31

8.8K 214 79
                                    

Please subscribe to my YouTube channel 👉 ASSUMER21 CHANNEL

Instagram: assumer_21



IAN's POV

After three months

"Sir Ian ito ang towel at damit mo." Kinuha niya ang iniabot ni Liezl.

Dahil sa pakiusap ng manager ng asawa niya ay pumayag na din sila sa kagustuhan ni Deo.

Noong una ayaw ni Cassandra dahil wala saw siyang alam sa pagmomodel at ganoon din ang katwiran niya.

Peri hindi nawalan ng pag-asa si Deo at agad siyang isinailalim sa training bago ang naturang fashion show. Akala niya ay hanggang doon na lamang, ngunit pagkatapos nito ay may nag-offer agad isang clothing line at siya ang napiling endorser.

Sa madaling sabi ay muli niyang pinagbigyan ang endorsement at ngayon ay narito sila sa isang beach resort sa Batangas.

"Salamat." Papunta siya sa sariling cottage ng may humarang sa kanyang isang babae.

"Hi handsome." Nang-aakit na boses ng isang maganda at seksing babae, nakasuot ito ng black two piece.

"Ha-hi." Nauutal na bati niya, dahil hindi siya sanay sa makisalamuha sa mga taong mayayaman at mukhang mayaman ang kaharap.

"Napakagwapo mo naman, saang sulok Ka ba nagtago at ngayon lang kita nakita." Sinasadya nitong ilapit sa kanya ang balingkinitan nitong katawan.

Pilit siyang lumalayo sa babae dahil kaunti na lamang ay mahahalikan na siya nito sa labi at naamoy niya ang amoy ng alak mula sa bibig nito.

"Teka lang miss, may-"

"Pangga ang anak mo kanina pa umiiyak!" Nagulat siya sa pagsulpot ng asawa at padabog na ibinigay sa kanya ang kanilang anak. Mabuti na lang maliksi ang kamay niyang nasalo ang anak kung hindi baka nahulog na ito.

"Hoy malanding babae! Humanap Ka ng walang asawa! Bitch!" Nanggigil na pumagitna ito sa kanilang dalawa ng babae at nakahawak sa malaking tiyan. "Get out of my sight! Subukan mong lumapit sa asawa ko, gigilitan kita sa leeg.

Bakas sa reaksyon ng babae ang takot at nagmamadaling lumayo sa kanila.

"Huwag mong pansinin pangga, lasing lang siguro yung babae." Inakbayan niya sa balikat ang asawa pero mabilis nitong inalis ang braso niya. ''Bakit di ka nagpasabi na darating kayo ng anak nation?"

Tatlong araw ang pictorial niya dito at ngayon ang huling araw.

"Isa ka pa!" Naniningkit ang mga mata nitong tiningnan siya. "Kung di ko pa naisipang puntahan ka, wala akong kamalay-malay nagpapalandi ka na sa mga babae dito!" Galit na akusa ng asawa

"Doon tayo sa  cottage, nakakahiya pinagtitinginan tayo ng mga dumadaan." Mahinang sabi niya at sinulyapan ang mga tao.

"Wala akong dapat ikahiya! Ikaw ang mahiya sa mga pinaggagawa mo!" Tungayaw ng asawa

Napabuntong hininga na lamang siya sa iginagawi ni Cassandra.

"Pangga nagkakamali ka ng iniisip, siya ang lumapit sakin, nakita mo naman siguro ako ang lumalayo." Mahinahong paliwanag niya.

"Wag mo akong mapangga-pangga! Panggain ko yang mukha mo." Muli niyang ikinawit ang isang braso sa bewang ng asawa at iginiya papunta sa cottage, nasa kabilang kamay naman niya si Cassidy.

"Tama na, ang baby natin." Paalala niya. "Hayaan mo sa uulitin hindi na ako makikipag-usap sa ibang babae." Sa totoo lang nahihirapan siyang pakibagayan ang ugali ng asawa, kailangan pa niya itong suyuin hanggang sa mawala ang galit nito.

"Ganito ba talaga ang mga asawang babae? Demanding, selosa at gustong sila palagi ang nasusunod! Kasama na siguro siya sa samahan ng mga TAKUSA." Napapaisip na sabi niya sa sarili.

"Hmp, siguruhin mo lang kung hindi ikaw ang gigilitan ko!" Kung anu-ano na din ang pagbabanta sa kanya ng asawa, kung hindi puputulan ay gigilitan daw siya.

Nag-aalala siyang baka totohanin ng asawa ang ganitong pagbabanta dahil sa ugali nitong magagalitin at saksakan ng selosa, minsan nakakasakal na! Pero tinitiis niya para sa mga anak.

"Pangga ilang beses ko bang aaminin sayo na mahal kita at hindi mababago iyon." Hinalikan niya ito sa pisngi bago pumasok sa loob ng cottage.

"Hmp, ewan naiinis ako sa naabutan ko!" Umupo ito sa upuan. "Ilang araw na along hindi makatulog dahil wala ka, tapos yun pa ang makikita ko! Kulang na lang maghalikan kayo." Nagagalit ang ekspresyon nito pero kasabay niyon ang pagtulo ng mga luha sa mukha nito.

Inilapag niya ang anak sa kama at hinarangan ng mga unan, saka nagmamadaling nilapitan ang asawa.

"Pangga, sorry na, sorry hindi na mauulit." Pinahid niya gamit ng kamay ang mga luha nito.

Isa pa ito sa mga ugali ng asawa, ang umiyak pagkatapos magalit o habang nagagalit. Sa halip na magalit siya sa pagiging magagalitin at pagseselos nito ng wala sa lugar ay parang ito pa ang dehado.

"Nakakainis ka! Porke ba ang taba-taba ko na, kaya tumitingin ka sa iba!" Sumisinghot na sabi nito at niyakap na lamang niya ang asawa.

Hindi niya kanyang makita na umiiyak si Cassandra, kaya kahit alam niya sa sariling wala siyang ginagawang masama ay siya ang nagpapakumbaba at sinusuyo ito.

"Wala namang kaso kung mataba ka, ikaw pa rin ang mahal ko at kahit tumaba ka ng husto ikaw pa rin ang mamahalin ko. Kahit  topakin ka at kahit palagi lang may toyo mahal na mahal kita pangga." Madamdaming pahayag niya at inilayo ito ng bahagya sa kanya upang halikan ito sa labi.

"Namiss kita eh." Sabi nito matapos ang pinagsaluhan nilang halik at kusang yumakap sa kanya.

"Ako din naman, maghahanda na dapat ako sa pag-uwi ng bigla kang dumating." Paulit-ulit niyang hinalikan ito sa ulo. "Namiss ko din ang mga anak natin."

"Totoo?" Lumayo ito sa kanya at wala na ang galit sa mukha pero nakalabi naman itong nagdududa sa sinabi niya.

"Totoo, syempre, sobrang miss ko na kayo, lalo ka na." Nginitian niya ito saka muling kinintalan ng halik sa labi.

"Sinungaling!"

"Paano mo nasabi pangga?" Kunot ang noong tanong niya.

"Eh bakit hindi mo na ako ginaganito?"

"Anong hindi ginaganito?" Hindi niya naiintidihan ang paulit-ulit na paglapat ng isang daliri nito sa kanyang braso.

"Kung talagang namimiss mo ako, bakit hindi ka nakikipagsex sakin?! magtatatlong buwan na! Ang hina mo umintindi!"Nakabusangot na lamang sabi nito.

Loveuall:: miss A.

Please vote

my INNOCENT MAN #watty2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon