Chapter 18

3 0 0
                                    

" So hahalikan mo nga talaga ako?"

" Tsk."

" At bakit ka ba nandito, you should have left me, may praktis ka diba?"

" Nahhh, its ok, I don't care about the practice."

" So ano ngang ginagawa mo dito?" I asked coldly.

" Bakit bawal bang pumunta rito? Tsk."

" Pilosopo." Piningot ko ang tenga niya kaya napaigik siya.

" Aray Leyl, ano ba ang sakit!"

" Umalis ka na nga, tapos na ang kontrata ko sa'yo." Sabi ko dito.

" Ayoko nga. Di mo ako mapipigilan."

" Anong hindi, gusto mo sipain ko yang ano mo ha." Sabi ko.

Tinakpan naman niya ang harap niya at napangiwi.

" Wag namang ganyan Leyl, baka mabaog ako. Sige ka."

" Pakialam ko naman. Umalis ka na nga. Ayaw kitang makita, at isa pa dun ka na sa babae mo, tutal ang saya mo nung kasama mo siya eh." I said full of sarcasm.

" What?"

Tinalikuran ko na siya at nagtalukbong na lang ng kumot, tangina istorbo, pati puso ko nagwawala kaya please lang Dale umalis ka na, walang magandang nangyayari sa puso ko once you're around.

Pinakiramdaman ko lang ang paligid ko at naramdamang lumubog ang kamang kinahihigdan ko.

" Sleep well, mon amour!" Sabi nito.

Nakarinig ako ng pagbukas at sara ng pinto, hayst buti naman.

" Finally umalis na rin, tsk!"

Bwisit na puso to, I think I really need to avoid him para di pa mas lumabong ang nararamdaman ko dito. Hinawakan ko ang dibdib ko at sobrang lakas talaga ng pagpintig nun,  shit!

Kinuha ko ang phone ko at ni-research ang meaning ng ano yun, mon amour?

Ahhh basta, yun na yun.

Bigla na lang akong nagulantang sa ibig sabihin nun...

My love?

Heart kalma please!

***

Nagpahinga nga ako ng buong araw kasi bukas ay pwede na akong lumabas sa letseng ospital na ito. Para akong maysakit dahil ilang beses na akong pabalik-balik dito. Tsk.

Kinabukasan ay tinulungan ako ni Lee na mag-impake at doon na muna daw ako sa Condo niya habang nagpapagaling at hindi pa ako nakakahanap ng matitirhan, at syempre dahil sa saya ko ay di ko maiwasang mapayakap sa kanya. Agad naman akong bumitaw at nagpasalamat ulit.

" It's ok Leyl, handa kitang tulungan sa abot ng makakaya ko. That's what friends are for." Sabi niya at ngumiti ng matamis. Napangiti na rin ako.

Pinasakay na niya ako sa kotse niya at umalis na kami patungong condo na sinasabi niya.

" It is really ok with you na doon muna ako titira pansamantala?" Tumango lang siya.

" Yes, its fine, pinapauwi na kasi ako ni Mom sa mansyon ehhh, so walang mag-e-stay dun, sayang ang renta."

" Oo nga noh."

" Kumusta na kayo ni Dale?" Tanong niya sa'kin na ikinabigla ko.

" Uhmm..."

" No need to answer my question if you're not comfortable."

" Wala na kami." Malungkot na ani ko.

" Bakit naman? Bagay na bagay nga kayo sa nakikita ko eh."

Suppressing the Wind (High School Series #1)- CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon