Pagpasok namin sa ospital ay nagtanong muna ako sa information desk kung saang kwarto napunta ang kapatid ko at agad yung pinuntahan. Pagpasok ay namangha ako kasi pang-mayaman ang silid, hindi ko afford ang ganitong silid... Pagpasok ko ay nakita ko na pinapakain ng nurse ang kapatid kong babae.
" A-ate!" Nakita ko ang paghihirap ni Liana sa pagsasalita at pagnguya ng pagkain. Lumapit ako sa kanya at niyakap siya.
" Baby pangako, di ka na iiwan ng ate ha! Aalis na tayo sa lugar na iyon para di ka na masaktan pa ng walanghiyang ama na yun!" Sabi ko habang humahagulgol sa kanya.
" A-ate!" Umiyak na rin siya at niyakap ako ng mahigpit. Di ko maramdaman sa mga oras na yun na nasa panganib kami kasi alam ko na binabantayan kami ng nasa taas.
" Mahal ka ni Ate ha!"
" Ma-mahal ko din po kayo Ate!" Sabi nito at hinalikan ko siya sa pisngi niya.
Doon nga ako nagtanghalian, nagkuwento lang ako ng nagkuwento sa kapatid ko hanggang sa makatulog siya ng biglang may pumasok sa loob.
" Ang sweet naman ni Ate!"
" Shut up Asungot! Natutulog ang kapatid ko, baka magising."
" Mag-qu-quickie lang naman tayo ehhhh!" Sabi nito na may pakagat ng labi pang nalalaman.
" Matakot ka nga sa mga pinagsasabi mo!"
" Hallelujah praise the Lord!"
Napailing na lang ako sa kalokohan ng Asungot nato, nawa'y mapatawad siya ng Diyos!
Kinuha ko na ang mga gamit ko at hinalikan sa noo ang kapatid. Nakita ko na nakanguso ang Asungot kaya tinampal ko ang labi nito at lumabas na nang walang lingon-lingon.
Di ko alam kung paano ako naunahan ng lalaki pero halata naman dahil kompara sa mga maliliit kong binti ay mas malalaki naman ang biyas ng lalaking to.
Pagdating sa parking lot ay padabog kong bubuksan sana ang pinto ng naunahan niya na naman ako kaya nakasimangot akong napaupo sa unahan habang siya naman ay parang may kakaibang nakita sa pagmumukha ko dahil sa kakaibang ngiti niya.
" Mag-smile ka naman dyan, crazy girl! Ikaw pa tong di kagandahan, ikaw pa tong nakabusangot ang mukha!" Sabi niya, natatawa.
" Anong nakakatawa sa pagmumukha ko ha?!" Sigaw ko.
Nakita ko na lumapit siya kaya napaatras ako, hinawakan niya ang noo ko at parang may orasyon siyang binubulong doon kasabay nang pagbinat niya ng pisngi ko.
" A-rey, anoww bawwww!" Sabi ko.
Binitawan niya agad iyon.
" Ano bang problema mo sa mukha ko ha?"
" Ang cute mo kasi ehhh!"
" Ohhh tama na yan mga anak, baka magkatuluyan kayo niyan ehhh!"
Napatingin kaming dalawa sa mata ng isa't isa bago sabay na tumingin sa likod na nanlaki ang mga mata.
" Maam?" Sabay-sabay na sabi naming dalawa.
" Ohhh ba't parang nakakita kayo ng multo? Ako lang to!"
" Kanina pa kayo dyan?" Tanong ko.
" Oo natutulog kasi ako dito pero nagising ako dahil sa ingay niyo. Yieee!" Kantyaw ni Maam samin kaya pinamulahan agad ako ng mukha at itinuon ko na lang ang tingin ko sa paligid.
" Oyyy namumula ang dalawa, kinikilig kayo nohhh!"
" Hindi po Maam! Mainit kasi ehhh!" Sabi ko.
" Anong mainit pinagsasabi mo? Air-conditioned kaya to." Sabi naman ng Asungot!
Panira talaga ng buhay ko'to ehhh, ano pwede ko na bang patayin ito o di kaya'y balatan ng buhay? Pagdating ulit namin sa BGC ay lumabas na ako di ko na hinintay pa ang pagbuksan niya, kala niya ha! Nauna na akong pumasok sa loob di na hinintay ang dalawa. Naupo na agad ako sa mga bakanteng upuan sa harap para mas malinaw ang dinig ko.
" 30 minutes and we will start our announcing of winners so stay tuned." Announced ng host. At dahil bored na bored na ako, kinuha ko ang cellphone ko na keypad at naglaro yung snake, hayst bwisit, kagigil naman ohhh.
" Is that your phone?" Nagdadalawang -isip na tanong ng lalaki. Tumango lang ako.
" Here, you can have this!" Iniabot niya sakin ang phone niya pero di ko tinanggap.
" Ok na sakin to, di ko naman kailangan ng magagarang gamit!"
" Wag ka nang mag-inarte, di ka pa naman masyadong kagandahan." Tinanggap ko na lang iyon baka ano pang matamo kong insulto galing dito.
Makalipas ang ilang minuto ay bumalik na ang host na may dalang envelope. Jusko kinakabahan ako, pero keri lang.
" Best Afternoon everyone, hawak ko na ang top 3 mula sa 10 school na naglaban-laban for the national competition on the Arts! And the top 3 is...."
Huminga ako ng malalim at ipinagdasal na sana makuha ako, pambayad sa mga gastusin ng kapatid ko.
" No. 6, comgratulations. Let's proceed to top 2, contestant no...." Mas lalong lumakas ang tibok ng puso ko at hindi na mapakali ang mga kamay ko, pinagpapawisan na ako ng malamig.
" 8, congratulations. Ok and the winner of this competition is contestant no...."
Self, kung di ka man manalo ngayon, wag kang mag-alala may international pa.
" 10. All the contestant that are not called, you still received 100, 000 each and the top 3 will receive 200, 000, 500,000 for the top 2 and 1,000,000 for our winner and will also received a ticket for 3 in Europe for a month, contestant no. 10, where are you no. 10?"
" Swerte naman ng nanalo nohhh, hayst."
" Ngeek, ikaw kaya ang panalo." Biglang nanlaki ang mata ko, oo nga ako pala si No. 10, bigla ko na lang nayakap si Dale sa sobrang tuwa, oh my goshhhh! This can't be! Am I dreaming? Ilang beses na akong natalo sa patimpalak na ito pero di ako nagpatinag, mas lalo ko pang pinagbutihan ang pag-eensayo ko sa talentong ginawad ng Panginoon sakin. At ito na nga ang kapalit ng lahat ng mga sakripisyo at paghihirap na dinanas ko buong buhay ko. Napaiyak na lang ako ng di ko namamalayan.
Bigla na lang akong natauhan ng malaman na nakayakap pa pala ako kay Dale at kanina pa ako tinatawag ng host kaya dali dali akong umakyat roon ng may ngiti at saya sa aking mata at labi. Itinaas ko ang tropeyo at kumaway sa kanila. Matapos ang picture taking ay bumaba na ako at niyakap si Maam.
" Proud na proud kami sa iyo Leyl, binigyan mo ng karangalan muli ang ating paaralan."
" Wala po yun Maam, ginawa ko lang naman po ang lahat at siguro gabay na rin ng Panginoong Diyos kaya ako nanalo ngayon pati na rin po ng inyong mainit na suporta sa'kin." Nginitian lang ako ni Maam.
" Then we should celebrate, right Miss?"
" Sure but I can't come with you, I have something important to attend to."
" Wait Maam--" di ko pa natapos ang sasabihin ko ng lumabas na si Maam habang hawak ang kanyang cellphone. Napasinghap na lang ako ng lumapit sakin si Dale at ginulo ang buhok ko.
" You really deserve to be on the top or even the winner Leyl." Sabi nito sakin at umalis na pero bumalik naman ito agad at pinasuot sakin ang jacket nito.
" Wear this you may get cold, it's raining outside and if you needed a home right now, my number was already save on the phone I gave you earlier. And I postponed the dinner because your sister needs you and I don't want to see you hurting." He said na nagpapanganga sakin.
____________________________________________________________________________
IDK what's gottin' my mind kung bakit napahaba ang ud ko, hayst sorry sa paghihintay...Angels brought me here by Guy Sebastian
Don't forget to follow me...
Luvlots Caps😘....
BINABASA MO ANG
Suppressing the Wind (High School Series #1)- Completed
Teen FictionShe's my wind. She's my breeze that makes me smile and makes me feel comfortable. The one who witnessed my sunshines, dark clouds and hurricanes. The air that makes me feel at ease. He's my strength, my weakness, my friend, the one who dance with my...