Ian's POV
"Inay,kumusta ang bago ninyong pinagkakaabalahan?"tanong niya agad ng dumating siya galing sa trabaho.
" Maayos naman anak marami ang bumili ngayong unang araw ng pagtitinda ko.Wala kasi tayong kalapit na ibang tindahan,ang tindahan naman ni Tony doon pa sa labasan."masiglang kwento ng kanyang ina.
"Mabuti naman po Inay,para hindi na kayo mainip dito sa bahay.''sabi niya habang pinagmamasdan ang loob ng maliit ng sari-sari store ng ina.
" Nay,dapat po pala gumawa pa ako ng isa pang estante na kahoy dito para pwede pa ninyong paglagayan ng paninda."turo niya sa kabilang bahagi ng dingding.
"Saka na anak,kapag wala kang trabaho sa construction at isa pa wala pa naman akong ilalagay."katwiran nito.
"Inay,pwede tayong bumili na rep para makapagtinda po kayo ng mga soft drinks at frozen foods." Suhestyon niya.
"Anak mahal ang rep,wala tayong sapat na pera saka na kapag lumago na itong tindahan ko." Nakangiting paliwanag nito.
Naupo siya sa tabi ng ina at inakbayan ito."Inay,ako na ang bahala doon wala po kayong dapat na alalahanin may natitira pa po akong pera."
"Anak Hindi yata nauubos ang pera mo,nasa bente mil na ang puhunan natin dito." Puna ng ina.
Ngumiti siya bago nagsalita. "Nay,basta para sa inyo gagawin ko ang lahat,lalo pa po ngayon dahil nakamove on na kayo Kay tatay." May galing Biro na sabi niya.
"Ikaw na nga ang bahala,Ian,anak may tiwala naman ako sayo na." Makahulugang sabi ng ina.
"Salamat po inay,kaya mahal na mahal ko po kayo,payakap nga po." Natatawang sabi niya.
"Hindi ka na Amoy baby anak,Amoy kalabaw ka na!" Sabay silang nagtawanan dahil sa sinabi nito.
"Tiya Lolit pagbilhan nga po ako ng isang corned beef,sibuyas at mantika."sabay silang napalingon ng may biglang bumili.
" Nay,punta lang po ako sa kwarto."paalam niya sa ina saka tumayo.
"Tita Lolit siya po ba yung kiknukwento mo na anak inyong panaganay?" Napakunot ang noo niya sa sinabi ng babae.
Tumingin muna ito sa kanya bago nagsalita."Ah,oo Loreli siya nga pala ang anak Kong si Ian, anak si Loreli bagong lipat diyan sa tapat."pakilala sa kanila ng anak.
"Hi,ako si Loreli, ikaw pala si Ian naikwento ka kasi sakin ng nanay mo kanina." Nakangiting paliwanag nito.
Tinanguan lamang niya ito at saka nagpaalam."Inay sige po, maiwan ko na kayo."
"Sige anak,sabihin mo Kay Liit siya na muna ang magsaing ng kanin,ako na ang magluluto ng ulam natin mamaya." Bilin nito.
"Ano nga ulit ang bibilhin mo Loreli?"narinig pa niyang tanong nito sa babae.
" Kuya,nakilala mo na pala si ate Loreli,narinig ko kayo eh."sabi ni Liit na gumagawa ng assignment sa sala.
"Yun ba,oo pinakilala ni inay." Walang ganang sagot niya.
"Ang ganda noh kuya tapos ang bait pa niya,binigyan kami kanina ng brownies siya daw Ang nagbake.Sabi pa niya kuya sa susunod daw na magbake ulit siya bibigyan ulit kami.Tapos kuya wala daw siyang boyfriend ngayon kakabreak lang nila."mabilisang kwento ng kapatid.
"Ah,ganun ba close na pala agad kayo,di mabuti." Komento niya at naglakad na patungo sa kwarto.
"Kuya,siya na lang ang ligawan mo diba wala ka din girlfriend?" Pangungulit ng kapatid.
Napabalik siya sa kinaroroonan ng kapatid. "Kaya pala kung anu-ano ang sinasabi mo sa akin tungkol sa kanya." Sita niya sa kapatid.
"Kuya kasi ano eh,nauubos na ang panahon mo sa amin,tapos twenty five ka na wala ka ring girlfriend. Gwapo ka naman at mas lalong di ka rin naman beki.." Paliwanag ng kapatid.
"Hindi ako nag-aalala sa sarili ko Liit at isa pa wala akong panahon sa ganyan sa ligaw-ligaw." Sagot niya at saka ito iniwanan.
"Weee......di...nga...ang sabihin mo kuya mahal mo na si madam!" Panunukso pa ng kapatid.
Natigil siya sa may pintuan ng kwarto niya at nagtatakang lumingon sa kapatid.
"Anong sinabi mo?pakiulit Liit." Maawtoridad ma tanong niya."Saan mo nakuha yang mga pinagsasabi mo?"at muli na naman niya itong nilapitan.
"Ano yang,narinig kong umuungol ka habang natutulog nung Isang gabi.Gigisingin kita kasi parang binabangungot ka tapos sabi mo madam dito ka lang,tapos ano, di na kita ginising kasi tumigil ka na sa pag-ungol." Kinakabahan na paliwanag ng kapatid ng makitang seryoso ang mukha niya.
"Sino si madam?bakit may naririnig akong madam?sino iyon Liit?" Sunod-sunod na tanong ng kanilang ina na lumabas mula sa tindahan.
"Wala po inay,itong si Liit binibigyan ng malisya ang panaginip ko."palusot niya sa ina.
" Ikaw naman Liit,porke nagsalita ako ng ganun eh,kung anu-ano na agad ang Iniisip mo kaya nga panaginip Hindi iyon totoo.Noong panahon lang ng mga propeta may kahulugan ang mga panaginip dahil iyon ang paraan ng Diyos para maiparating ang kanyang mensahe o di kaya sa pamamagitan ng pangitain.Dahil wala pa noon ang Bibliya,alam mo din iyon Liit kasi pareho lang tayo nakaranas magbible study noon."mahabang paliwanag niya sa kapatid.
Hindi niya alam kung bakit ganoon soya kadepensive sa sinabi ng kapatid.
"Liit magsaing ka mamaya pagkatapos mo sa ginagawa mo at puntahan mo din yung dalawa mong kapatid sa kapitbahay na nakikipaglaro." Pag-iiba ng ina nila,nakahinga siya ng maluwag ng di na siya inusisa pa nito.
Loveuall;:: miss A.
Salamat po sa inyong pagbabasa sa mga story ko.
Please join my group on Facebook wattpad updates assumer21
Please vote and share....
BINABASA MO ANG
my INNOCENT MAN #watty2018
General FictionDesperadang kumuha ng bayarang lalaki si Cassandra sa kagustuhang magbuntis, hindi dahil gusto niyang magkaroon ng anak kung 'di makuha ang lalaking kinahuhumalingan. Nagtagumpay ang plano niyang magdalang tao but to her surprise hindi niya ang nak...