CHAPTER TWO

8.5K 147 0
                                    

Please subscribe to my YouTube channel 👉 ASSUMER21 CHANNEL

Instagram: assumer_21


IAN'S POV

" Inay,kumain na po kayo." Sabi niya sa ina.

Nasa labas siya ng bahay ng dumating ang kanyang ina,pasado alas dyes ng gabi.

Tumango lamang ito sa kanya at tuloy-tuloy sa pagpasok sa loob ng bahay nila.

Huminga siya ng malalim habang tinatanaw ang magulang,ang dating masiyahahin na aura nito ay napalitan ng lungkot at madalas na pagiging bugnutin.

Maya-maya ay pumasok na siya sa loob ng bahay nila,nakahiga na siya kanina ng naisipan niyang bumangon at hintayin sa labas ang INA.

Nang makapasok siya sa loob ay kasalukuyang kumakain ang ina sa kusina.

"Bigyan mo ako bukas ng puhunan,para mabawi ko ang natalo kanina."sabi nito ng nagtungo siya sa kusina upang uminom ng tubig.

"Sige po Inay,kaya lang isang daan lang ang maibibigay ko sa inyo.Magbabayad po ako sa lunes ng kuryente natin at yung matitira ay pambili ng pagkain at pambaon Nina Liit." Paliwanag niya.

"Wala na akong pakialam dun,basta bigyan mo ako ng puhunan." Iritableng sagot nito sa kanya habang kumukumpas pa ang isang kamay.

"Sige po." Napipilitang sagot niya at nagtungo na sa kwarto para matulog.

Limang taon na magmula ng iwan sila ng kanilang ama.Maayos naman ang estado ng pamumuhay nila noong buo pa ang pamilya niya.May mga naipundar na ari-arian ang kanyang mga magulang.Pero ng nalulong sa pambababae ang kanyang ama ay nalugi ang mga palaisdaan nila at pagkatapos ay sumama na ito sa kabit niya.Wala na silang balita tungkol sa ama dahil matapos na hiwalayan nito ang kanyang ina ay nagdesisyon ito na lumuwas sila ng Maynila.Ayon dito ay mas makabubuti daw kung aalis sila sa Cebu,para makalimot.

At sa edad noong disisyete ay tumigil na siya sa pag-aaral at nagbanat na siya ng buto.Nang dumating sila sa Maynila ay umupa sila ng matitirhan.Pero dahil masyado ng mahal ang mga paupahan doon idagdag pa ang mataas na presto ng mga bilihin ay Hindi nila kinaya.Kaya napilitan silang paalisin ng may-ari ng inuupahan nilang bahay.

Mabuti na lang nakilala niya at naging kaibigan si Boyet na nagtatrabaho noon bilang construction worker sa pinapasukan niya doon sa Maynila. Ito ang tumulong sa kanya upang makahanap ng mas mababa ang renta ng malilipatang bahay.Isinama sila nito sa probinsya nila dito sa Batangas at tamang-tama na may bakanteng paupahan sa kalapit lamang ng bahay ng mga ito.

At magmula noon ay dito na sila tumira,dito na lang din siya naghanap ng mapapasukang trabaho.Nakakaraos naman sila kahit papaano pero madalas ay kinakapos sila.May pagkakataong Hindi sila nag-aalmusal para lang tipidin ang bigas nila.At lalo siyang naghihigpit ng sinturon kapag malapit na ang pagbabayad niya ng upa sa bahay.Natatakot siya na baka mangyari ulit sa kanila ang mapalayas,kaya sinisikap niyang wag madelay sa pagbabayad ng renta sa bahay.

Pero kahit limang taon na ang lumipas at umalis din sila sa probinsya nila,sa nakikita niya ay Hindi pa din nagagawang makalimot ng kanyang ina.Hanggang ngayon ay Hindi pa nito lubos na matanggap na iniwan sila ng kanyang ama.

_____

"Kuya!kuya Ian."

"Ian,tinatawag ka ni Len-len." Tawag sa kanya ni Boyet.

Nagtataka siyang lumingon sa kapatid na nasa may di kalayuan ng pinagtatrabahuhan niya na construction site.

"Mang Rolly lalapitan ko lang sandali ang kapatid ko." Paalam niya sa mason nila.

"Len-len,bakit di mo pa ako nahintay umuwi,malapit na din lang naman ang breaktima namin." Sabi niya sa kapatid ng makalapit siya DITO.

"Kuya si inay." Sabi nito habang umiiyak.

"Anong nangyari Kay Inay?pinalo na naman ba kayo pagapasesyahan mo na lang Len-len,ganoon talaga yun lalo na kapag lasing." Paliwanag niya sa kapatid.

Sunod-sunod itong umiling sa sinabi niya.

"Bakit ka umiiyak?Hindi ka naman pala pinalo ni Inay." Kunot-noong tanong niya sa kapatid.

May pagkaiyakin talaga itong kapatid niya,mapagsabihan lang ito ay umiiyak na at nagtatampo.

"Si Inay,nabundol kuya." At umiyak pa ito ng malakas.

Halos mabingi siya sa sinabi ng kapatid kahit Hindi naman ito sumisigaw.

"Ano,pakiulit mo nga Len-len?" Nagbabakasakali siyang baka nagkamali lang siya ng narinig kanina.

"Kuya isinugod si Inay sa ospital ng nakabundol sa kanya."patuloy na umiiyak na sabi ng kapatid.

Nang mapagtanto na hindi siya nagkakamali ng dinig ay agad niyang hinila ang kapatid sa isang kamay at lakad-takbo ang ginawa nila upang makapunta sa sakayan ng traysikel,patungo sa ospital.

Hindi na niya magawang magpaalam sa mga kasamahan dahil sa labis na pag-aalala sa ina.

Aaminin niyang minsan nagagalit siya dito kapag pagod siya tapos makikita niyang nakikipag-inuman ito o nagsusugal.Na sa halip ay pambili na ng pagkain nila ay ipinanggagastos pa nito sa bisyo.

Pero ina pa din niya ito at ito ang nagluwal sa kanya,kahit iresponsable man ito ay mahal niya ang ina.

"Ano ba ang nangyari?" Tanong niya Kay Len-len habang nakasakay sila sa traysikel.

"Kuya lasing na naman si Inay, tapos biglang tumawid sa high way,para bumili pa daw ng alak."humihikbing sagot ng kapatid.

" Ano ang nakabundol na sasakyan Kay Inay?"usisa niya.

"Kotse kuya,buti na lang di siya tinakasan,pero ang sabi nung mga nakakita tatakas daw yung nakabundol Kay Inay, naharangan lang ng mga nakakita,yung sasakyan." Kwento pa nito.

Nagngalit ang mga ngipin niya ng narinig ang sinabi ni Len-len,muntik na palang mahit and run ang kanyang ina.May mga tao pa din talaga na walang pakialam sa kapwa nila,kahit sila na ang nakadisgrasya.

Loveuall;:; miss A.

Please visit my YouTube channel assumer21

PLEASE VOTE AND COMMENT

my INNOCENT MAN #watty2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon