Afert ten months
Ian's POV
"Tama na Loreli,nakakahiya tingnan mo andami ng tao dito sa food court."nahihiyang reklamo niya sa girlfriend.
Magmula ng nakilala niya ang babae ay palagi na itong gumagawa ng paraan upang mapansin niya.Hindi mahirap mahalin si Loreli, bukod sa maganda na ay napakabait at maalaga sa kanya.Maging ang pamilya niya ay ipinapakita nito ang pagmamahal sa kanila,kaya naman makaraan lamang ang tatlong buwan ay niligawan niya ito at agad din naman siyang sinagot.
" Hayaan mo sila bebe ko,ito pa kumain ka pa ahh.."isinubo ulit sa kanya ang shawarma na inorder nila."Alam mo namang love na love kita kaya hindi ko ikakahiya na ikaw ang boyfriend ko noh...napakaswerte ko sayo bebe ko.Mabait,mapagmahal sa pamilya,makadiyos at higit sa lahat gwapo."Hindi pa ito nakontento at hinalikan siya sa pisngi.
"Ikaw talaga,bolera ka pa rin Hanggang ngayon." Tumatawang sabi niya dito.
"Bakit?totoo naman lahat ng sinasabi ko,nasa iyo na lahat ng hinahanap ko sa Isang lalaki.Alam Kong magiging mabuti kang asawa at ama ng magiging mga anak natin." Nakangiting sagot nito.
Napalunok siya ng di sinasadya sa sinabi ng girlfriend.Mahal niya ito pero Hindi pa siya handa para bumuo ng pamilya.
"Pero Loreli alam mo namang pinag-aaral ko pa ang mga kapatid ko diba." Malumanay na sabi niya.
"Hindi naman ako nagmamadali,maghihintay ako kung kailan ka magiging handa." Sagot nito.
"Salamat.Ikaw naman ang susubuan ko,napapansin ko Hindi ka na kumakain." Sabi niya.
"Parang lalong sumarap itong kinakain natin dahil sinubuan mo ako."kinikilig na sabi ni Loreli.
Masaya kasama ang babae,ito ang gumagawa ng paraan kung Paano siya mapapatawa.Madalas kasi nahihiya siya maglambing dito lalo na kapag nasa public place sila tulad ngayon.
"Bebe ko,bilhan natin sina Inay at ang mga kapatid mo ng shawarma para matikman din nila kung ano ang kinain natin." Naaalang sabi nito ng natapos sila kumain.
"Sige,halika habang walang masyadong customers." Pag-aaya niya at magkahawak kamay silang nagtungo sa stall.
"Parang kailan lang,dati kakalipat ko pa lang malapit sa bahay ninyo tapos ngayon six months monthsary na natin." Pahayag nito habang naglalakad sila palabas ng mall matapos bumili ng pasalubong sa pamilya niya.
"Oo,napakabilis ng panahon."masayang sagot niya.
"Next time manood tayo ng movie bebe ko,sayang may bisita kasi kami mamayang gabi kaya tutulong ako magluto Kay mama." Pahayag nito habang nakakapit sa Isang braso niya.
"Hayaan mo marami pa namang pagkakataon." Paliwanag niya.
"Anong meron doon bebe ko bakit maraming tao?halika tingnan natin baka may artista."sabay hila sa kanya ng girlfriend patungo sa tapat ng mall.
" Ikaw talaga,tao din naman yan katulad natin."naiiling na sabi niya dito pero Hindi na napansin ang sinabi niya dahil nanghahaba na ang leeg nito upang makita ang pinagkakaguluhan ng mga tao.
"Ate,anong meron diyan?"di nakatiis na tanong nito sa Isang babae na nakikigulo din.
"May photoshoot daw yung Isang sikat na model at diyan gaganapin sa gitna ng kalsada,bagong labas daw ng kotse ang iendorse." Sagot nito ng di sila nililingon.
"Sino daw si ms.Brooks ba?"Hindi niya naiintindihan ang pinag-uusapan ng mga ito,palibhasa wala siyang hilig sa showbiz.
"Oo,kaya nga ako nagtitiyaga dito makipagsiksikan kasi paborito Kong model iyon eh,ang ganda-ganda pa." Kinikilig na paliwanag ng ka tabi nila.
"Talaga?si Ms.Brooks!narito!ayiee..bebe ko narinig mo iyon?ang idol ko narito..makikita ko na siya.." Tuwang-tuwa na sabi nito sa kanya habang niyuyugyog ang Isang braso niya.
"Oo na,kaya lang baka Hindi mo makita dahil sa kapal ng tao."turo niya sa paligid.
"Bebe ko minsan lang naman ito kaya halika makipagsiksikan pa tayo doon sa unahan,para kapag nag-umpisa na ang Photoshoot makita ko siya sa malapitan."wala siyang nagawa kundi ang sumunod sa kagustuhan ng girlfriend, ngayon lang ito humingi ng pabor sa kanya madalas kasi siya ang inuunawa nito.
" Ayan magsisimula na siguro."bulong nito sa kanya ng magtagumpay silang makapunta sa unahan.Nanatili na lamang siyang nakatayo sa katabi ni Loreli habang magkahawak kamay sila.Pero ang totoo naiinip na siya kanina pa.
"Grabe,sikat na sikat talaga ang idol ko tingnan mo bebe ko ang ganda at mukhang mamahalin yung kotse na iendorse niya." Turo nito sa Isang kotse na nasa gitna ng kalsada.
"Sana magkaroon ako ng chance na makapagpa-autograph sa kanya,kaya lang ang higpit ng security dito." Sabi pa nito.
"Ayon,ayon na siya bebe ko,hoooo...idol...ms.Brooks I love you number one fan mo ako..marami akong collection ng mga picture mo." Di nakatiis na sigaw ng girlfriend niya.
Napapailing siya habang nakangiting nakatingin sa katabi,sabagay lahat naman ng nasa paligid ay naghihiyawan maliban siguro sa kanya.
"Bebe ko tingnan mo ang ganda-ganda niya lalo na sa personal at napakasexy!Teka yung cellphone ko kukuhanin ko sandali sa bag ko." Natatarantang sabi nito.
Walang ganang tiningnan niya ang tinutukoy ni Loreli at ganoon na lamang ang labis na pagkagulat niya.
"Bebe ko sabi ko pakihawakan nitong bag ko para masmakapag-picture ako ng maayos." Untag nito sa kanya.
"Si-ge,a-kina na."Kinuha niya ang bag mula dito,at wala itong tigil sa pagkuha ng picture Hanggang sa matapos ang photoshoot ng idol nito.
" okay ka lang ba kanina ka pa walang imik?"puna nito sa kanya habang nakasakay sila ng traysikel pauwi.
"Ha,wala naman,napagod lang siguro ako." Kaila niya.
"May bago na naman akong collection ng picture ng idol ko at ang mas maganda ay nakita ko na siya ng personal,ayos lang kahit di ko siya nalapitan.habang walang sawang tinitingnan ang picture ng modelo sa cellphone nito.
Sa dinami-dami ng magiging paborito na modelo ng girlfriend ay bakit siya pa?Hindi lang niya maiwasang maalala ang nangyari.
Loveuall;:: miss A.
Please subscribe to my YouTube channel: Assumer21
And also nasa mababasa na Rin sa DREAME APP ang story na ito
Please vote and share my story...at salamat
BINABASA MO ANG
my INNOCENT MAN #watty2018
General FictionDesperadang kumuha ng bayarang lalaki si Cassandra sa kagustuhang magbuntis, hindi dahil gusto niyang magkaroon ng anak kung 'di makuha ang lalaking kinahuhumalingan. Nagtagumpay ang plano niyang magdalang tao but to her surprise hindi niya ang nak...