Chapter 22

5 0 0
                                    

Bigla kong inilayo yung sarili ko kay Lee at umaktong parang walang nangyari.

" I'm sorry Leyl, I shouldn't kissed you. Nadala lang ako." Pag-eexplain niya.

" Sana tinanong muna kita bago ko ginawa yun... Aish." Sabi nito at ginulo ang buhok niya.

" Uhmmm can you take me home? I'm so tired."

Tumango lang siya at sumakay na kami ng cable car pababa. Tahimik lang ako buong magdamag kahit na nasa kotse na kami ay di ko pa rin magawang umimik.

Nakakainis. Bakit ko ba hinayaan na halikan ako ni Lee? Dapat si Dale yun ehhhh.

Teka ba't nasali na naman dito yung asungot na lalaking yun. Ughhh!

Hinatid niya nga ako patungong unit niya.

" Pasensya na ulit sa ginawa ko Leyl ha, alam kong galit ka kaya gagawin ko lahat mapatawad mo lang ako."

" You should be."

Nagulat ako sa lalaking nagsalita sa may gilid at bigla na lang naghuhurumentado ang puso ko ng makita ko siya.

" Umalis ka na Lee, hindi ako magdadalawang-isip na sakalin ka kahit na pinsan pa kita."

" Tsk. Sino ka para utus-utusan ako Dale? Fiancé niya ako kaya may karapatan ako! Ikaw, ano ang karapatan mo?" Sagot namin ni Lee.

Nagulat ako sa isinagot niya.

" Tsk. Just get out Lee."

" Sortez? Êtes-vous hors de votre esprit Dale? C'est mon unité pour que vous soyez celui qui devrait sortir!" (Get out? Are you out of your mind Dale? This is my unit so you're the one who should get out!)

Di ko maintindihan ang pinagsasabi ni Lee maliban na lang sa pangalan na binanggit nito.

" Ensuite, je l'amènerai à mon appareil que vous avez un cul." (Then I will bring her to my unit you piece of ass.)

" Pas de temps en enfer je vous permettrais de vous. Je suis sa fiancé, que tu aimes ça ou non, elle reste ici." (No way in hell I would allow you. I'm her fiancé, whether you like it or not, she stays here.)

" Tsk. Halika na Leyl." Sabi nito at hinatak ako. Hahatakin pa sana ako ni Dale paalis sa unit na'to ng hatakin din ako ni Lee.

Sabay-sabay silang naghatakan.

" Ano ba, nasasaktan ako?" Sabi ko sa kanila.

" Let her go Lee."

" Tsk."

Naghilahan pa sila ng biglang dumating si Brit kaya napabitaw si Lee at napayakap ako kay Dale. Napasandal ang mukha ko sa dibdib nito kaya mas lalo akong kinabahan.

Bigla na lang akong kinapusan ng hininga. Kinginang pag-ibig to ohhh.

Inangat ko ang tingin ko at nakita kong nakatingin si Dale sa'kin while licking his lips.

Pilit ko pa ring pinapakalma ang puso ko pero kahit na anong gawin ko ay mas lalo pang lumakas ang tibok nito.

Umalis ako sa pagkakayakap niya at hinatak ko siya paalis sa lugar na yun.

" Leyl, can we talk?"

" Dale wait for me." Sigaw ni Brit kaya mas lalo pang binilisan ni Dale hanggang sa lakad-takbo na ang ginawa namin.

Sumakay kami sa elevator at papasok na sana si Brit pero bigla na lang itong sumara.

Narinig ko pa na nagsusumigaw ito. Napansin ko na ang lapit namin ni Dale sa isa't isa kaya tinalon ko ang dulo ng elevator at doon pumwesto.

Suppressing the Wind (High School Series #1)- CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon