CHAPTER NINE;::

6.6K 122 0
                                    


Please subscribe to my YouTube channel 👉 ASSUMER21 CHANNEL

Instagram: assumer_21



Ian's POV

"Sir Ian,ipanabibigay ni madam."Kinuha niya ang iniabot ni Erwin.

Binuksan niya iyon, nakita niya ang Isang tseke at mas naagaw ng atensyon niya ang Isang papel na nasa loob ng sobre.

" Paano sir,tuloy na kami ipinahatid lang samin yan ni madam."paalam nito.

"Sige po,salamat." Sagot niya at hinintay na makaalis ang sinasakyan ng mga ito.

"Kuya sino yun?" Tanong ni Liit na kagagaling lang sa eskwelahan.

"May itinanong lang kung saan daw ang way papunta sa Lemery." Kaila niya at Agad na isiniksik sa bulsa ng pantalon ang sobre,na Hindi na niya nagawang basahin.

"Kuya,may good news ako sayo." Masayang sabi nito habang papasok sila sa loob ng bahay.

"Ano iyon,sigurado ka ba na matutuwa ako?" Napapangiting tanong niya sa kapatid.

"Top one ako kuya sa klase namin!"nagtatalon na pahayag nito habang nakahawak sa braso niya.

"Talaga Liit! Hindi mo ba ako ginugoodtaym?!" Tumatawang paninigurado niya.

"Uhh....si kuya,nay oh,ayaw maniwala palagi naman po akong nasa top list pero ngayon lang ako nagtop one kaya masayang-masaya po ako." Baling nito sa ina nila na nanonood ng TV.

"Oo na naniniwala na ako at dahil diyan magcecelebrate tayo.." Malakas na pahayag niya.

"Talaga Kuya?!" Nanlalaki ang mga matang at Hindi makapaniwala na sabi ni Liit.

"Oo,anong gusto mong kainin ngayong gabi?" Masayang tanong niya.

"Kuya fried chicken sakin!" Singit ni totoy na nanonood din ng TV.

"Yon ba ang gusto ng bunso namin?sige,fried chicken Kay bunso!" Anita at Naupo sa tabi nito.

"Kuya sakin ice cream." Sabad naman ni Len-len at umupo sa kaliwa niya kaya naman napapagitnaan na siya ng dalawa niyang kapatid.

"Diba dapat ako ang nagrerequest ng mga yan ako ang tinanatanong ni kuya Ian dahil ako ang nasa top one!" Nakangusong siya ni Liit ng lumapit sa kanila.

"Ate,alam kasi namin na iyon din ang hihilingin mo,inunahan ka lang namin." Humahagikhik na sagot ni Len-len.

"Ano nga ba ang gusto mo?" Tanong niya dito.

"Fried chicken at ice cream din." Mahinang sagot nito.

Nagtawanan silang lahat maliban dito."Madaya kayong dalawa inunahan ninyo akong sabihin ang mga iyon."sinugod nito ang mga kapatid at kiniliti,Maging siya ay nakisali na din.

"Tama na,tama na,ayoko na." Sumusukong wika niya sa mga Ito dahil bandang huli ay siya na ang pinagtulungang kilitiin ng mga kapatid.Alam kasi ng mga Ito na may kiliti siya batok.

"Kuya totoo ba talaga na bibilhin mo ang request namin na pagkain?"paniniguro ni totoy.

" Oo naman,gusto mo sumama ka pa."kunawari ay mayabang nyang sagot.

"Yehey...Tara na kuya Ian,gagabihin na tayo." Excited na sabi nito at umuna ng lumabas ng pintuan.

Naiilang siyang sinundan ng tingin ang kapatid.

"Inay,bibili lang po ako ng pagkain natin kasama ko si totoy." Paalam niya sa ina bago tumayo.

"Sige,anak,pero kung masyadong mahal huwag mo na lang bilhin,nauunawaan ko na malaki ang nagastos mo sa pagpapaospital sakin,ako na ang bahalang magpaliwanag sa mga kapatid mo." Bilin nito.

"Ayos lang po Inay,may natitira pa po akong pera." Nakangiting sagot niya bago umalis.

Hindi pa rin Ito nakapaglalakad ng maayos ganunpaman ay malaki na ang ipinagbago ng kanyang ina.Masama mang sabihin,parang may magandang naidulot ang aksidenteng nangyari dito.Magmula kasi noon ay hindi na Ito nagsugal o uminom ng alak.Noong minsan pumunta ang mga kaibigan ng nanay niya pero Hindi na Ito nakipag-laro ng bingo o anumang sugal.

_______

Malalim ma ang gabi pero Hanggang ngayon Hindi pa rin siya dinadalaw ng antok.Kanina pa siya pabago-bago ng posisyon sa kanyang kinahihigaan. Nang di na makatiis ay napilitan siyang bumangon at lumabas ng bahay.

Naupo siya sa isang upuang gawa sa kahoy habang nakatingin sa kawalan.Tahimik na ang paligid,palatandaan na natutulog na ang mga kapitbahay nila.Hindi niya alam sa sarili kung bakit Hindi siya makatulog ng maayos nitong mga nakaraang gabi.

Saka niya naalala ang ipinadala sa kanya ng babae Kanina sa mga tauhan nito.

Dalawang linggo na ang nakalilipas ng huli siyang ipasundo nito at Kanina lang ay muling nagpakita ang mga tauhan nito.Akala niya noong una ay papupuntahin ulit siya soon sa hotel kung Saab ang tagpuan nila pero nagkamali siya.

Agad siyang bumalik sa loob ng bahay at tumuloy sa kwarto.Kinuha niya ang hinubad na pantalon na nakalagay sa basket kasama ng iba niyang marunong damit.Matapos kuhanin sa bulsa ng pantalon ay Naupo siya sa gilid ng higaan bago iyon binasa.

"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa!tapos na ang trabaho mo sa akin!Ang usapan natin after one month at Hindi pa ako nabubuntis ay ititigil ko na.At Ito nga after one month,Hindi ako nagbuntis!
But don't you worry,tinupad ko ang pinag- usapan natin.Dinagdagan ko pa yang halaga na nasa tseke!"

Ito ang mga salitang nabasa niya sa maikling sulat ng babae.Pinagmasdan niya ang tseke na hawak ng isa pa niyang kamay.Tama ang babae dinagdagan nito ang halagang pinag- usapan nila.Sa halip na two hundred thousand lang ibinigay nito,ay nabasa niyang kalahating milyon ang nakasaad sa tseke.Dahil nabigyan na siya ng babae ng paunang bayad na dalawang daang libo na ginastos niya sa ospital at magpahanggang ngayon ay may natitira pa siyang,pera mula sa paunang bayad.

Hindi siya sigurado pero parang mayroon siyang panghihinayang na nararamdaman ngayon.

"Dahil ba Hindi Hindi kami nagkaanak?"

"O dahil wala ng dahilan pa na magkita kami ng babae?dahil dito na mismo nanggaling na di na niya ako  kailangan."

Nakatulugan na niya ang mga katanungang ito sa isip niya na di siya sigurado sa kasagutan.

Loveuall:;: miss A.

Please join my group on Facebook wattpad updates assumer21

Please vote and share...

my INNOCENT MAN #watty2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon