang magtaas ng kilay sa sinabi ng kaharap.
"Anong kailangan nito sakin,pera siguro." sabi niya sa sarili at naupo din sa gilid ng Kama.
"Kailangan kong umuwi sa Cebu,namatay ang kapatid ko na sumunod sakin kanina ko lang nalaman tinawagan ako ng bunso kong kapatid."
"So pera nga ang kailangan niya!"hinala niya.
"What do you want me to do?make it straight to the point." naiinip na pahayag niya.
"Kung maaari sana wag muna kayong lumuwas ng Maynila habang nasa Cebu ako,walang makakasama dito sina Liit." hinawakan siya nito sa isang kamay habang nakikiusap.
"I have my work in Manila,ang anak mo ang magpaiwan dito." mabilis niyang sagot at binawi ang kamay dito.
"Ilang araw lang naman ang ipinapakiusap ko,kapag wala ka at iniwan silang mag-ama dito baka mangulit lang si Loreli sa anak ko." paliwanag nito.
"And so?Hindi ako magseselos sa kanila,basta pagsabihan mo ang anak mo na wag kong makikita at Hindi dapat lalabas sa publiko kung anuman ang gawin nila."di na niya napigilang magtaas ng kilay.
" Nakikita ko kay Ian na wala na siyang pagmamahal kay Loreli,ayoko lang na magpabalik-balik dito siya dahil hanggang ngayon nahihirapan pa din siyang tanggapin ang lahat.kapag narito ka alam kong Hindi siya lalapit sa asawa mo."
"So gusto mong bakuran ko ang anak mo at magpanggap na selosang asawa?" tanong niya.
"Hindi naman sa ganun kaya lang mas mapapanatag ako kung narito ka." paliwanag ng kaharap.
Huminga siya ng malalim at tinitigan ang kausap."Okay,you owe me this."
"Nay kumain na po kayo ako na ang bahala kay baby Cassidy." sabi ni Ian na bagong dating.
"What are you doing here?ipinagluto mo ba akong adidas?"nagpipigil sa galit na bungad niya sa asawa.
" Ha?hin-di mahigit kalahating kilo na ang iniluto ko kanina baka sumakit na ang-"
"I told you I'm still hungry." Hindi niya napigilan ang sigawan ang lalaki kahit kaharap ang nanay nito.Wala siyang pakialam,basta gusto nyang kumain ng paa ng manok.
"Teka,teka,ganito na lang ako na ang magluluto ng adidas." sabat ng nanay nito.
"No.siya ang magluluto,what are you waiting for ?" pinanlakihan niya ng mata si Ian at kumakamot sa ulo na lumabas ng kwarto.
" Cassandra,Hindi kaya buntis ka anak at pinaglilihihan mo ang paa ng manok."kahit harap-harapan niyang sinigawan ang anak nito ay malumanay pa din siyang kinausap nito.
"Hindi,I'm not pregnant." pero palihim niyang iniisip ang sinabi ng biyanan.Wala sa oras na napaisip siya kung kailan siya huling dinatnan.
"Simula ng manggaling Kami sa Palawan ay hindi na ako dinatnan ng monthly period at magtatatlong buwan na ." sabi niya sa sarili at napabuntong hininga."No,I am not, Hindi pwede to."umiiling siya sa naisip.
"Teka lang anak pupuntahan ko si Ian at padadagdagan ko na ang lulutuin niya para di ka na mabitin." nagmamadaling paalam ng ina ng asawa at hindi maitatago sa mga mata nito ang kislap ng mga mata.
"Sh*t this cant be." anas niya at pilit kinukumbinsi ang sarili na delayed lang ,pero kahit minsan ay Hindi nangyari na umabot ng ganito katagal na Hindi siya dinadatnan.
"That bastard got me pregnant again!mas matatanggap ko kung si Alex talaga ang nakita ko noon sa bar at nakasex."naikuyom niya ang mga kamay sa isiping buntis na naman siya sa lalaking di niya mahal at nag-uunahang pumatak ang luha niya dahil sa inis sa asawa.
Loveuall::miss A. B
BINABASA MO ANG
my INNOCENT MAN #watty2018
General FictionDesperadang kumuha ng bayarang lalaki si Cassandra sa kagustuhang magbuntis, hindi dahil gusto niyang magkaroon ng anak kung 'di makuha ang lalaking kinahuhumalingan. Nagtagumpay ang plano niyang magdalang tao but to her surprise hindi niya ang nak...