Chapter 11

2 1 0
                                    

Warning: Sexual Harassment

Nakahiga lang ako sa ilalim ng lilim ng puno habang nakikinig kay Lee. Grabe ang ganda naman ng boses niya, sobrang lamig, nakakainlove masyado at take note lahat ng instrument alam niya, narito nga halos kalahati ng mga instrument niya ehhh, may piano, violin, bass, organ, iba't ibang klase ng gitara, flute, drum at marami pang iba.

Kahit tugtugin ko ang lahat ng tohhh, walang makakarinig dahil sound proof ang lugar. Naglagay rin siya ng mga ibon dahil may mga itinanim pala siyang mga puno sa malayo.

Di ko akalain na may ganito palang lugar sa paaralan namin. At di ko akalain na may ganitong side ang crush ko, nakakainlove masyado.

" Ako lang ba ang nakakaalam nito Lee?" Tumango siya sa akin at inilagay ang gitara sa may damuhan at tumabi sa akin.

Yiiieee siguro special ako sa kanya dahil ako lang may alam ng lugar nato, kakilig naman.

" Ba't ka namumula?"

" Ah wala, kasi ano, naiinitan ako, oo yun naiinitan ko." Shit, buti na lang di ako nautal kundi katapusan na ng mundo, huhu.

" Ganun ba? Halika, lumapit ka sakin."

" B-bakit?" Tanong ko, shettt may gagawin ba siya sa akin, oh my ghad!

" Tuturuan kita." Bigla na lang akong na-disappoint 'kala ko naman ano na. Ano ba naman yan, napaka overthinker ko talaga.

Lumapit nga ako sa kanya at nung di siya makuntento ay hinawakan niya ang beywang ko at pinalapit pa ng husto na ikinatingin ko sa kamay niya. Paglingon ko sa kanya ay nanlaki ang mata ko dahil sa sobrang lapit ng mukha namin, isang dangkal na lang at mahahalikan ko na siya, wahhhh!

Bigla na lang niya akong inakbayan kaya doon natuon ang atensyon ko sa kamay niya na nasa balikat ko at kinuha ang kamay ko sabay lagay sa hawakan ng gitara.

" Dito mo ilagay ang kamay mo sa unang fret, masakit siya sa una pero tiisin mo lang." Sinubukan ko ang sinabi niya sakin pero naging sintunado ito.

" Idiin mo pa Leyl. Inayos ko na ang string niyan kaya idiin mo pa."

Hinawakan niya ulit kamay ko at siya na ang nag-kontrol nun habang nakatingin ako sa napakagwapo niyang mukha.

He has a thick and black eyebrow. His eyes is almond black. He has a pointed nose. Perfect stubble. Messy straight hair that is perfect for his handsome face. And lastly he has an amorous and kissable pink lips that hipnotizing me.

" Leyl! Are you listening?"

Di ko namalayan na napanganga na pala ako habang pinagmasdan ang mukha niya. Tumango na lang ako at pinagpatuloy niya ang pagtuturo sakin.

" You should know how to play guitar Leyl, sayang ang boses mo ang ganda pa naman." Sabi nito sakin habang naglalakad kami sa hallway ng school.

" Wala ka bang gitara?" Tanong nito sakin. Napailing na lang ako.

" You can borrow this if you want, I have many spare of that at home. Pwede ngang sayo na lang yan eh."

" Talaga Lee?"

" Wahhh thank you!"

" Hoy Crazy Girl, kanina pa kita hinahanap, saan-saan ka ba nagsusuot ha?" Sigaw ng Asungot sa harap namin.

" Thank you talaga Lee ha, napakalaking tulong nito sakin."

" Walang anuman," at ginulo niya buhok ko.

" Halika na nga." Sabay hila sakin ng Asungot. Nakatingin lang ako kay Lee at kumaway para magpaalam.

Nang makalayo na kami ay bigla kong hinatak ang kamay ko kaya nasaktan ako.

Suppressing the Wind (High School Series #1)- CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon