CHAPTER THIRTEEN;:#team BEBE KO

6.4K 118 3
                                    

Ian's POV

"Anak,anong sinasabi nila?sinong pakakasalan?Diyos ko mister maghunos-dili ka,baka maiputok mo ang baril mong hawak." natatarantang sabi ng kanyang ina at saka mabilis itong humarang sa kanya.

"James,napag-usapan na natin ito kanina,na kakausapin natin siya ng maayos itabi mo muna ang baril mo." pakiusap ng asawa nito.

Marahas itong huminga at napipilitang muling itinago ang baril.

"Ayoko ng magpaligoy-ligoy pa Mr.Valdespina,pakakasalan mo ang anak ko sa lalong madaling panahon." maawtoridad na pahayag ng matanda at muling naupo.

"Mister,bakit mo sinasabing pakasalan ng anak ko ang anak mo?nag-iisa lamang ang nobya ng anak ko at si Loreli iyon." naguguluhang sabi ng kanyang ina na nakaupo sa tabi niya.

"Wala akong pakialam kung may girlfriend ang anak mo,ang sa akin ay ayokong lumaki ang apo kong bastardo!" malakas ang boses na sabi nito na labis niyang ikinagulat.

"Nabuntis siya?"bulalas niya,parang nahuhulaan na niya kung sino ang kausap niya ngayon.

"Yes mr. Valdespina." malumanay na sagot ng asawa nito.

"Ipapaasikaso ko ang kasal ninyo ng anak ko,gusto ko sa isang buwan ay maikasal na kayo,saka mo pa lamang makikita ang anak mo sa kapag nakasal na kayo." matigas na sabi nito at saka tumayo upang lumabas ng bahay nila.

"At wag kang magtatangka na takasan ang anak ko,kaya kitang hanapin saan ka man magtago,mr.Valdespina."sabi nito ng lingunin siya.

"Misis,aalis na kami ng asawa ko,ako na ang humihingi ng paumanhin para sa asawa kanya." pahayag ng asawa nito."Sige,aalis na kami."saka tumayo mula sa kinauupuan nito.

"Si-sige." tanging naisagot ng kanyang ina dala ng labis na pagkagulat.

"Ian,magpaliwanag ka sa akin,ano ba ang nangyayari?may hindi ka ba sinasabi sa akin?" sunod-sunod na tanong nito sa kanya.

Maging siya ay nagulat din sa mga nalaman ngayon."Inay,sorry kung inilihim ko sa inyo ang tungkol dito,hindi ko akalain na mayroon pala kaming anak."sabi niya ng lumingon sa ina.

"Kung hindi ka pa pala nakabuntis ay wala ka talagang Plano naipaalam sa akin ganoon ba Ian?" galit na tanong nito sa kanya.

"Inay,patawarin mo ako nagawa ko lang po iyon,ng maaksidente kayo at nangailangan ako ng pera para sa mga gastusin sa ospital."paliwanag niya.

"Kasalanan ko pa pala dahil naaksidente ako!" at tuluan ng pumatak ang mga luha ng ina na kanina pa pinipigilan.

"Inay,hindi po,hindi mo kasalanan desisyon ko iyon ng alukin niya ako ng malaking halaga para lang magbuntis siya."umiiyak na ding niyakap niya ang ina.

"Kasama ba ang ibinigay mo sa akin na puhunan para sa tindahan ko?" tanong pa nito at agad siyang tumango.

"Bakit mo nagawa ang ganoong bagay anak?sana pinabayaan mo na lamang akong mamatay doon sa ospital."humahagulhol na wika nito at mahigpit din siyang niyakap.

" Inay,alam mo pong hindi ko magagawa iyon,hindi ako katulad ni Itay na pinabayaan kayo,tayo,kahit anong mangyari nay hinding-hindi ko kayo pababayaan,mahalaga kayo sa akin."umiiling na sabi niya.

"Anak,kung hindi dahil sa akin,hindi ka mapipilitang gawin ang bagay na iyon." kumalas ito sa pagkakayakap niya at pinahid ang mga luha niya.

"Anak,hindi ko kilala ang babaeng iyon,pero umaasa akong gagawin mo kung anong tama,lalo ngayon isa ka na ding magulang."nakangiting sabi ng ina." Anuman ang maging pasya mo,alalahanin mong narito ako para suportahan ka."dagdag pa nito.

"Salamat po inay."tugon niya at nabuo ang isang desisyon sa kanyang isipan.

_____

"Bebe ko,isa lang ang gusto kung malaman,Mahal mo ako diba?"tanong ni Loreli na kanina pa umiiyak habang narito sila sa isang sulok ng park upang makapg-usap ng masinsinan.

"O-oo Mahal kita,pero kailangan kung gawin kung anong tama."naawang sagot niya dito.

"Bakit kailangan mo siyang pakasalan,pwede naman na panagutan mo yung anak ninyo,marami ang may ganoong sitwasyon na hindi na nagpapakasal basta ang mahalaga ay kinikilala mo ang bata." hindi nawawalan ng pag-asa na sabi nito.

"Kapag ginawa ko iyon,wala na akong ipinagkaiba kay itay at iyon ang hinding-hindi ko mapapayagang mangyari." paliwanag niya.

"Nagmamahalan tayo,bebe ko,tayo ang tootong nagmamahalan at hindi kayo ng babaeng iyon,sabihin pang may anak kayo."sabi ng nobya sa pagitan ng pag-iyak.

" Ayoko kong patuloy kang masaktan,Loreli kaya hanggang maaga tinatapos ko na ang lahat sa atin."tumayo na siya at naglakad palayo mula rito.

"Bebe ko,Ian,pumapayag ako kahit maging kabit mo lang dahil alam kong ako ang tunay mong minamahal."umiiyak na humabol ito sa kanya at hinawakan siya sa isang kamay saka lumuhod sa harapan niya.

" Loreli,tumayo ka,siguro ay hindi tayo para sa isa't-isa,mabait ka,mapagmahal lahat ng hinahahanap ko sa isang babae ay nasa iyo,pero may anak na ako at ayokong masira ang tingin niya sa akin.Sana maintindihan mo ako,ayokong matulad sa ama ko na nagawang ipagpalit kami sa ibang babae."mahabang paliwanag niya dito at tinulungan itong tumayo.

"Mauuna na akong umuwi,paalam." sabi niya saka nagpatuloy sa paglalakad at hindi na ito nilingon ngunit dinig niya ang paghikbi ng babae.

Hindi niya alam kung anong mararamdaman ng mga sandaling iyon.Minahal niya si Loreli,dahil sa mga katangian nito pero mas kailangan siya ng anak niya ngayon.Hindi pa man niya nakikita ang bata ay dama agad niya ang lukso ng dugo ng sabihin pa lamang sa kanya ng magulang ni madam na may anak sila.

Loveuall;:miss A.

Please join my group on facebook wattpad updates assumer21

Please vote and share ...tnx for reading.

tnx for reading

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

TEAM BEBE KO...

my INNOCENT MAN #watty2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon