Ian's POV
Pagkatapos ng lahat ng nangyari ay nanatili pa rin silang nakahiga ng asawa habang nasa ilalim ng kumot ang hubad nilang katawan,ng lingunin niya ang katabi ay nakapikit ito at inisip na nakatulog.Kusa niyang inilagay ang kanyang braso sa ilalim ng ulo ni Cassandra para maging unan nito at Hindi niya maipaliwanag kung bakit pero parang may nagtutulak sa kanya na halikan sa buhok ang asawa,Hindi pa siya nakuntento hinalikan ulit ito sa noo pababa sa tungki ng ilong.Natigilan siya at nagdadalawang isip kung hahalikan ba ang asawa sa mapupula at napakalambot na labi nito dahil baka magising,paniguradong magagalit ito sa kanya.
"Bahala na." sigaw ng isang bahagi ng utak niya at marahan niyang inilapat ang sariling labi sa asawa.Naisip niyang baka talagang natutulog ito dahil kung gising magsusungit na naman sa kanya ang asawa.Lalayo na sana siya ng bigla na lamang itong gumalaw at kabigin siya sa batok pagkatapos ay gumanti ng halik.Ang Plano niyang sandaling paglapat ng mga labi nila ay naging malalim na halik,naglayo lamang sila sa isa't-isa ng kapwa naghahabol sila sa paghinga.Nakangiti siyang niyakap ang asawa,ewan ba niya sa sarili kung bakit ganito ang nararamdaman niya.
"Pinagtatawanan mo ba ako,mr.Valdespina?"nakataas ang isang kilay nitong nakatingin sa kanya
Hindi mawala-wala ang ngiti niya sa mga labi habang sunod-sunod na umiiling at walang sawang pinagmamasdan ang napakandang mukha ng asawa.Para sa kanya perpekto ang labas na kaanyuan nito,mga labing mapupula na hugis puso,matangos na ilong at mga matang madalas ay nakairap sa kanya.Pero kahit na palaging naasimangot at nagtataray si Cassandra,hindi nababawasan ni katiting ang kagandahan nito.
" Bumangon ka tanghali na,nagugutom ako wala pa tayong pagkain ngayong lunch."kahit balik a ulit sa dating ugali ag asawa ay masayang-masaya pa rin siya,pagkatapos magbihis ay nag-aalangan kung hahalikan niya ito na parang goodbye kiss pero nagdadalawang isip siya
"Ano pang tinatayo-tayo mo dyan?" mataray na tanong nito habang nakahawak sa kumot na nakatakip hanggang sa dibdib
"Ah,wala magluluto na ako." napapahiyang sabi niya at lumabas sw kwarto at mabilis ang kilos na naghanda ng lulutuin para sa tanghalian.
"Anong lulutuin mong ulam?"lumingon siya sa asawa na nasa kanyang tabi at nakatingin sa hinihiwa niyang labanos
" Sinigang na baboy o may gusto ka pang ipaluto?iinitin ko mamaya yung adobong adidas bago tayo kumain"
"Hindi ayoko na nun,gusto ko ang sinigang na iluluto mo pero wag hindi maasim." mabilis na sagot ng asawa
Napatulala siya sa sinabi nito,naisip niyang hindi na sinigang ang tawag doon kundi nilaga."S-sige,hindi ko lalagyan ng pang-asim."sang-ayon na lamang niya
"At saka wag na wag mo rin lalagyan ng hinihiwa mo na mabaho,ano ba ang tawag dyan?" nakatakip sa ilong na wika ni Cassandra.
"Labanos.kung ayaw mo itatabi ko na ulit ito sa ref" tumatangong sagot niya.
"Okey basta gusto ko ng sinigang na hindi maasim at walang kahit anong gulay,babalikan ko si Cassidy baka nagising na." gusto niyang magreklamo sa sinabi nito,pero baka magalit kaya sinunod na lamang niya kung ano ang kagustuhan ng asawa,sa isang banda ay natutuwa siya dahil kahit papaano ay nagiging concern ito sa anak nila paminsan-minsan,nahiling niya na sana ay ito na ang simula ng unti-unting pagbabago ni Cassandra
___
Pagkatapos nilang kumain ay nagtungo agad siya dito sa maliit na tindahan ng kanyang ina,maliit man pero marami ang bumibili sa kanila.Halos lahat ng kapitbahay nila ay dito bumibili dahil malayo pa ang pinakamalapit na tindahan a iyon ay kay Tony na di hamak na mas malaki dito sa sari-sari store ng ina.
"Gusto kung matulog."napatingin siya sa nagsalita sa kanyang likuran habang may batang bumibili
" Toy ito ang sukli mo"saka niya muling binalingan ang asawa"Pwede kang matulog sa kwarto kukunin ko ang isa pang bentilador sa kwarto nina inay"sabi niya at nagmamadaling nagtungo sa kwarto ng ina.
"Ito nakuha ko na para hindi ka masyado mainitan" binuhay niya iyon habang nakaupo sa gilid ito ng Kama at naglalaro naman ang kanilang anak sa higaan."Doon lang ako sa tindahan bka may bumili ulit "
"Samahan mo akong matulog,lagyan mo ng close na paskil yung tindahan nyo at isarado mo ang pintuan" utos nito na hindi tumitingin sa kanya at nahiga sa katabi ng anak paalikod sa kanya
"Pero sayang ang-sige isasara ko lang sandali" sagot niya ng lumingon ito at masamang nakatingin sa kanya.
Pagbalik niya ay naupo lang siya sa gilid ng higaan at ng muli itong lumingon."Anong ginagawa mo dyan?"
"Sabi mo bantayan Kita,kaya heto binabantayan ka" mabilis niyang sagot
"Yeah,pero di ko sinabing tumunganga ka,mahiga ka sa tabi ko at yakapin ako!alam na alam mo na hindi ako makatulog kapag di ka katabi"nakasimangot na sabi ng asawa
" Nakakapanghinayang ang mapagbebentahan-ko."mahinang sabi niya habang yakap ang asawa at nakatalikod sa kanya.
"Babayaran ko ng doble kung magkano man ang napagbebentahan mo sa isang araw,dami mong reklamo" inis na sabi nito ng humarap sa kanya si Cassandra,di niya magilan ang sarili na mapalunok sariling laway ng halos magkadikit na ang kanilang mukha.Nalalanghap niya ang mabango nitong hininga na lalong nagpapainit sa kanyang pakiramdam pero pinaglabanan niya ito.
"Wag ka ng maingay dyan,sa halip nakatulog na ang anak mo baka mamaya magising pa" sumiksik ito sa kanyang dibdib at gumanti ng yakap sa kanya,ewan lang kung naririnig ng asawa ang malakas na tibok ng puso niya sa kanilang posisyon ngayon,kasi siya dinig na dinig niya ang napakabilis na pagkabog ng dibdib.Lalo pang lumakas ang tibok ng kanyang puso ng magtaas ito ng tingin at bahagyang nakabuka ang mga labi.Muli siyang sunod-sunod napalunok ng laway sa nakakatuksong labi ng asawa,na para bang nag-aanyaya na halikan niya
"Alam mo ikaw masyado kang torpe!" kusa itong humalik sa kanya at parang nahuhulaan ang iniisip niya,kaya hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa at marahan siyang gumanti ng halik dito.Nawawala na siya sa sarili at kusang naglakbay ang kanyang mga kamay sa ilalim ng suot nitong t-shirt na pag-aari niya,may mga binili na itong damit sa bayan pero mas gusto pang suotin ang kanyang mga damit na dati ay pinipinatasan.Marahan niyang hinaplos ang makinis nitong likod patungo sa dibdib at paulit-ulit na hinimas ang nga iyon,lumayo siya ng bahagya dito at hinalikan ito Pababa sa leeg.Pareho na silang nahihibang sa ginagawa at parehong nag-iinit ang kanilang mga katawan,tanging mahihinang ungol nila ang maririnig sa loob ng maliit na kwartong iyon.
"Ian,ian anak!buksan mo ang pintuan!bakit sarado ang tindahan?ke aga-aga nagsasarado ka agad." natigilan sila pareho ng marinig ang malakas na boses ng ina sa labas ng bahay."Loreli,anong bibilhin mo?sandali lang kung bakit naman saradong-sarado itong tindahan"
"Nariyan na si inay,mamaya na lang huh" mabilis niyang hinalikan ang asawa sa umalis sa ibabaw nito.
"Sh*t,istorbo!"hindi niya ito pinansin at muling hinalikan pagkatapos magbihis.
" Ian nasaan ka na bang bata ka!nakatulog na yata Loreli."narinig pa niyang sabi ng ina.
"Inay nariyan na po."sagot niya at mabilis na naglakad palapit sa pintuan.
Loveall::miss A.
Please vote and share
Tnx for reading
BINABASA MO ANG
my INNOCENT MAN #watty2018
Fiction GénéraleDesperadang kumuha ng bayarang lalaki si Cassandra sa kagustuhang magbuntis, hindi dahil gusto niyang magkaroon ng anak kung 'di makuha ang lalaking kinahuhumalingan. Nagtagumpay ang plano niyang magdalang tao but to her surprise hindi niya ang nak...
