MADAM's POV
"Ano ba Deo,ibigay mo sa akin yang bote ng alak!" agaw niya sa baklang kaibigan.
"Tama na madam,araw ng kasal mo ngayon dapat magbeauty rest ka para mamayang gabi.Juice colored!ikaw lang ang nakita kong ikakasal na nagpapakalunod sa alak." sermon pa nito at inilayo ang bote ng alak.
"Bakla,umayos ka tumawag si fadir mo papunta na daw dito sa condo mo ang make-up artist." paalala ng kaibigan."Yung isusuot mong wedding gown,napakaganda....wahhh....kelan ba ako makakapagsuot ng ganyan?"kinikilig na tili nito habang nakatingin sa wedding gown niya na nakalagay sa isang manikin sa isang sulok ng kwarto.
"Madam!I'm sure ikaw ang pinakamagandang bride ng generation natin..hayy..." nangangarap pa ding sabi nito at mas masaya pa kaysa sa kanya.
"Saan ka pupunta?" napasunod ito sa kanya.
"Lalabas,magpapahangin ako sandali."walang emosyong sagot niya.
"Alam mo naman na mahigpit kang pinagbawalan na lumabas dito at isa pa may guard dyan sa labas ng pintuan mo." pahayag nito."Halika,magpahinga ka muna sa tutal maaga pa naman,para matanggal din ang pagkalasing mo."inalalayan siya nito na makapunta sa kwarto niya.
Magmula ng magbuntis siya ay naghire na ang ama niya ng mga security personnel para bantayan ang bawat kilos niya.At noong isang linggo lang ay Hindi na siya pinayagang lumabas ng hotel,Kung saan siya ipinahatid dito sa Tagaytay.Ayon sa magulang niya ay dito daw gaganapin ang kasal niya na lalong nagpapasikip sa kanyang dibdib.
"Bullshit!this is not fair!" sigaw niya."Ikakasal ako,pero Hindi naman sa taong Mahal ko!"sabay hagis ng nadaan niyang upuan.
"Ayy...madam....calm down!Hindi malulutas ng pagwawala mo ang problema."natatarantang awat nito sa kanya.
" Tell me Deo,what the hell are the solution?Isa lang ang gusto ko!at alam mo iyon!"sigaw niya dahil sa galit na nararamdaman.
"Alam mo naman na Hindi na pwede,kasi kasal na siya-"
"Ahh.....I don't fucking care!I really love him!Kasehodang maging dakilang kerida ako!"at lahat ng mahagip ng kamay niya ay inihahagis niyakung saan-saang bahagi ng kwarto niya.
Walang nagawa si Deo sa pagwawala niya at ng mapagod ay humihingal siya sa galit na napalugmok sa sahig.
"Ano pa ba ang kulang?May mali ba sa akin Deo?Pangit ba ako?Para ipagpalit sa iba?" di niya namalayan na basa na ng luha ang pisngi niya.
"Madam,walang Mali sayo,maganda ka,mayaman,sikat na modelo,maraming kababaihan ang naiinggit sayo dahil na sayo na ang lahat." pag-aalo nito sa kanya at naupo sa harap niya.
"Kung totoo ang sinasabi mo,bakit hindi niya ako magawang mahalin?Bakit niya ako ipinagpalit sa iba?" naghihinagpis na wika niya.
"Tanggapin mo na lang na hindi kayo para sa isa't-isa."hinaplos nito ang likod niya.
" At sino ang nakatakda sakin?ang bayarang p*ta na lalaking iyon?!ha,Deo?"sigaw niya at muling nabuhay ang galit na nararamdaman niya para sa lahat ng nangyayari sa buhay niya ngayon.
"Madam,Wala tayong magagawa si fadir mo na ang nagdesisyon,sa totoo lang natatakot ako sa bantay dyan sa labas ,mukhang mga goons." wika nito.
"That bastard!napakatanga!bakit siya pumayag na magpakasal sa akin?"malakas niyang sabi.
" Kilala mo naman siguro ang daddy mo,madam."sagot nito.
"Malamang nagpabayad siya kay daddy,that asshole only need a piece of fucking money!"turan niya."Mukhang pera!"
"Madam,narito na po ang mga taong ipinadala ni sir James,papasukin ko na po."biglang bumukas ang pintuan at sumilip ang guard.
"Sige, Papasukin mo na."si Deo ang sumagot at nanatili lamang siyang nakatingin sa kawalan.
"Hell.......bullshit......." paulit-ulit na sigaw niya at sinasabunutan ang sarili niyang buhok.
"Juice colored,guard..si madam..di ko na ito carry.." nagtitiling sabi ni Deo.
Loveuall;:::miss A.
BINABASA MO ANG
my INNOCENT MAN #watty2018
General FictionDesperadang kumuha ng bayarang lalaki si Cassandra sa kagustuhang magbuntis, hindi dahil gusto niyang magkaroon ng anak kung 'di makuha ang lalaking kinahuhumalingan. Nagtagumpay ang plano niyang magdalang tao but to her surprise hindi niya ang nak...