Umuwi ako sa condo namin na basang basa habang ang luha ay patuloy na tumutulo.
Nangako siya pero bakit hindi niya tinupad? Tapos magkasama pa sila ng Krissang yun?
Tangina.
Hindi na ako nakapagbihis pa, wala na akong pakialam sa kung ano man ang mangyayari sakin.
Naglatag ako ng matress sa sahig dahil ayokong mabasa ang kama namin. At doon na ako nakatulog.
Paggising ko, isang nakakamatay na sakit ng ulo at katawan ang bumungad sakin.
Parang pinukpok ng isang daang martilyo ang ulo ko. Sobrang sakit. Kinapa ko ang leeg ko at naramdaman ko ang init nito ay halos sumingaw na.
Kinuha ko ang remote sa aircon at hininaan iyon. Babangon na sana ako para kumuha ng makapal na comforter pero mas lalong lumala ang sakit ng ulo ko.
Tiniis ko na lang iyon at pumunta sa cabinet namin na nakahawak sa ulo, pinipilit na mabawasan man lang kahit konti.
Nagbihis na rin ako kasi ito ata ang dahilan kung bakit nagkalagnat ako... Tanginang ulan to...
Niligpit ko na rin ang matress at humiga na sa kama namin. Pinatong ko ang makapal at malaking comforter sa'kin at natulog ulit.
Paggising kinabukasan ay naramdaman ko na may yumayakap na naman sakin.
Mas lalo atang sumakit ang ulo ko.
Inalis ko ang kamay niya pero mas lalo lang itong humigpit.
" Dale ano ba, alisin mo nga yang kamay mo, sumasakit ulo ko. "
Dumilat siya at mataman akong tiningnan.
" Anong koneksyon ng kamay ko sa ulo mo Leyl? Pwede ba, patulugin mo muna ako alam mo naman na pagod na pagod ako."
Pagod? Pagod para saan? Kay Krissa? Tangina mo lang.
" Paano naman ako Dale? Nilagnat na nga pinagalitan pa."
Napamulat ulit siya at nilagay ang kamay sa noo at leeg ko.
" Shit!" Naging maamo na ang mukha niya mula sa kanina na kulang sa tulog at salubong pa ang kilay.
Agad siyang bumangon at di ko alam kung saan ang punta niya. Agad kong tinaklob ang kumot at natulog ulit. Tangina.
Ilang minuto bago ako mahimbing na nakatulog, nakarinig ako ng pagbukas at pagsara ng pinto parang nagmamadali. Ipinagkibit-balikat ko na lang at natulog ulit.
Paggising ko ay isang masarap na amoy ng sopas ang unang sumalubong sa'kin.
Hmmm...
Luminga ako sa paligid at nakita si Dale na nakahiga ang ulo gilid ng aming kama habang nakaupong tulog.
Tinapik ko ang pisngi niya at napamulat naman siya.
" Here, eat this first para makainom ka agad ng gamot." Tumango na lang ako at di na nakipag-away.
Sinubuan ako ni Dale. Nakatingin lang ako sa kanya. Magulong buhok. Malalaking eyebags na dulot ng di maayos na tulog. Pero kahit na ganun ang itsura niya, ang gwapo niya pa rin. Hindi talaga mawawala ang kilig kapag mahal mo ang tao.
Siya ba ang gumawa ng sopas na'to? Ang sarap naman.
" Stop staring at me, will you? Hahalikan kita diyan ehhh."
Napairap na lang ako.
Wala kang halik sa'kin, dalawang beses mo na akong hindi sinipot at kapag tatlong beses ulit iyon, di ka na talaga makakayakap o makakahalik. Makikita mo.
Nagpatuloy lang ako sa pagkain at pinainom naman niya ako ng gamot.
Hindi pa rin bumababa ang lagnat ko kaya mas nababahala si Dale.
" Ano ba kasing nangyari ba't ka nilagnat?"
Tsk, nagtanong pa. Siya naman ang kasalanan kung bakit ako nagkalagnat ehhh. Kung sinabi na lang kasi niya sakin na busy siya, naiintindihan ko naman. Pero yung may sumagot sa tawag ko, ibang usapan na yun.
Hindi na ako umimik. Nakatulala lang habang nanonood ng movie sa malaking TV sa kwarto namin. Pilit pinoproseso ang pinapanood pero di ko talaga maintindihan.
Hindi ko pa rin nakakalimutan ang nangyari kahapon. Bakit niya pinapakealaman ang gamit ng boyfriend ko? At anong ibig niyang sabihin sa istorbo kuno?
May ginagawa ba silang kababalaghan sa likod ko?
Subukan mo lang Dale at mapapuputol ko talaga yang tungkod mo.
" Anong itsura yan, ha Mon amour?" nagtatakang tanong ng lalaki. Inismiran ko lang ito at natulog na.
Nagising ako dahil sa isang taong nagsasalita.
" Hindi pwede Kris, may lagnat si Leyl ehhh, di ako makakapunta."
" Dale naman, lagnat lang naman yan, di naman siguro mamatay ang jowa mo ehhh, pagbigyan mo na lang ako. Katuwaan lang."
" Malilintikan ako nito Kris ehhh, tigre pa naman ito kung magalit."
" Wag mong sabihing takot ka sa jowa mo Dale? Sige na minsan lang naman nagkakayayaan."
" Susubukan ko. "
" Sure ka ha? Hihintayin kita, love you." sabi ng malanding yun. Agad namang pinatay ni Dale ang tawag at doon na ako bumangon. Nakita ko siyang kumuha ng tuwalya at pupunta na sanang banyo ng nagtanong ako.
" Saan ka pupunta?" mapanuring tanong ko.
" S-sa bahay lang, pinapapunta ni Mommy. "
Sinungaling.
Hindi ko na sinabi yun at tumango na lang.
Hindi ko talaga gusto sa tao ang nagsisinungaling. Ang sarap lang tupiin sa walo. Nakakainis.
Isa pa tong Krissa na'to, napakalandi. May jowa na nga, di man lang lumayo.
Pasalamat siya at mataas pa ang pisi ng pasensya ko dahil kapag may ginawa silang di maganda, pipigain ko talaga ang dalawang yun hanggang sa maubos lahat ng tubig sa katawan.
Pwede naman ng sabihin niya sakin ang totoo ehhh, bakit kailangan niya pang magsinungaling at pagtakpan ang babaeng yun.
Nakatulog na ako yun pa rin ang iniisip ko.
Pagkagising ay bumungad sa'kin ang isang pagkain na nasa tray, may rosas pa doon at isang side note.
" We'll talk later Mon amour, eat the food I made just for you, don't worry about me, I can handle myself, it's you that all I cared for especially you're not feeling well, I'm sorry and I love you."
Halos mapaiyak ako sa nabasa ko. Tho, he lied to me for the first time, he's always been so sweet and caring for me.
Kahit na magsinungaling siya ng ilang beses sakin, basta ako pa rin ang uuwian niya, kontento na ako. Wag ko lang talaga malalaman na may anak siya sa ibang babae. Pipirasuhin ko talaga ang alaga niya.
Pagtitiwalaan kita Dale kasi alam ko na di ka gagawa ng ikakasama ng loob ko.
Mahal din kita.
____________________________________________________________________________
Sa cp na naman ako nakapag-update Caps, wala kasing kuryente sa lugar namin, pwede sana sa laptop but I need to connect it to a wiFi para ma-save ko sa drafts.
Don't forget to follow me...
Luvlots Caps😘...
BINABASA MO ANG
Suppressing the Wind (High School Series #1)- Completed
Подростковая литератураShe's my wind. She's my breeze that makes me smile and makes me feel comfortable. The one who witnessed my sunshines, dark clouds and hurricanes. The air that makes me feel at ease. He's my strength, my weakness, my friend, the one who dance with my...