Please subscribe to my YouTube channel 👉 ASSUMER21 CHANNELInstagram: assumer_21
IAN's POV
Pinagmamasdan niya ang asawang natutulog at nakaunan sa isang bisig niya, habang ang kanilang anak at mahimbing ding natutulog sa tabi nito.
Marahan niyang hinaplos ang mukha ng asawa, parang kailan lang ng una silang magkakilala nito. Sa kabila ng ugali nitong hindi maganda at minahal pa rin niya any asawa. Malaki ang ipinagbago ng estado ng pagsasama nila, pero kahit minsan hindi sinabi nito na mahal din siya. Naisip niyang baka mahal pa rin ng asawa ang dating nobyo nito at handa siyang maghintay na mahalin din siya ng asawa kahit gaano pa katagal.
"Hmmn, why are you starring at me like that?" Kunot ang noong tanong nito ng magising.
Nakangiti siyang sunod-sunod na umiling dito.
"Namiss lang kita." At hinalikan ito ng halik sa labi pero smack lang.
"Sinungaling!" She pout her lips.
"Hahaha, bakit? Nagsasabi ako ng totoo." Di niya maiwasang tumawa ng malakas ng malala ang sinabi nito kanina.
"Pagtawanan mo ako INNOCENTE, kapag ako nakapanganak at ikaw ang may gusto, hinding-hindi kita pagbibigyan! Manigas ka!" Tinalikuran siya nito at niyakap ang anak.
Isa ito sa napapansin niya sa asawa, unti-unti ay nagiging malapit na ito sa kanilang anak. Kung dati ay hindi ito pwede ng walang kasamang yaya, pero ngayon, nagpahatid lamang dito sa driver kasama ang anak.
"Malaki na talaga ang ipinagbago niya." Sabi niya sa sarili.
"Pangga, gusto ko din naman, mas mahirap para sakin ang hindi gawin iyon, sumasakit palagi ang puson ko." Pabulong na sabi niya sa asawa na akala mo ay mayroong ibang makakarinig sa kanilang pero wala naman.
"Oo na! Tss, nagugutom ako." Tinabig nito ang kamay niya ng kanyang yakapin sa bewang at bumangon.
"Pangga, mag-ingat ka, baka mamaya mapano kayo ng baby natin." Mabilis siyang bumangon at inalalayan ang asawa sa pagbaba sa kama.
"Gisingin mo ang anak natin, kanina pa ako nagugutom." Utos nito.
"High blood na naman ang mahal ko, baby ko sabihin mo kay mommy, wag palaging nagagalit, baka naipaglihi ka na sa sama ng loob."
Yumuko siya ng bahagya, hinaplos ang malaking tiyan ng asawa at kinausap ang anak.
"Kunin mo na si Cassidy, gisingin mo na!" Tinalikuran siya nito at naglakad palabas ng cottage.
Kinuha agad niya ang anak at mabilis na naglakad upang maabutan ang asawa.
"Mag-stay tayo ng isang linggo dito." Pahayag nito habang kumakain sila.
"Kaya lang may pictorial ako sa isang araw." Mabilis niyang sagot.
Masama siyang tiningnan ng asawa bago nagsalita.
"Sige, uuwi na tayo ngayon, pagkatapos nating kumain." Padabog nitong ibinaba ang isang baso ng juice sa mesa.
"Kakausapin ko si Deo mamaya, tatawagan ko na lang, sigurado ako nakaalis na yon pabalik ng Maynila." Para lang huwag magalit ang asawa.
"Ako na ang makikipag-usap sa baklang iyon!" Kinuha nito sa bag ang cellphone at nag-dial.
Nakatingin lamang siya sa ginagawa ng asawa at hindi ito pinigilan.
"Deo, icancel mo ang contract ng asawa ko sa Armani! Magbabayad ako kahit magkano, just cancel that bullshit contract!" Pinagtitinginan sila ng ibang kumakain sa restaurant. "Ihahanda ko na agad ang pera!" Pabagsak nitong inilapag ang cellphone.
Hinawakan niya ito sa kamay at pinisil iyon.
"Sige, kung ayaw mo talaga na magmodel ako, pumapayag ako. Pero hayaan mong tapusin ko ang contract, malaking pera ang mawawala sayo." Pangungumbinsi niya.
"No, two years ang contract mo! Kaming mag-iina ang asikasuhin mo!" Wala talagang pakialam ang asawa niya kahit may ibang tao, basta galit.
Nilapitan na lamang niya ito at niyakap upang mapakalma ito.
"Sana hindi ka pumayag, una pa lang." Ito ang gusto niyang sabihin sa asawa, pero lalo lamang itong magagalit.
"Pangga, pumapayag na ako sa gusto mo, wag ka ng magalit, ang baby natin." Mahinahong sabi niya at hinalikan pa ito sa pisngi.
"Tss, gusto ko kasi, hindi ka umaalis sa tabi ko, hindi na nga tayo naggaganito eh." Umiiyak na namang sabi ng asawa pero pabulong na, gusto niyang tumawa sa ginawi nito pero nagpigil siya.
"Oo na, hindi na ako aalis sa tabi mo." Pinahid niya ang luha nito sa pisngi gamit ang kamay.
Sinusunod niya ang bawat naisin ng asawa dahil gusto niyang makabawi dito sa panahong wala siya sa tabi nito noong ipinagbubuntis si Cassidy. Higit sa lahat mahal niya ito, sa kabila ng pagiging moody nito at lalo pang lumala ng magbuntis.
"Pangga, kumain na ulit tayo." Sabi niya matapos itong mapakalma.
"Ma! Ma! Ma!" Napalingon sila sa anak nilang nakaupo sa high chair habang ipinupupok ang laruan sa mesa.
"Tinatawag ka ng anak natin." Hinalikan niya sa buhok ang asawa.
Ngumiti ito at hinawakan sa isang kamay si Cassidy.
"Anong sasabihin ko?" Nilingon siya nito.
"Sabihin mo na mahal mo siya at a-ko." Hindi narinig ng asawa ang huli niyang sinabi, bukod sa papahina ang boses ay bigla ulit nagsalita ang anak.
"I-I love you Ca-ssidy." Nahihirapang sambit ng asawa pero masaya siya sa narinig.
"Is she understand me?" Hindi lumilingong tanong ulit nito.
"O-oo naman, sabi ni inay, nasa loob pa lang daw ng tiyan, naiintindihan na nila tayo." Sagot niya.
Iniisip niya kung narinig kaya ng asawa ang sinabi kanina, sasabihin kaya nito kung mahal siya? Pero masaya pa rin siya dahil sa nalaman na mahal pala ng nito ang kanilang anak.
Loveuall::miss A.
Sorry sa late late update...
**"UNEDITED***
BINABASA MO ANG
my INNOCENT MAN #watty2018
General FictionDesperadang kumuha ng bayarang lalaki si Cassandra sa kagustuhang magbuntis, hindi dahil gusto niyang magkaroon ng anak kung 'di makuha ang lalaking kinahuhumalingan. Nagtagumpay ang plano niyang magdalang tao but to her surprise hindi niya ang nak...