Ian's POV
"Nurse,saan po dinala dito yung pasyente na nabundol Lolit Valdespina ang pangalan." Agad niyang tanong sa nurse ng makarating sa ospital.
"Nasa emergency room pa po siya sir." Sagot nito.
"Saan miss ang emergency room.?" Tanong niya.
"Kumanan po kayo doon sir." Tugon ng nurse.
"Salamat." Sabi niya.
Hindi siya nahirapan hanapin ang emergency room,nakita niyang nasa labas nito ang kapatid.
"Kuya si Inay." Umiiyak na yumakap sa kanya si Liit.
"Tahan na,nandito na ako." Alo niya sa kapatid.
"Ikaw ba ang tinutukoy ng batang Ito na kapatid niya?" Mataray na tanong ng isang babae.
Noon lamang niya napansin ang isang babae na Nakaupo sa upuan na naroon.
"Kuya siya nga pala yung nakabundol Kay Inay." Sabi sa kanya ni Liit at naupo ulit ito sa katabi ng babae.
"Oo ako nga." Sagot niya sa babae.
"Now narito ka na,aalis na ako."pahayag nito at saka tumayo.
" Teka lang miss,Hindi ka man lang ba hihingi ng sorry dahil kung Hindi dahil sayo wala sana dito si Inay. "Malumanay na sabi niya dito.
Lumingon ito sa kanya."Oo nabundol ko ang nanay mo,but its her fault." Nakataas ang kilay na sagot nito sa kanya.
Kung nagkataon siguro na lalaki itong tulad niya ay kanina pa ito nakatikim ng suntok mula sa kanya.Hindi niya gusto ang babae masyadong maangas magsalita,dapat ito ang mapagpakumbaba.
"But don't you worry,sasagutin ko ang lahat ng magagastos ng mother mo,pero kalahati lang."at tinalikuran na siya nito.
Nanlulumo siyang naupo sa katabi ng mga kapatid.
" Paano yan kuya,kung kalahati lang ang babayaran nung babae,saan tayo kukuha nung kakulangan?"nag-aalalang sabi sa kanya ni Liit.
"Hindi ko rin alam,saka ko na iisipin yun ang mahalaga ngayon ay makaligtas si Inay." Sagot niya habang nakasandal at nakatingin sa kawalan.
"Dok,kamusta po ang Inay namin." Narinig niyang sabi ni Len-len kaya napalingon siya sa babaeng lumabas sa emergency room.
"Kayo po ba ang kamag-anak ng pasyente?"
"Opo dok,kamusta ang Inay namin?" Tanong agad niya.
May mga ipinaliwanag ang doctor na di niya naiintindihan.
"Eh,dok malala ba ang lagay ng magulang ko?" Di nakatiis na tanong niya.
"Yes,and worst is comatose ang mother mo,under observation pa din siya hanggang ngayon." Sagot nito at nagpaalam na sa kanila.
Nanlulumo siyang naupo,labis ang pag-aalala niya sa ina idagdag pa ang perang kakailanganin nila.
"Kuya magigising pa ba si Inay?" Umiiyak na tanong ni Liit.
"Oo naman."masiglang sagot niya dito." Dito ka lang muna pupuntahan ko sa labas sina Len-len at totoy.
_______
"Dapat lang na siya ang sasagot sa lahat ng magagastos sa ospital." Sabi ni Boyet ng ikuwento niya ang nangyari."May kasalanan din naman si Inay,kaya dapat siguro magpasalamat pa ako dahil tutulungan niya kami sa gastusin." Nanghihinang paliwanag niya sa kaibigan.
"Iyan ang mahirap sayo pare,masyado kang mabait Hindi tama yung kagustuhan niya." Pagdidiin ng kaibigan.
"Susubukan ko humiram ng pera Kay Tony." Wika niya.
"Naku,napakatuso ng taong yan,sigurado na matutulungan ka niya pero pare,kung may iba ka pang malalapitan wag lang Kay Tony." May pag-aalala sa tinig nito.
"Pero wala naman akong ibang kakilala na maaaring lapitan,bahala na pare basta susubukan ko." Naguguluhang sagot niya.
Naiwan sa ospital ang kapatid niyang si Liit, ang dalawa pa niyang kapatid ay sinamahan niyang makauwi dito sa bahay nila.
"Kung may maitutulong lang ako Hindi mo na kailangan magdalawang salita." Sabi nito.
"Naiintindihan kita,Boyet." Sagot niya.
"O paano maiwan na kita may pupuntahan pa ako." At tinapik siya ng kaibigan sa balikat.
Tumango lamang siya dito,nang nakaalis ang kaibigan ay napagpasiyahan niyang magtungo Kay Tony.
"Oh,papa Ian nabalitaan ko ang nangyari sa nanay mo,kumusta na siya?" Tanong ni Tony ng makita siyang papalapit.
"comatose si Inay at Hindi pa alam kung kailan magigising." Sagot niya at naupo sa harap ng tindahan.
"Kailangan mo ng pera?" Tanong agad nito na para bang nahulaan nito ang kanyang sadya.
"Oo sana pero wag kang mag-aalala babayaran ko din agad." Maagap niyang sagot.
"Wala akong cash ngayon papa Ian."sagot nito.
"Ganoon ba,naiintindihan ko." Pero sa kaoloob-looban niya ay nawawalan na siya ng pag-asa kung saan makakahiram ng pera.May reseta kanina na dapat bilhin sa ospital,mabuti na lamang may natitira pa siyang pera.
"Buttttt.....may iaalok ako sayo,sa totoo lang nung isang linggo pa kita inaalok di mo ako pinapansin." Nakangusong pahayag nito.
Nabuhayan siya maski na papaano sa narinig mula Kay Tony.Naalala niya na noong isang linggo pa siya inaalok nito ng raket pero tinanggihan niya.
"Magkano naman ang pwede Kong kitain dyan?" Tanong agad niya.
"Di ako sigurado, pero ang alam ko malaki ang offer papa Ian....ang totoo kakilala ng kaibigan Kong baklush din na nasa Maynila nakatira ngayon.''salaysay nito.
" Ano ba ang gagawin ko?"naiinip na tanong niya dito.
"Ito naman masyadong atat,oh magsoftdrinks ka muna wag ka ng tumanggi kunin mo na oh."kaya napilitan siyang inumin ang ibinigay nito.
" Sabihin mo na sakin,kung anong trabaho ang gagawin ko para mapaghandaan ko."pangungulit niya."Kailangan ko pang bumalik sa ospital."
"Bago ang lahat kailangan mong magpamedical ora mismo,para maipadala sa friend ko agad-agad." Excited na sabi nito.
"Bakit kailangan pa ng medical,wala naman akong sakit." Tanong niya.
"Alam mo na nagsisiguro....oh sya...bumalik ka na muna sa ospital,limang libo lang talaga ang mapapahiram ko sayo.Tapos bukas na bukas din sasamahan kita magpamedical,bukas na din natin pag-usapan ang iba pang detalye." Mahabang sabi nito.
Kinuha niya ang pera mula kay Tony at nagpaalam dito.Kung anuman itong napasukan niya ay wala ng atrasan,ipinapangako niya sa sarili na ito ang una at huli.Dahil kapag si Tony,aasahan na niyang Hindi karaniwan ang magiging trabaho niya.
Loveuall;: miss A.
Please visit my page;: ASSUMER21 miss A.world
Please vote and comment
BINABASA MO ANG
my INNOCENT MAN #watty2018
Fiksi UmumDesperadang kumuha ng bayarang lalaki si Cassandra sa kagustuhang magbuntis, hindi dahil gusto niyang magkaroon ng anak kung 'di makuha ang lalaking kinahuhumalingan. Nagtagumpay ang plano niyang magdalang tao but to her surprise hindi niya ang nak...