Please subscribe to my YouTube channel 👉 ASSUMER21 CHANNELInstagram: assumer_21
"Ian, maghalo ka ng semento limang sako." Utos sa kanya ng mason na kasama niya.
Kahit tirik ang araw ay patuloy siyang nagtatrabaho kasama ng iba pa. Mabilis siyang sumunod sa mason nila at ginawa ang iniutos nito. Mabait naman si mang Rolly kaya lang strikto ito pagdating sa trabaho. Hindi pwede ang pabagal-bagal sa trabaho dahil agad itong nagsesesante kahit di alam ng foreman nila. At kailangan niya ang trabaho ngayon,dahil siya lamang ang inaasahan ng pamilya niya.
Nahihirapan man siya sa trabaho bilang labor ng construction ay nagtitiyaga siya. Hindi siya nagrereklamo Kahit anong ipagawa sa kanya. Tulad na lamang ngayon, pinaghahalo siya ng limang supot ng semento, dalawang supot pa nga lang nahihirapan na siya.
"Bilisan mo, Ian, at dalhan mo ako dito ng hinalo mo." Sigaw nito sa kanya.
"Nandyan na mang Rolly." sagot niya at nagmamadaling naglagay sa isang timba.
Kaya ng tumigil sila ng alas singko ng hapon ay pagod na pagod siya,pakiramdam niya ay gusto na niyang mahiga at magpahinga.
" Ian, pre,mag-inom muna tayo kahit isang gatang na lambanog lang." Pag-aaya sa kanya ng kapwa labor na si Boyet.
"Sa susunod na lang pare, may gagawin pa ako sa bahay." Tanggi niya.
"Palagi mo na lang ako tinatanggihan, magtatampo na ako sayo niyan," sabi nito.
" Hayaan mo sa susunod na sweldo natin sagot ko ang alak." Nakangiting pangako niya dito. "Sige, pare, una na ako sayo."
"Aasahan ko ang pangako mong iyan Ian." Pahabol pa nito habang paalis siya sa site.
Hindi naman siya sa isang kompanya nagtatrabaho at hindi rin sa agency. Dito lamang siya nagtatrabaho malapit sa bahay nila, isang ospital ang itinatayo nila. Nakapagtrabaho siya dito sa tulong na din ng kapitbahay at katrabaho niyang si Boyet.
Bumili na siya ng bigas at ulam sa tindahan na malapit sa bahay nila.
"Papa Ian, kahit pawisan ka mukha ka paring mabango." Sabi ng may-ari ng tindahan na si Tony na isang bakla.
Sanay na siya dito na palagi siyang binibiro ng ganoon sa tuwing bumibili siya dito.
"Isa pa palang topz na sabon." Nang maalala na kailangan niya maglaba bukas ng maaga.
"Hay naku papa Ian,kesa nagtitiis ka dyan sa kakarampot mong kinikita bakit kasi di mo na lang tanggapin ang matagal ko ng inaalok sayo." Pangungulit na naman nito sa kanya.
Kinuha niya ang mga binili,matapos magbayad dito.
"Masaya ako sa trabaho ko Tony,napagkakasya ko naman sa pamilya ko ang kinikita ko," paliwanag niya.
"Pero kulang,ah basta kapag nagbago ang isip mo magsabi ka lang sakin, malakas ka naman sakin papa Ian." Malanding sabi pa nito.
Natatawa siya sa sinabi nito."Oo na, sige uuwi na ako malapit na gumabi wala pang sinaing sa bahay."paalam niya dito.
Kahit bakla si Tony ay pormal ito o Hindi magaslaw. Ni minsan Hindi rin siya nito hinawakan o kahit haplos sa braso ay Hindi ito nagtangka. Alam kasi nito na iyon ang pinakaayaw niya,di bale ng biruin siya nito palagi.
"Liit, magsaing ka na, ito ang bigas." Sabay abot niya ng bigas at noodles sa nakababatang kapatid.
"Akina kuya, kanina pa nga kami gutom nina len-len at totoy." Sabi nito.
"Bilisan mo na lang kaagad magluto, para makakain na tayo." Tumatangong sabi niya sa kapatid.
Nagtungo agad ang kapatid niya sa kusina dala ang bigas at ulam. Siya ang panganay sa kanilang magkakapatid at si Liit ang sumunod sa kanya.
"Kuya may project ako sa school, kailangan ko ng Oslo paper at water color." Sabi sa kanya ng pangatlo sa kanilang magkakapatid na sampung taong gulang na si Len- len.
"Kasya na ba ang singkwenta pesos sa project mo?" tanong niya habang dumudukot sa bulsa ng pera.
" oo kuya, kapag may sukli ibabalik ko na lang sayo." Masiglang sagot agad nito ng iaabot niya ang pera.
"Nasaan nga pala si Inay?" Tanong niya Kay totoy na naglalaro ng pogs sa sala.
"Kuya baka nagbibingo sabado ngayon eh," sagot nito.
Hindi na siya nagulat sa ina kung nagbibingo man ito. Magmula ng hiwalayan ito at iwan sila ng kanilang ama ay naging ganito na ito. Palagi na itong nakikipag-inuman sa mga kumare nito, kung hindi naman ay nagmamajong o naglalaro ng bingo tulad ngayon.
Napabuntong hininga siya bago nagtungo sa kwarto nilang magkapatid na si totoy. Ang dalawa niyang kapatid na babae at ang ina niya ay sama-sama sa kabilang kwarto na maliit lang din.
Nagpalit muna siya ng pambahay na damit, mamaya na siya maglilinis ng katawan bago matulog,pagod pa ang katawan niya. Nang makapagpahinga sandali ay lumabas siya ng kwarto.
"Kuya, kain na tayo." Pag-aalok sa kanya ni Liit habang naghahain sa mesa.
"Totoy, Len-len, pumunta na kayong dalawa dito." Tawag niya sa mga kapatid." Liit, tirhan mo na lang si Inay ng pagkain, ng sa ganun my makain siya pagdating." Bilin niya sa kapatid.
"Nagtabi na ako kuya,magagalit na naman kasi si Inay kapag naubusan ng pagkain eh," pahayag ng kapatid.
"Unawain na lang natin si Inay,alam naman natin na may pinagdadaanan siya." Malungkot niyang sabi.
"Oo kuya, naaawa nga ako kay Inay." Sagot ni Liit.
"Kuya, pwede ba akong sumali sa Valentine's party?" Pag-iiba ng kapatid niya.
"Malaki ba ang magagastos?" Tanong agad niya.
"Medyo kuya." Nag-aalangan na sagot nito.
"Sa isang linggo pa naman yata yan diba?titingnan ko kung may magagawa akong paraan." Sabi niya.
"Pero kuya OK lang kung di ako makasali,kung talagang wala kang pera," sabi pa nito.
"Wag kang mag-alala, gagawan ko ng paraan minsan lang naman at saka para maranasan mo din." Nakangiting sagot niya saka tumayo mula sa hapag-kainan.
Kailangan niyang matulog ng maaga para gumising ng alas tres ng madaling araw.Nagtitinda siya ng pandesal tuwing umaga bago pumasok sa construction site. Sa totoo lang hindi sapat ang kinikita niya sa construction, kahit nga nagtitinda pa siya ng pandesal.
Loveuall;:;:missA.
Please vote and comment
Please subscribe my YouTube channel assumer21
BINABASA MO ANG
my INNOCENT MAN #watty2018
General FictionDesperadang kumuha ng bayarang lalaki si Cassandra sa kagustuhang magbuntis, hindi dahil gusto niyang magkaroon ng anak kung 'di makuha ang lalaking kinahuhumalingan. Nagtagumpay ang plano niyang magdalang tao but to her surprise hindi niya ang nak...