CASSANDRA's/MADAM's POV
"Sir Ian,sir nariyan po ba kayo?si baby Cassidy po kailangan ng paliguan!"sinabayan pa ng malakas na katok sa pintuan ng kwarto niya.
"Shut up!wala dito ang hinahanap mo!" nakapikit pa ring sigaw niya sa katulong."P*nyet*."at nagtakip ng unan sa tenga.
Ilang sandali pa ng matigilan siya at nagmulat ng mga mata ng maalala ang lahat ng nangyari kagabi.Umatend siya sa isang party at naparami ang nainom niya doon.
"Sh*t." bulong niya at nilingon ang katabi na mahimbing ang tulog.Saka lamang niya napansin na nakayakap sa kanya si Ian at kapwa wala pa din silang suot na damit."Gumising ka!"hinampas niya ito ng kamay sa balikat dahilan upang magising agad ang lalaki.
"Good morning." bati pa nito.
"Kahit kailan Hindi naging maanda ang umaga ko!umalis ka na dito sa kwarto ko."utos niya saka ito tinalikuran at maramdaman niya ang pag-alis nito sa kama.
"Anong gusto mong kainin?ipagluluto Kita ng agahan."muli siyang napalingon kay Ian na nakasuot na ng pajama at nakalagay lang sa isang balikat ang suot nitong t-shirt kagabi.
"Feeling close?!lumayas ka na dito!ayoko ng makita ang pagmumukha mo."pagtataboy niya sa lalaki.
"Tatawagin na lang kita mamaya kapag nakapagluto na ako." saka ito umalis sa harapan niya at hindi pinansin ang sinabi niya.
Padabog siyang muling nagtakip ng unan sa mukha at pinilit ang sarili na makatulog pero hindi na niya nagawa.Nagpasya na lamang siyang magtungo sa banyo para maligo upang mabawasan ang hangover na nararamdaman.
"Mam Cassandra ipinapatawag po kayo ni sir Ian,nakahanda na daw ang almusal."maulinigan niyang sabi ng katulong sa labas ng pintuan ng kanyang kwarto.
"Tell him I never eat his food!" nakairap na sagot niya habang binoblow dry ang buhok.
"He is annoying and I really hate that bastard."inis na sabi niya habang ipinagpapatuloy ang ginagawa.
"Dinalhan kita ng sopas at gamot para sa hangover." madilim ang mukha niyang nilingon ang lalaki na may dalang tray ng pagkain.
"Hindi ka ba marunong umintindi o sadyang nagtatanga-tangahan ka lang!" malakas na Sita niya dito.
"Kumain ka kahit konti Cassandra,alam kong kumakalam na ang sikmura mo mag-aalas onse na."mahinahong sagot nito at ipinatong sa kama niya ang tray.
Ibinagsak niya ang hair dryer na hawak at naglakad papunta sa bathroom upang muling sumuka sa sink.
"Sa sussunod huwag ka ng uminom ng maraming alak." nag-aalalang sabi ni Ian habang hinihimas ang kanyang likod.
"Tsk,don't touch me at sino ka para pagsabihan ako ng dapat kong gawin?"muli na naman siyang sumuka marahil ay sa dami ng alak niyang nainom kagabi Kung kaya hanggang ngayon ay sumusuka pa rin siya.Nanghihinang naghilamos siya ng tubig at nagpunas ng towel na naroon.
"Kumain ka kahit kaunti para malagyan ng pagkain ang sikmura mo."pangungumbinsi ni Ian sa kanya ng lumabas sila sa banyo."Namumutla ka na." Puna pa nito.
Tinulungan siyang humiga ni Ian sa kanyang kama at sinubuan siya ng pagkain na niluto nito.Hindi niya malasahan ang pagkain pero nakatulong ito para maibsan ang paghapdi ng sikmura niya.
"Ayoko na." pigil niya sa kamay ng lalaki ng muli siyang susubuan."Masusuka ulit ako."sabi niya at mabilis na bumaba sa kama.
"Teka lang sasamahan na kita " at mabilis siya nitong inalalayan papunta sa banyo.
"Ano ba!kaya ko ang sarili ko." inis na sabi niya sa lalaki pero hindi ito nagpaawat sa pag-alalay sa kanya.
Dalawang beses pa siyang bumalik sa cr para sumuka kaya nabalewala din ang kinain niya at isinuka ito lahat.
"Magpahinga ka na lang muna,dadalhin ko lang sa kusina itong natira mong pagkain at titingnan ko na rin ang anak natin." paalam nito matapos siyang tulungang humiga sa kama,hindi siya sumagot sa halip ay ipinikit niya ang mga mata.Sa ilang ulit niyang pag-inom ng alak at Kung minsan ay halos gumapang na siya sa kalasingan pero ngayon lang niya naranasan ang sumuka hanggang kinabukasan.Sa natatandaan niya ay hindi naman siya masyadong lasing na lasing kagabi.
"Humihina na yata ang sikmura ko sa alak."puna niya sa sarili.
"Kumusta ang pakiramdam mo?Dinalhan kita ng gatas,ito inumin mo."iniabot ni Ian ang isang basong gatas sa kanya at walang imik na ininom iyon pero kaunti lang.
"Ilalagay ko lang dito sa side table para may mainom ka mamaya." sabi nito at ipinatong doon ang baso ng gatas na ibinalik niya sa lalaki.
"Tumawag yung manager mo kanina habang natutulog ka,sinabi ko na hindi maganda ang pakiramdam mo." pahayag nito habang nakaupo sa gilid ng kama niya.
Para siyang walang narinig at muling pumikit ng mga mata.
"Gusto mo bang dalhin na kita sa ospital? nag-aalala na ako sayo maghapon kang sumusuka,hindi nawawala ang pamumutla mo."naiirita siya sa pagiging over acting ng lalaki.
"Will you please shut your mouth!and for you info hanggang three pm lang akong nagsuka,it's almost eight o'clock in the evening!"singhal niya ng imulat ang mga mata."Assh*le!"bulong pa niya.
"Sir Ian doon po ba ako ulit matutulog sa kwarto ng alaga ko?"nakita niya ang katulong at karga ang anak nila.
Lumapit ang lalaki at kinuha ang sanggol mula sa katulong."Ako na ang bahala sa anak ko Gretchin,sige magpahinga ka na."
"Sige po sir good night po."nakangiting sagot ng Yaya ng anak na ikinataas ng kilay niya.
" hmp,Pobre nga naman madali magkapalagayang loob."sabi niya sa sarili.
"Baby narito tayo sa room ni mommy,gusto mo ulit matulog dito?" kausap ni Ian sa anak habang papalapit sa kinaroroonan niya.
"Matutulog na ako so get out!" ni hindi niya tiningnan ang anak at tinalikuran ang mga ito upang matulog kahit ang totoo ay hindi pa siya inaantok.
Loveuall::miss A.
![](https://img.wattpad.com/cover/138252997-288-k951139.jpg)
BINABASA MO ANG
my INNOCENT MAN #watty2018
Fiksi UmumDesperadang kumuha ng bayarang lalaki si Cassandra sa kagustuhang magbuntis, hindi dahil gusto niyang magkaroon ng anak kung 'di makuha ang lalaking kinahuhumalingan. Nagtagumpay ang plano niyang magdalang tao but to her surprise hindi niya ang nak...